Chapter 2

80 3 0
                                    

Work

Pag uwi ko, chineck ko agad ang phone ko. And dami na palang messages ni Jerome sa akin. Ang bastos ko naman kasi, eh. Binabaan ko agad ng tawag kanina.

Buti nalang daw at bigla siyang tinawagan ng manager niya para sa biglaang schedule kaya bumalik na din lang daw siya sa station. Tiningnan ko kung anong oras na at saka nag decide na tawagan si Jerome at sabihin na nakauwi na ako. Nagwo worry kasi yun kapag hindi ko siya kino contact, eh.

"I am so sorry I wasn't able to pick you up earlier, babe. Something came up sa taping and I had to come back because they needed me. Sorry talaga, babe." Iyon agad ang bungad niya sa akin.

Napangiti nanaman ako. This man always gives his reasons even when I am not asking him. Gusto niya talaga na may malinis siyang reputasyon sa harap ko, though he doesn't need to. Alam ko naman na hectic talaga ang schedule niya dahil nga celebrity siya.

"It's alright, Rome. Hindi rin naman nagkaproblema sa sumundo sa akin because I had dinner with the team. Hinatid na ako ni Ara pag uwi and I am now here in my unit so no need to worry." I chuckled.

"Thank you, for calling me and reassuring me that you are now safe. Anyway, do we have a problem? You called me by my name.."

"No.. we don't have a problem. It's just that I am so not used to these cheesy endearments." I reasoned out dahil totoo naman.

Kahit noon ay si Kiefer ang nagpipilit lang sa akin ng endearment. I can't stand being cheesy. I don't want a 'cringe-worthy' relationship or so. Ayaw na ayaw ko pa naman ang pagpapabebe.

"Osige na.. I am tired. Gusto ko nang matulog at magpahinga. Are you picking me up tomorrow morning?" I asked.

"Of course.. kung walang emergency." Madami kaming napurnadang lakad dahil sa mga biglaang emergency niya sa station.

Pero naiintindihan ko naman iyon. I am sometimes like that, too. Minsan ay bigla akong nagka cancel ng mga date namin dahil sa biglaang training, or kaya kapag sobrang pagod na talaga ako.

"I understand... thanks for the care. I'll have to hang up now kasi pagod na pagod na talaga ako, Rome."

"Okay.. you deserve a well rest, babe. Goodnight!" Hindi na ako sumagot at binaba ang tawag.

Pinaiinit ko ang bath tub at naghanda ng pagtulog habang iniintay na mapuno ang tub. Sanay kasi ako ngayon na tuwing pagod, nagwa warm bath bago matulog. It's a way to refresh myself, as well.

Habang nasa tub ay nagso scroll ako sa Instagram ko. Sobrang jelly ko minsan sa mga posts ni Jeron kasama si Jeanine. Iniisip ko kasi kung pano kaya kung ako yung kasama niya sa mga posts ko? Siguro sobrang saya nanaman ng mga shippers.

O kaya, kung kaming dalawa ang mag partner ngayon, siguro sobrang private at konti ng laman ng feed niya, kasi ako yung type din na when in a relationship, mas gusto ko when things are kept in private.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising at nag prepare para mag trabaho. I am currently working as a Marketing Manager in a small company of drones owned by my Engineer Friend, Camille (a/n- for the story's purpose only 😁) 

Hindi naman kasi pwedeng mag idle lang ako at umasa sa pagva volleyball ko, eh. Maaga akong umalis dahil sa takot na maabutan ng traffic. Kahit kasi kaibigan ko ang boss, mahalaga pa din ang maging productive.

"Goodmorning, boss!" Bati ko kay Camille nang magsabay kami sa elevator. "Maaga ka ngayon, ah." I chuckled.

"Siyempre, it's the last work day of the week kaya dapat productive." Nakitawa ako dahil sa katamaran nitong si Camille.

My Cherished MARVEL (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon