"Aliyah, meryenda na" katok ni mom sa room ko. Buti at katatapos ko lang rin gumawa ng assignments.
"Opo ma, pababa na" at lumingon sa pinto ng namataan si mama na nakasilip. Pumasok na ng tuluyan si mom sa room ko at tinignan ang room ko.
"Hindi naman ito maliit kumpara sa room mo dati diba anak?" Upo ni mom sa queen size bed ko.
"Opo ma, wala nga lang walk in closet pero okay naman mom."
"Yup, yun lang naman ang wala dito. May bathroom dito, TV at study table, mayroon din bookshelf. Wala ring pinagkaiba"
"Yes ma." Tipid kong sagot
"Nak, i hope you understand. Ginagawa ng dad mo ang lahat para mabalik ang buhay natin sa dati."
"No, really. I mean nakakapagadjust naman ako mom, well sa school hindi pa. Pero sana makalipat na agad ako sa school. Kahit hindi na sa dati kong school. Masyadong mahal doon mom, kahit saang private nalang po."
"Oo nak, malapit na yan. May bagong work na ang dad. Ako rin, babalik ako sa pagtuturo."
Napalaki ang mata ko sa sinabi ni mom. Whaaat!?
"What? Magtuturo ka ulit mom?"
"Yes anak, maghahire kami ng dad mo ng maid para may kasama ka dito. Para may magluto sayo paguwi mong lunch. Sa service mo naman, Yun nalang muna nak. Ginagamit ng dad mo ang kotse natin para sa work niya. Okay?
"Yes. Of course mom, sure. no problem" gulat paring sangayon ko.
"Thanks nak, baba na tayo. May bananacue doon."
--
"Nakoooo! Sayang naman! Hindi ko nakita si miss cute ngayon." Bulong ko sa sarili habang naglalakad palayo ng bahay nila.
--
"Kuyaaa! Maaga ka ngayon ah" Sigaw ko ng nakita si kuya na umiinom ng palamig sa harap ng bahay
"Ang init kasi bunso, mamaya na ako babyahe. Oh napaubos mo ba yang bananacue?"
"May lima pa kuya eh" pakamot na ulo kong sabi.
"Ayos lang eon, dalhin muna dito para maibenta pa" sabat ni ate sa usapan namin.
Dinala ko sa tray ng bananacue ang tira saaking paninda. "Asan si nanay ate sofia?" Pagtataka kong tanong dahil wala si nanay sa harap.
"Nilalaga ang mga iiihaw mamaya" simpleng sagot ni ate habang nagtitinda.
"Wow! May isawan na rin tayo ngayon!" Talon talon kong sinabi.
"Ang tahimik naman ngayon dito sa playground" bulong ko nanaman saaking sarili. Teka? Lagi na akong bumubulong sa sarili ko ha? Baliw na ba ako!?
Habang nakikipagtalo sa sarili ay mayroon akong nakitang nagsiswing malapit din saakin. Nakatalikod ito, kulay gatas ang kutis at ang buhok ay mahaba na kulay brown. "Wala namang amerikana dito saamin ah? Puro sunog mga bata dito" pagtatakang bulong saaking sarili.
"Sinong kausap mo?" Nagulat ako sa nagsalita! Naknangtokwa pagkakamalan akong baliw nito.
"Ay hehehe wala miss. Magisa mo dito?" Pagsagot ko sakanya. May kamukha ito ah. Bakit kasi nakasideview pa
"May nakikita kabang kasama ko?" Pagtataray niya
Umusbong ang ngiti saaking labi, Ang cute naman nito. Nananapak kaya ito?
"Hoy. I'm talking to you" pagsalita niya ulit, kalmado na.
"Ay hehe wala miss. Natanong lang." At umupo ako sa padulasan malapit din sakanya. Tinignan niya lang ako at yumuko. Ano kayang iniisip nito? Baka nagagwapuhan saakin.
Tumayo siya at umikot sa inuupuan niya. Nagtama ang paningin namin. Literal nanaman na lumaki ang mata ko! Oo lumaki nanaman! Si miss cute ito!
Umupo ulit siya ngunit nakaharap na saakin.
"Baka sabihin mo bastos ako kung tatalikuran kita." Paguumpisa niya. Soowwwss crush mo lang ako eh!
"Hindi mo ba ako naaalala?" Sabi ko, malay niyo diba?
"Hindi." Simpleng sagot niya at tinulak ang sarili ng mahina upang makapagswing.
"Classmate tayo. Pero nasa dulo ako. Kaya hindi mo ako napapansin, ako rin iyong nagbebenta ng bananacue sainyo."
Umangat ang tingin niya saakin at tumango tango. Naks naalala ako.
"Masarap iyong bananacue. Sinong nagluluto nun?" Diretsong tanong niya saakin. Umiwas naman ako ng tingin. Letche ka gideon asaan yabang mo!
"Ah... Iyon ba, si ate ko. Mayroon kaming pwesto sa harap ng bahay namin. Nagtitinda ako sa mga bahay bahay na malayo na saamin.
Tumango tango nanaman siya. Hindi niya inalis ang tingin saakin. Naknangpucha paano ko siya mapapanindigan!
BINABASA MO ANG
My Shooting Star
Cerita Pendek"Iyah? Asan kana? Sabi mo maglalaro tayo?" "Nangako ako, Bakit mo iisipin yan?" "Mahal kita, ako rin ba?" "Bakit ka ganyan? Ang daya mo! Ang daya daya mo!!" "Aliyah, ikaw ang gusto kong makasama, ngunit paano?" "Iyah, ito nga pala si demi anne, naal...