Ngayon ang start ng work ni mom. Mabilis agad iyong naayos dahil nagturo na siya dati.
"Ma'am kaliyah" katok ni ate rossy sa room ko. Well nakalock ang room ko kapag kaming dalawa lang ni ate rossy.
"Meryenda na ho ma'am" sabi niya ulit. Half day lang ang pasok dahil exam lang naman.
"Antayin mo nalang ako sa baba" sabi ko sakanya ng hindi binubuksan ang kwarto.
"Okay po" at narinig kong pababa na siya.
Inayos ko ang gamit ko sa study table at kinuha ang susi ng room ko at ang wallet ko. Nakalock rin ang room nila mom at ang isang room dahil mahirap na.
"Ma'am kain na po" namataan ko si ate rossy na nagwawalis ng kusina.
Pumunta ako sa kitchen at tinignan ang niluto niyang meryenda. Bananacue huh? Well, naalala ko si gideon. "Saan mo ito binili?" Tanong ko sa katulong
"Ako ang gumawa niyan ma'am kaliyah" sabi naman ng katulong at tinigil ang pagwawalis.
"Lalabas muna ako" sabi ko at tumalikod na. Well, hindi ko talaga kinakain ang mga luto niya. Tuwing breakfast si mom ang naluluto para saamin ni Dad. Tuwing lunch at meryenda naman ang katulong at umuuwi din siya sakanila tuwing 6PM ng gabi. Kaya hapunan ay si mom parin ang nagluluto.
"Saan ho kayo pupunta maam?"
Tinignan ko lang siya ng nakataas ang kilay. Yumuko naman siya. Psh btch.
"Kaliyaaahhh" lumingon ako agad at nakitang si gideon iyon
"Hey" sabi ko habang sinasarado ang gate
"Saan ka pupunta?" Ngiting sabi niya. Well, okay siya saakin. Naguusap na kami sa room dahil magkatabi kami at lagi na kaming sabay pumapasok sa room.
"Maghahanap ng meryenda. Ayaw ko iyong luto ng katulong" simpleng sagot ko
"Mayroon na pala kayong katulong. Gusto mo nitong tinda kong bananacue?" At pinakita ang tatlong piraso doon
"Ayan din ang niluto ni ate rossy, pero wala akong tiwala sakanya" tinignan ko ang reaction niya.
"Ano bang gusto mong kainin? Sasamahan kita" anyaya niya. Tumaas ang kilay ko
"You told me na nagtitinda kayong meryenda right?"
"Ah oo. Mayroon na ngang burger doon atsaka nagiihaw na si ate ng isaw. Kumakain kaba non?"
"Oo. Sige" sagot ko kahit hindi ako kumakain ng isaw
"Talaga? Akala ko ay hindi. Osiya tara na at mainit"
Nagyaya siyang sumakay kami ng pedicab ngunit tumangi ako. Mas gusto kong maglakad para maging pamilyar dito. Masaya naman siya kasama and i know hindi niya ako pababayaan.
Lumiko kami sa may iskinita "Iyon ang bahay namin kaliyah, iyong mausok hehehe" turo niya sa maraming tao sa harap ng bahay. Mayroong nagpapaypay na i think ate niya at iyong nagbebenta ay mom niya.
"Tara, ipapakilala kita kay ate at kay nanay. Wala si kuya ngayon. Namasada siya."
"Let's go" sabi ko at humakbang na.
"Nay, ate, si kaliyah nga pala. Siya yung sundo ni kuya at bago lang sila dito. Sila yung nangungupahan sa malaking bahay ni aling pasing" panimula ni gideon ng nakalapit na kami.
"Ang ganda ng inuwi mo gideon ah! Siyota mo?" Sabi nung matabang lalaki na umiinom ng juice.
"Naku manahimik ka nga joem!" Sabi ng mama ni gideon at bumaling saakin "Buti at napadaan ka saamin nak, nanay ako ni gideon. Nanay esme nalang ang itawag mo saakin." At ngumiti ang nanay niya. Nagulat naman ako. Like omg nanay agad.
"Ako naman si sofia, ate ni gideon. Doon nalang kayo sa loob magmeryenda dahil mausok dito, marami pang tao. Eon sige na." Sabi ng ate niya at nagpaypay na ng maraming isaw.
"Tara na kaliyah, anak lang ni ate sofia ang nasa loob." Anyaya ni gideon. Sumangayon naman ako.
Pagkapasok sa bahay nila ay nanonood ng TV ang anak ng ate ni gideon.
"Reese, sa kwarto ka muna may bisita ako" at inayos ni gideon ang lamesa sala. Tumakbo naman ang bata papasok sa kwarto na kurtina lamang ang ginawang pinto.
"Anong gusto mong meryenda miss cute, ay hindi kaliyah pala hehehe" lagi na siyang nadudulas sa miss cute na yan
"Burger nalang. And yung black na square na iniihaw? And isaw na rin. Tsaka isang bananacue"
"Ang dami naman aliyah matakaw ka pala. Magkakasundo tayo! Kukuha lang ako. Tsaka dugo ang tawag sa iniihaw na black na square. Hahahahah" tawa niya bago lumabas.
Nilibot ko ang kabuuan ng bahay nila. Wala itong taas. Mayroong dalawang magkatabing room sa side ko, nasa dulo ang kitchen and sa tabi ay small door na i think comfort room
Tumingin ulit ako sa room nila dahil sumisilip ang pamangkin ni gideon. So cuteeee.
"Pasensya na at natagalan. Matagal itong burger eh. Kain na" at nilapag niya sa mesa ang softdrinks, 10pcs na isaw, 5pcs na dugo at ang burger at dalawang bananacue
"Kain ka lang ha. Tsaka sabihin mo kapag kulang" kumuha na siya ng bananacue at kumagat dito. Kumain na din ako ng burger.
"Pasensya dito sa bahay at maliit" panimula niya
"Okay lang ano kaba, sa bahay tahimik. Buti nga nandito lagi family mo" sagot ko
"Asaan ba papa mo? Hindi ko pa nakikita yun"
"Maraming inaayos si dad." at uminom ako ng softdrinks.
"Ganon ba. Ayos lang yan nakilala naman kita e" seryoso niyang sabi. Like wtf? Tumibok naman ang heart ko. Ugghh okay this is bad.
Marami pa kaming napagusapan and napansin ko ang oras. "gideon, pauwi na si mom"
"Ganon ba? Sige ihahatid na kita sainyo"
Nauna na akong lumabas para magbayad sa mga kinain namin.
"Tara na kaliyah" napalingon ako kay gideon sa likod.
Well. mayroon siyang singkit na mata, maputi rin siya at mas matangkad saakin. Payat and kissable lips. Wtf kaliyah? Umayos ka nga! Ugh.
"Aliyah!" Napalingon kami ni gideon dahil may pinapakita siya sakanyang cellphone at nagtatawanan naman kami
"Mom" sabi ko ng nakalapit na kami
"Where have you been!?"
"I'm with gideon mom"
"Magandang hapon ho maam, pasensya na ho at natagalan si kaliyah. Doon ho kasi siya nagmeryenda saamin." Okay gideon my hero.
"Sa susunod magtext ka saakin aliyah! Nagaalala ako, hindi kapa matawagan!"
"Relax mom okay? I'm sorry. Nagmeryenda lang kami." At tumingin kay gideon na kabado. Hahahaha
"Osiya sige, maagang umalis si rossy. Gideon gusto mong pumasok? Tanong ni mom sakanya
"Nako, hindi na ho maam. Tutulong pa po ako saamin. Salamat ho madam at pasensya na po"
"Ayos lang gideon. Nagalala lang ako. Osige ingat at salamat rin." At pumasok na si mom
"Thanks gideon" ngumiti ako sakanya.
"Wala yun, pasok kana" ngiti niya rin saakin.
BINABASA MO ANG
My Shooting Star
Cerita Pendek"Iyah? Asan kana? Sabi mo maglalaro tayo?" "Nangako ako, Bakit mo iisipin yan?" "Mahal kita, ako rin ba?" "Bakit ka ganyan? Ang daya mo! Ang daya daya mo!!" "Aliyah, ikaw ang gusto kong makasama, ngunit paano?" "Iyah, ito nga pala si demi anne, naal...