Kabanata 7

1 0 0
                                    

Gaya ng sabi ni gideon ay pagkatapos namin magmass ni mom at dad ay nagbihis na ako upang makapunta na ng park. Excited na akong ibigay sakanya itong regalo ko!  *^_____^*

Wala si gideon doon kaya't umupo lang ako sa isang bench doon dahil maraming bata ang naglalaro.

"Gideon iwan muna nga si kaliyah! Ang pangit pangit nun!" Hinanap ko ang boses at nakitang sa likod ng puno ng narra iyon! Sinundan ko ang boses upang marinig lahat

"Bakit hindi mo siya maiwan?! Ako dati diba! Ako yung nanay eh!"

Wala akong marinig na boses kundi si anne.

Tumigil ang pagsasalita niya kaya sumilip na ako. Hinalikan ni anne si gideon at nakahawak pa ito sa braso niya.

Tinakpan ko nalang ang bibig ko at tumakbo. Hindi, gideon. Hindi

--

"Baby, kumain ka naman. Pinaglalaruan mo lang yang pagkain"

"Busog pa po ako dad."

"Anong busog? Hindi ka nga nagmeryenda eh, kumain ka aliyah." Utos ni mama.

"Aakyat na po ako. I want to rest na mom,dad. Goodnight" at tumayo na ako sa hapagkainan.

"Uhm. Okay baby goodnight" hinalikan nalang ako ni dad sa noo at umakyat na ako.

Gideon💏

Asan kana aliyah? Akala ko maglalaro tayo?

Nabasa ko ang text ni gideon. Wow ha? Gusto pa talaga niya akong makalaro eh andiyan naman si anne. Ts.

Mondaaayyyyyyy

"Mom, si dad?" Bumaba na ako para kumain ng breakfast.

"Maagang umalis ang dad dahil may meeting, kain na tayo nak"

"Mom, pwede bang magpalit ako ng service?"

"Bakit aliyah? Ayaw mo na ba si edward? May ginawa ba sayo?"

"Wala po, uhm.. Kayo nalang po kumausap kay kuya edward."

"Okay nak, kain ka ng marami"

Bumilis ang araw, Graduation na. Nirequest ko kay ma'am gayle na lumipat ako ng upuan kaya't hindi na kami nagkakausap ni Gideon. Iniiwasan ko na siya at sa grupo na nila Anneth at Shiena ako sumasama. Wala naman siyang magawa dahil pinapalibutan ako kaya't hindi niya ako nalalapitan. Nagpalit na rin ako ng Service.

Graduation Day

"Congrats baby! We are so proud of you! Kahit transferee ka ay mayroon kang honor, so this is your gift. Hope you like it baby" maligayang sambit ni dad pagkababa ko.

"Wow! Thanks dad. Loveyou! Hindi kana po pumasok sa office?" Habang binubuksan ang gift ni dad.

"Hindi na kami pumasok ng mommy mo, dahil magcecelebrate tayo pagkatapos"

"Gabi na po matatapos yun dad."

"Its okay anak, sige na at aayusan kana ng mommy mo"


--

"Kaliyah! Kaliyah!" Hindi ako nagkakamali ay si gideon iyon.

"Bakit?" Lumingon ako at tinaasan siya ng kilay. Ganon naman talaga ugali ko diba? Binago niya lang ako. This time, hindi na.

"Iniiwasan mo ako. May nagawa ba ako? Hindi mo ako sinipot sa park. Inantay kita" sabi niya habang inaayos ang toga niya.

"Bakit naman kita iiwasan?" Ngumiti ako para maasar siya

"Halata naman eh, ano ba ang nangyari?" Kunot noo niyang tanong

"Wala. Sige na. Doon kana kay anne." At tinalikuran siya para pumunta sa comfort room. Magreretouch ako.

"Nagseselos kaba kay anne? Iniiwasan ko nga siya eh dahil nangako ako sayo na liligawan kita kapag malaki na tayo." Hinawakan niya ako sa braso upang makalingon ako

"Bitawan mo ako gideon! Doon kana sakanya! Diba hinayaan mong halikan ka niya? Sige na! Umalis kana!"

"Nangako ako. Bakit mo iisipin yan?" Naluluha niyang sabi.
"Mahal kita kaliyah. Kahit bata pa tayo alam ko na gusto kitang makasama habang buhay. Bakit mo iisipin yan saakin kaliyah? Oo hinalikan niya ako. Nabigla ako ngunit itinulak ko siya palayo. Sabi ko huwag na niya akong lalapitan muli. Kaliyah patawad"  mayroong humaplos sa puso ko. Hindi iyah. Mali. Bata pa kayo. Wala lang ito.

"Okay" sabi ko lang dahil gusto ko ng umiyak  "pupunta muna ako sa restroom"

"Mahal kita. Ako rin ba?" May lumandas ng luha sakanyang pisngi.

Nagiwas akong tingin dahil hindi ko alam ang sasabihin. Naguguluhan ako.

"Aantayin ko ang sagot mo kaliyah. Aantayin kita. Tanggapin mo itong bracelet na ginawa ko. Promise bracelet iyan." At may kinuha siya sakanyang bulsa at isinuot saakin "Aantayin kita." Huli niyang sinabi at umalis na.

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon