Kabanata 9

1 0 0
                                    

"Nako itong anak ko! Eh nakasama sa Top 10 kaya hindi muna kami magbebenta ngayon dahil kakain kami sa jollibee!" Masayang sabi ni mama sa labas habang nagwawalis

"Hoy eon, tara na at kumain na tayo. Dadaanan tayo ni kuya mamayang tanghali at iboblowout ka niya!" Masaya rin si ate sofia. Pero bakit ako hindi?

Siguro ay namimiss ko lang si aliyah. Eh kung puntahan ko mamaya? Tama tama! Pupuntahan ko siya!

"Oh, kain lang ng marami ah. Order pa kayo kung gusto niyo magtakeout lalo kana bunso namin at Top 6 kapa! Galingan mo lalo sa highschool dahil pagaaralin ka namin!" Sabi ni kuya habang binabalatan ang chicken joy

"Tama tama! Huwag kang gagaya saamin ng kuya edward mo na Highschool lamang ang tinapos! Dapat ay makapag kolehiyo ka!" Si ate habang sinusubuan si reese.

"Makapagsabi ka sofia ay magkokolehiyo ka rin pero nagpabuntis ka!

" mama naman eh! Masaya naman ako dahil dumating si reese! Diba baby ko? Opo baby ko sige na kain na kain"

"Opo. Magtatapos talaga ako dahil gusto kong ligawan si kaliyah kapag malaki na kami!"

"Tama yan eon. Magtapos muna kayo bago mo ligawan" si kuya

--

"Tao po!!!!!"

"Aliyah?"

"Madam, si Gideon ho ito. Tao pooo"

Aba? Mukhang walang tao ah.

"Oy hijo, anong kailangan mo eh?"

"Magandang hapon ho Madame Pasing. Gusto ko lang po sana bisitahin si kaliyah"

"Hindi mo alam hijo?" Nakataas na kilay nito

"Ang alin po madame?"

"Naaksidente ang buong maganak kagabi. Tumawag lamang saakin si Maam Tess dahil pinapabantayan ang bahay. Bumangga ang sasakyan nila sa isang puno."

Nanlamig ako sa sinabi ni madame pasing. Hindi. Hindi maaari.

"Saang ospital po madame?" Parang nanlalambot ang tuhod ko at pinapawisan na ako ng malamig sa nangyayari

"Hindi ko na naitanong dahil nagmamadali sila, Malala ang sinapit ng nagiisa nilang anak. Osiya mauuna na ako" at naglakad na si madame pasing at nilagpasan na ako


Your subscriber cannot be reach please try your call later

Naknang tokwa! Bakit ganito pa!

"Oh eon, hindi ka mapakali" si kuya habang nagbibihis dahil mamamasada ulit siya

"Kuya, si kaliyah naaksidente. Silang maganak" tulala kong sabi

"Ano? Saan mo nabalitaan?!" Si ate

"Galing ako sakanila ate, ang nakausap ko ay si aling pasing. Kagabi daw sila naaksidente"

"Nakooo! Jusko po! Saang ospital naman?!" Si mama ng tumigil sa pagwawalis ng sala

"Hindi ko alam nay, hindi ko matawagan si kaliyah" naiiyak kong sabi

Diyos ko, ikaw na ho ang bahala sa mahal ko



--

"Eon gumising ka diyan!!!"

"Kuya naman bakit?" Habang nagaalis ng dumi sa mukha. Teka? Gabi pa ah

"Kakauwi ko lang! Nadaanan ko ang bahay nila kaliyah! Nakauwi na sila!" Hawak na ni kuya ang dalawang balikat ko

"Talaga!? Kuya samahan mo ako! Puntahan natin sila!" Ang saya ko dahil nakauwi na sila ngunit kinakabahan ako

"Baka mabigla ka bunso" seryosong sabi ni kuya

"Huy, ang ingay niyong dalawa magigising si reese, katutulog lang nun eh" silip ni ate sa kwarto

"Pasensya na sofia" si kuya. Tabi lang kasi ang aming kwarto. Share kami ni kuya dito at sila nanay, reese at ate sofia ay sa kabilang kwarto

"Bakit kuya?" Hindi ko na matanggal ang pagiyak

Niyakap lang ako ni kuya at naiyak na ako ng sobra. Hindi kuya. Hindi

--

"Gi..deon..." Mugto ang mga mata nito

Narinig ko na tinawag ako ng mommy ni kaliyah. Kabababa ko palang ng tricycle ay hindi na ako makagalaw

Bakit andiyan ang picture niya sa harap?

"A..nak.." Tawag ulit ng mama niya. Kitang kita ang pagod sakanyang mukha, mukhang hindi na sila tumigil sa pagiyak

"Condolence ho Mrs. Rodavlas" si kuya habang tinitignan din ang picture ni Kaliyah na sobrang saya

"S...salam..salamat" at tuluyan ng humagulgol ang mama niya

Hinakawan ni kuya ang braso ni Mrs. Rodavlas dahil nanghihina na ito dahil halata ding wala itong tulog

Napaupo nalang ako sa kalsada dahil sa panghihina. Hindi ko kayang pumasok sa kanilang bahay

"Pauwi na kami nun, nawalan kami ng preno at ibinangga ko na lamang sa puno. Hindi ko alam na walang seatbelt ang anak ko" lumuluhang sabi ng daddy ni kaliyah

Hindi na ako uuwi. Dito lang ako kaliyah, dito lang sa tabi ng labi mo.

Kahit gabi na ay marami pa ang pumupunta sa bahay nila kaliyah. Mga kamaganak, Mga kaibigan niya na mukhang mayayaman. Ang mommy ni kaliyah ang nagwewelcome sa mga bisita, sinamahan na rin siya ni kuya edward

Ang daddy naman ni kaliyah ay nasa tabi ko at paulit ulit nitong sinisisi ang sarili.

"Maswerte ang anak ko dahil nakilala ka niya, Maraming naging kaibigan ang anak ko ngunit ikaw lang ang laging nasa tabi niya" napalingon ako sa sinabi ng kanyang ama. Napaluha naman ako ulit

"Ako ho ang maswerte sir" sabi ko na lamang at yumuko na dahil hindi ko na mapigilan ang hikbi

Tumayo ang daddy ni kaliyah dahil sa dami ng bisita.

Lumapit ako kay kaliyah, tinignan ang sinapit niya ngunit para lamang siyang natutulog. Ang ganda ganda mo mahal ko. Mas lalo akong naiyak dahil suot niya ang binigay kong promise bracelet.

"Bakit ka ganyan? Ang daya daya mo! Ang daya daya mo!" Napaluhod nalang ako sa harap niya dahil nasasaktan ako. Wala na ang first love ko


--

Tatlong araw lang binurol si kaliyah dahil kailangan magbakasyon ng magasawa dahil natrauma ang mga ito. Sa tatlong araw na yun ay hindi ko siya iniwan. Nasa tabi niya lang ako dahil hindi ko pa kayang bitawan siya.

"Aliyah, ikaw ang gusto kong makasama. Ngunit paano?" bulong ko saaking sarili








My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon