Chapter 1

91 1 0
                                    

Reality

Maaga akong nagising at nag prepare dahil may training kami ngayon sa Razon. I am no longer part of La Salle's Lady Spikers. I am now part of the sister company, iyong team ng mga graduates, F2 Logistics na kino coach din ni Coach Ramil.

Nakakatuwa nga dahil hanggang ngayon magkakasama kami. Si Carol lang ang nahiwalay dahil sa Foton Tornadoes siya napunta. Okay na din yun, para nabawasan kami ng ingay. HAHAHAHA

"Woah. Ito ba ang panlaban natin sa PSL, Coach?" Napa lingon ako agad. Kilalang kilala ko ang boses na 'yon, eh.

"Speaking of the Chinese Marvel." Mahinang bulong sa akin ni Ara na may kasama pang tawa.

"Hi Idol!" Ngumiti sa akin si Jeron at kumaway.

Freak. This is how Chinese Marvel Started diba?!

"H-hi din, I-Idol." Alangan akong ngumiti.

"Naks, Idol. Nagsa stutter ka, ah? Gwapo ba ako masyado?" Namula ako dahil sa sinabi niya at inulan naman agad ng tukso.

How can I be this careless in front of this man? Tsk.

"Mukha mo, Idol. Taas ng confidence masyado." Tumawa nalang siya at muli, nag singkit ang mata niya dahil sa ngiti niya.

Potek Jeron Alvin, tigil tigilan mo nga yang ngiting yan!

"Una na ako, Idol, ah? Magpapalit pa ako, lalabas kami ni Jeanine, eh. Ang pangit naman kung mabaho ako kapag niyakap niya ako." Tumawa siya saka pinat ako sa balikat bago umalis.

Napa nganga nalang ako nang makita siyang naglalakad papunta sa shower room. Matindi 'tong si Jeron. Grabe ako saktan.

Katatapos lang ng training ng Green Archers kaya kami naman. Malapit na kasi ang umpisa ng UAAP kaya magko cross training kami ngayon kasama ang starters ni Coach Ramil.

"Uy, is that who I think it is?" Tanong ko nang makita ang isang  pamilyar na tao na nagu umpisa nang mag warm up.

"Oo Daks. Fully healed na 'yan." Tinap ako sa balikat ni Ara at patakbong pumunta kay Des.

Desiree Wynea Cheng. She suffered from a torn ACL before season 78 began so she missed the season. But well, now, I can't believe that she's finally back!

"Okay ka na?" Lumapit ako sa kaniya at chineck ang legs niya.

"Okay na okay na, Ate Miks. Ready na for back to back!" Tumawa ako at nakipag high five sa kaniya.

"Yan ang gusto ko sa'yo, bestie, eh!" Hindi niya nalang pinansin ang panunukso ko at nag simula na kami sa game.

Kagaya ng dati, nahihirapan kaming bagsakan ng bola ang Lady Spikers. Dawn is everywhere. As in everywhere! Akala mo naman ay nasa totoong game na kami dahil pati kaming mga seniors ay ayaw mag give way. Matitibay din ang blocks ni Majoy at minsa'y nagda drop ball pa si Kim. Ang libero naman namin na si Ate Mel(A/N- for the story's purpose only. 😬) ay nakikipag compete din sa mas batang si Dawn.

"Wuhoo! Go Idol Mika!" Napalingon kami nang marinig ang boses na iyon.

Sa tagal ng rally ay naabutan pa ni Jeron na katatapos lang mag shower ang 8-7 score mula sa first set.

"Technical Timeout muna. Hiningal ako 'don." Hinihingal na sabi ni Ate Mel tapos ay nauna na sa sidelines para uminom ng gatorade.

"Grabe, Mel. Tumatanda na na talaga tayo o ang galing at ang bilis lang talaga nung mga bata?" Pati si Ate Cha na napagod din sa unang set ay naupo na.

"Hay nako, Cha. Tigilan mo 'ko dyan sa pagtanda na 'yan. Ayokong pakiramdaman!" Nagtawanan nalang kami at pumito na si Coach para sa pagpapatuloy ng game.

Kinindatan ako ni Ara at pasimpleng nginuso ang direksyon kung nasaan si Jeron. Napa tingin ako bigla. Kumaway siya at ngumiti.

Tumingin ako nang namumula kay Ara na ngayon ay tinatawanan ako.

"MIKA!"

Napahilot ako sa ulo ko nang bigla akong bumagsak dahil sa lakas ng serve ni Kianna. Napatingin muli ako sa direction na iyon. Phew. Mabuti nalang wala na.

"HAHAHAHAHA ta-tanga tanga kasi, eh. Nagte training nawawala sa focus!" Napahawak si Kim sa tyan dahil sa tawa.

"HAHAHAHA ano, Miks. Masakit ba ma-facial?" Pati si Ara ay nakitawa na din.

Sinamaan ko nalang sila ng tingin at tumayo na ulit.

"Ate Mika, sorry ha." Lumapit si Kianna at humingi ng tawad sa akin. Nginitian ko nalang.

"Wala kang kasalanan dyan, Kianna. Hindi mo naman kasalanan na hindi nakatingin si Mika eh! HAHAHAHAHA." Tawa pa din ng tawa si Kim pero hindi ko nalang ulit pinansin.

Pati sina Coach Ramil at Coach Noel ay nakitawa na din. Pumito na si Coach Ramil kaya nag serve na ulit si Kianna. Sharp serve, pero nag dig si Ara para makuha iyon.

Si Ate Cha naman ang nag drop ball kaya naka score kami dahil nadaya sila. In the end, the younger team won in the fifth set. 25-23, 25-27, 25-22, 20-25, 19-17

"Grabe, Coach. Pamatay 'tong team na 'to. Inyong inyo na ang season 79!" Natawa kaming lahat kay Ate Aby na ngayo'y nagpapahinga dahil nga sa pamatay na laban namin kanina.

Grabe at dinaig pa nila yung mga ilang nakalaban namin sa PSL!

"At dahil dyan, manlilibre si Ate Mika! Yehey!" Sinamaan ko bigla ng tingin si Kim nang i-announce niya iyon.

Paniwalang paniwala ang buong team kaya wala na akong ibang magawa.

"Teka lang, saglit!" Sabi ko nang marinig kong nagri ring ang phone ko. "Hello, Rome!"

"Hi, babe! Katatapos lang ng training?" Naupo ako sa tabi ni Ara at sumandal sa kaniya bago uminom ng gatorade.

"Oo, eh. As usual, pamatay." mahinang tinanong ni Ara kung sino ang kausap ko kaya sinabi kong si Jeron. She just chuckled. "Ikaw? What makes you busy?"

"I'm off to pick you up, babe." Napalaki ang mata ko at iminute ang tawag.

"He's going to pick me up!" Natataranta kong sabi kay Ara.

"Edi kumanta ka ng Pick Me." Nginisian ako ni Justine. "Pick Me, Pick Me Up. Pick Me Pick Me Up!"

Nagtawanan silang lahat na sinamaan ko nalang ng tingin.

"Uy pwede ba, wala tayo sa Weightlifting at lalong hindi ako si Kim Bok joo!" Muli silang tumawa maya binalik ko ang atensyon sa phone. "Malapit ka na ba?"

"Almost. Why?"

"May date kasi kami ng mga ka-team ko, eh. Sorry. Bye." Binaba ko na ang tawag at sinilent ang phone.

Nag shower na din ako dahil natapos na sina Ate Cha. Gaya nang napag usapan, ako ang manlilibre ng dinner. Kumain kami sa isang korean restaurant, dahil iyon ang request nila. Gustong magpaka borlogs ng mga kasama ko!

"Hay nako, Mika. Hindi rin kasi kita maintindihan, eh. Bakit kasi kailangan mo pang sagutin si Jerome at ipagpilitan na mahal mo siya kahit alam naman nating lahat kung sino ang mahal mo." hindi ako agad naka sagot sa tanong ni Ate Cha.

Bakit nga ba?

Eh kasi nga, pareho kaming may respective partners ni Jeron ngayon. Hindi ko din alam kung ganoon pa din ang nararamdaman niya para sa akin since two years ago pa yung huling romance namin. Hindi rin naman kasi maganda kung ako yung unang aamin na may gusto ako sa kaniya dahil hindi normal iyon para sa mga babae.

"Happy and contented na ako ate, sa kung ano ang meron kami ngayon ni Jeron." Sinubukan kong ngumiti.

"Eh pano kung biglang mag break sila ni Jeanine? Tapos biglang ligawan ka? Ano ang gagawin mo?" Tanong naman din ni Ate Aby.

"Let's see if we could work things out." I shrugged.

"Pano si Jerome?"

Napatigil ako sa sinabi ni Ara. With my four months of relationship with Jerome, napasaya niya naman ako. He paying for the deficit Jeron left. Pero ang unfair din kasi sa part niya because I can't recuperate the love that he is giving me.

Yes, I can make him happy. I can support him in his career-but I can't give him my heart. My heart belongs to someone else.

My Cherished MARVEL (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon