"Ma, ayoko dito saatin. Napakaingay, magugulo ang mga kapitbahay. Kailan tayo babalik sa bahay natin? Miss ko na ang mga kalaro ko doon."
"Anak, dito na tayo titira simula ngayon."
"Kailan natin mababawi ang bahay ma?"
Tinignan lang ako ni mama na may malungkot na ngiti, i don't understand. Bakit kailangan namin lumipat? Buti pa sa village namin. Mayroong malaking play ground, tahimik at friendly ang mga kalapit naming bahay. Hindi katulad dito puro mga lasinggero at squater!
"Baby iyah andito na ako." Pagpasok ni daddy sa bahay
"Daaaaddddd!!!! Where's my pasalubong po?" Sabay ngiti kay dad.
Nagkatinginan sila ni mama at umiling si dad. "Baby walang pasalubong si dad ngayon, babawi nexttime si dad ha?" Halong may pangungumbinsi at awa sa mata ni dad.
"Eh dad pano yung aircon ko sa room? Mainit po tuwing gabi eh and also magpakabit na po tayo ng internet para makapagusap na kami ng mga friends ko" palakpak ko habang tumatalon.
"Iyah, akyat ka muna sa room mo, maguusap kami ng dad mo" si mom
"Uggghh!! Fine!"
"Paano na ito alfonso? Hinahanap ng anak mo ang buhay na mayroon siya dati?"
"Naghahanap na ako ng trabaho hon, sasabihin natin sakanya ang totoo huwag muna ngayon."
"Gideon laro na tayo!!! Bahay bahayan! Ikaw ang daddy, ako ang mommy hihihihi" sabay pangaasar saamin ni anne.
"Pagod na ako sa basketball eh. Kayo muna" sabay upo ko sa gilid ng kalsada.
"Ang daya mo naman eh huhuhuhu"
Sige iyak ka lang diyan. Nakakapagod maging pogi.
Andito kami ngayon ni nanay sa palengke. Malapit na kasi ang pasukan
"Eon, ang kuya mo na ang bibili ng bag mo, notebook lang muna at mga lapis ang bibilhin natin ngayon" sambit ng inay
"Kung si ate nalang po kaya ang bumili ng notebook at lapis nay?"
"Naku maraming gastos ang ate mo sakanyang anak, osiya mamili kana diyan at limang piraso muna ha, babalikan kita dito huwag kang aalis. Pupunta ako saglit sa pwesto ng auntie mo"
"Sige ho nay" at tumalikod na si inay at nakihalo na sa mga tao.
Pasukan na agad. Hindi na ako makakapaglaro nito naku.
"Ang init naman dito mom, bakit mo pa ako sinama ugghh!!! So mainit!!"
Lumingon ako saaking likod sa narinig ko, ang arte naman parang perstaym sa palengke. Pagkalingon ko ay lumaki ng literal ang mata ko! Si miss cute pala ito eh
"Uuwi na tayo iyah, wala kabang nagustuhan na bag o notebook dito?"
"Omyg mom! I want unicorn stuffs, tsaka anong sasabihin nila katty kapag dito lang ako sa cheap na market bumili! C'mon mom! Nahihilo na ako ugh!"
Napakaarte naman pala ni miss cute, halatang mayaman talaga!
BINABASA MO ANG
My Shooting Star
Short Story"Iyah? Asan kana? Sabi mo maglalaro tayo?" "Nangako ako, Bakit mo iisipin yan?" "Mahal kita, ako rin ba?" "Bakit ka ganyan? Ang daya mo! Ang daya daya mo!!" "Aliyah, ikaw ang gusto kong makasama, ngunit paano?" "Iyah, ito nga pala si demi anne, naal...