Tahimik lang kaming dalawa habang nagda drive si Jeron pabalik ng unit ko. Ihahatid niya daw ako ulit. Inabot na kami ng pagabi dahil sa traffic at tagal din namin sa Ospital nang dalawin namin yung customer na nag complain.
Hindi din nakakatulong sa mood ko ang traffic kaya minabuti ko nalang na tumahimik. Hindi din nagsasalita si Jeron hanggang sa makarating kami sa building ko.
"Thanks for today, Je." Palabas na ako ng sasakyan nang bigla niya akong hablutin. Napa bitaw tuloy ako sa handle.
"Mika.." he softly whispered bago ako lumingon. "Don't think about it too much. We'll find a solution." unti unting binitawan niya ako saka ngumiti.
Ngumiti nalang din ako pabalik bago tuluyang magpaalam. That man.. alam niya talaga lagi kung ano ang kailangan ko, 'no?
Ang pagbisita namin sa galit na customer ay hindi nagkaroon ng magandang result. Kulang nalang nga ay ipagtabuyan kami ni Jeron palabas ng ospital. Hindi pa din daw nagbabago ang isip nila. Ayaw talaga tanggapin ang apology unless we release a statement in public. Kaso, mukha namang nago over react lang sila dahil ayos na ayos naman ang itsura ng anak niya, nagawa pa ngang maglaro ng mobile legends kahit kakatanggal lang ng cast sa arm niya.
Ipinagsa-walang bahala ko nalang ang problema. Nag palit ako ng comfy clothes bago magluto ng dinner. Hindi pa din nagpaparamdam si Jerome, siguro ay busy talaga sa shooting. Dahil busog pa naman ako, nag toast lang ako ng tinapay at nag scramble ng itlog. Okay na ito for dinner. Nagso scroll lang ako sa Instagram habang kumakain nang madaanan ko ang isang post ni Jeron. Hmm. Mukhang ayos na sila ni Jeanine.
I just closed my phone and focused on my food nang muling makaramdam ng inggit. Oo na, sila na yung may masayang relationship habang ako itong stuck pa din sa past.
Maaga akong nagising kinabukasan. Dadaanan ko pa kasi sa shop ang sasakyan kong kakatapos lang maayos. Nag away kami ni Jerome kagabi. Late na kasi nang tumawag siya at nagkasagutan kami, wala din naman kasi ako sa mood. Maya maya nang makatanggap ako ng tawag mula kay Jeron.. ang aga nito, ah?
"Goodmorning, Idol! Kuhanin mo na car mo today, diba?" Bungad niya nang sagutin ko ang tawag.
"Oo, Idol. Kaya maaga din ako nagising para maaga makabyahe. Mahirap nang maabutan ng rush hour." He slightly chuckled, habang ako ay patuloy pa din sa pag-aayos sa sarili.
"Ready ka na ba?" Kumunot ang noo ko sandali nang marinig ang tanong niya. Don't tell me? "Nandito na ako sa lobby. Bilisan mo dyan baka paalisin ako dito ng guard." Muli siyang tumawa bago binaba ang tawag.
Madali tuloy akong napatingin sa bintana. And he's not kidding! Wala naman akong maalala na sinabi ni Jeron na dadaanan niya ako ngayon at ihahatid? Pero sino nga ba ako para magpabebe pa when he is already here.
Binati ako ng nasa front office nang makababa ako sa lobby. Lalabas na sana ako nang biglang tumigil sa harap ng receptionist.
"Do I look good, Amanda?" kumurap kurap ito nang tanungin ko iyon sa kaniya.
"Always, Ms. Mika." Ngumisi lang ako.
"Thank you."
"Mukhang sinundo ni boyfriend ah?" Binigyan niya ako nang makahulugang ngisi pero in-ignore ko nalang. Sana nga, boyfriend.
Tuluyan na akong lumabas at pumasok sa sasakyan ni Jeron. Napaka bango naman nito kahit 7am palang.
"Goodmorning. Dumadami ang utang ko sa'yo, idol, ah?" iyon ang bungad ko sa kaniya na tinawanan niya naman bago sagutin ng,
"Nililista ko naman, Idol." Gumalaw siya para abutin ang kung anoman na nasa likod. Kasabay nito ay ang pag-ayos ko ng seatbelt ko kaya ngayon ay.. ngayon ay napaka lapit ng mukha namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
My Cherished MARVEL (JeMik)
FanfictionMika Reyes wanted a Happy Ending . . . . . . . . . . In Real Life.