Kabanata 3

1 0 0
                                    

"Thank God! It's Saturdaaayyyyyy" pagkabangon ko saaking higaan. Makakapagpahinga rin. Nakakapagod ang bago kong school. Bukod sa buong araw ang klase, napakainit pa at ang daming studyante.

"Sa tingin ko ay ayos na si aliyah sa bago niyang school" pababa na ako ng narinig ang boses ni mama. Naguusap siguro sila ni dad.

"Mabuti naman, nakahanap na ako ng bagong opisina. Maguumpisa na ako sa lunes"

"Mabuti yan hon! Ngunit mababa pa ang sweldo mo dahil bago ka palang"

"Ayos lang iyon hon, may ipon pa naman tayo para sa araw araw."

Nang natapos sila ay tuluyan na akong bumaba upang makapagbreakfast na.

"Goodmorning mom! Dad!" At niyakap sila pareho.

"Maganda ang gising ng baby ko ha. May friends kana ba sa new school mo?" Si dad sabay inom ng coffee.

"Hmm, wala pa dad pero may sumasama na group saakin and kinakausap ako, mabait naman sila specially anneth" sabi ko at kumuha na ng hotdog at bacon.

"Wow, that's great anak. Invite mo sila dito sa bahay para makilala namin ng mom mo"

"Nexttime dad."

"Tama, nexttime na hon. Kapag napaayos na itong bahay." Napatingin ako kay mom ng nagsalita siya.

"Akala ko ba inuupahan lang natin to ma? Paano yung bahay sa village?"

"Bahay yun ng lola nak, Oo umuupa tayo pero hinuhulugan na din tong bahay para maging saatin na. Ayaw mo ba dito?"

"The house is good. But yung environment, msyadong maingay and i think squatter sila" pagsagot ko.

Nagkatinginan si mom at dad at tumawa "nako aliyah, hindi ka lang nasanay. Hindi ito squatter no, hindi ka lang lumalabas. Mababait ang mga kapitbahay" sabi ni mama.

Nagpatuloy sila sa paguusap ni mom at dad at ako ay kumain na.

--

"Eon magbenta ka ulit mamaya ng bananacue ha" sabi ni nanay habang nagbabalat ng mga saging at si ate ang nagpiprito.

"Sige ho nay"

Simple lang ang buhay namin. Iniwan na kami ni tatay at si nanay naman ay nagtatrabaho sa palengke tuwing lunes hanggang biyernes. Ang ate sofia ay andito lang sa bahay dahil may anak ito at iniwan na din ng asawa. Si kuya edward ay nakabili ng sariling tricycle dahil nakapagtrabaho ito sa factory dati sa maynila.

Pagtapos nila magluto ay inayos na namin ni nanay ang pwesto sa harap ng bahay. Mayroon ng palamig at mga nalutong bananacue at mga sahog sa halo halo. Mayroon ng bumibili dahil tanghali na at mainit na.

Pumasok na ako sa loob at kumuha ng basket at ipinasok doon ang ilang bananacue na ibebenta ko.

--

"Omyygg girl buti at nacontact na kita dito!! Bakit ka lumipat ng school!? Like omg paano ang group! Ang dami din naghahanap sayo!"   Panimula ni katty ng nakapagvideo call kami

"Sorry katty biglaan talaga, and wala na kami sa village lumipat na kami ng house" sagot ko habang pinapatuyo ang hair ko sa tapat ng electricfan

"Oh my. Sorry to hear that, are you okay?"

"Yes, i'm okay. Nakakapagadjust na. Thanks katty"

"Saang school kana ngayon? And yung house niyo is big din ba?"

Parang ayaw kong sagutin ang tanong niya. This is so mahirap ugh!

"Well, the house is good. Ipaparenovate ni dad. Pero may 3 rooms dito sa taas and may sarili din akong bathroom. Sa baba ang main comfort room, small living room and okay naman yung kitchen. May veranda rin dito sa taas"

"Oh,medyo big din pala eh! Kaunting renovation lang yan girl, omg btw magshoshopping kami ni mom ngayon, tara?"

"I can't eh. Magisa ni mom. Bka maglilinis siya so tutulong ko"

"That's sad. Maghire nalang ulit kayo ng maids, maraming kilala si dad na agency!" Palakpak niya

"Sasabihin ko kay dad." Walang gana kong sabi.

"Okay girl! Aalis na kami, love you and takecare!"

"Takecare. Enjoy kayo ni tita katty" at pinatay ko na ang linya.

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon