Maagang tinapos ang training namin dahil daw sa biglaang meeting na ipinatawag ng PSL Association. Siyempre, tuwang tuwa kami ng mga ka-team ko dahil sa nalibreng oras.
Agawan kami sa shower. Nauna kaming mga senior bago ang mga mas bata. Kasalukuyan naman ako ngayong nagaantay ngayon sa may bench dahil manglilibre ng lunch si Ate Cha-ang bagong engaged. Sa tinagal tagal nila ni Kuya Ry, sa simbahan din pala ang uwi. Sana ganon din kami ni Jeron, no?
Speaking of Jeron, nginusuan ako ng mga ka-team nang makitang papalapit si Jeron sa direction namin. Akala ko ba may lakad 'to kasama si Jeanine?
"Uy Idol.. bat ka bumalik? May na-miss ka ba bigla?" Sabi ni Kim at palihim na tumingin sa akin at ngumisi.
"Oo Kaf, eh. Na-miss ko si—" saka tumawa si Jeron. "Siyempre na-miss ko kayong lahat! Kailangan ba may specific person?"
Aaminin ko, nadismaya ako doon! Masyado ba naman kasi akong nag-assume? May girlfriend nga pala 'to at may iba akong boyfriend.
"Malay naman namin kung meron ba or wala talaga." Muli, palihim akong nginisian ni Kim.
"Ewan ko sa inyo. Binu bully niyo nanaman si Jeron, 'e." Ngumiti si Jeron at tumabi sa akin.
Alam kong namula bigla ang mukha ko dahil naramdaman ko yung init kaya naman agad akong humarap kina Kim para itago ang pagka-kilig ko. Simpleng tumawa nalang sila nang makita ako.
"Saan ang lakad niyo, Idol. Aga natapos ng training ah?" Tanong nito sa akin.
"Manglilibre lang ng lunch si Ate Cha, Idol. Alam mo na.. bagong engaged kasi diba?" Sagot ko nang hindi manlang tumitingin sa kaniya.
"Ay, oo nga pala. Congratulations po, Ate Cha!"
"Thanks, Je! Kayo ni Jeanine, kailan?" Napa-simangot ako sa tanong ni Ate Cha. Binale-wala ko nalang iyon at nagpatuloy sa pagpapatuyo ng buhok.
"Matagal pa, Achi. Nag away nga kami 'non, eh.."
"Oh bakit?"
"Eh kasi daw, nawawalan na ako ng time sa kaniya. Nung mga nakaraan kasi hindi kami nakakapag kita, eh." Ay, napaka demanding naman pala ni Jeanine pagdating sa oras ni Jeron. "Naging busy lang kasi ako talaga nitong mga nakaraang araw dahil na din sa work."
"Ay naku, suyuin mo. Hindi pwedeng pinapatagal yan."
"Anyway, mga Achi. Pwede ko po bang mahiram muna si bestfriend?" Bestfriend? Ako ba 'yon? "Since ayaw naman sumama sa akin ni Jeanine sa store, si Mika nalang isasama ko."
"Kaya pala nagse selos si Jeanine, eh." Sabi ni Ate Aby na tinawanan ko nalang.
"Wala naman siya dapat ikaselos, 'chi. Siya naman yung mahal ni Jeron diba?" Ouch. Parang hinugot ko yun sa balon, ah?
"Tama ka dyan, Miks. Kaya dahil dyan, hihiramin muna kita sa mga ka-team mo, ah?" Tumango nalang ako sa kaniya at ngumiti na. "Wala naman bang magagalit?"
"Busy naman 'yon, kaya hindi rin magagalit." Ngumiti ako at tumayo na saka naglakad kasama niya.
Hindi ko na tinangka na lumingon dahil alam ko na mangangantsaw lang ang mga dakila kong team mates. Jeron pressed the button for the elevator then let me get in first. Tahimik lang kaming dalawa at nilamon ng awkwardness. Hanggang sa sasakyan ay tahimik lang kaming dalawa.
I decided to play with my phone para mawala ang boredom. Katamaran din kasi ito ni Jeron, eh. Napakalapit lang ng pandesal ni JT dito nagsasakyan pa.
"Hindi pumasok si Sam?" Inis na tanong nito sa staff na mag-isang ginagawa lahat ng trabaho.
"Hindi nga po sir, eh. Sinubukan namin siyang tawagan and all pero wala po talaga." inilapag ni Jeron ang susi ng sasakyan niya sa isang tabi saka nag suot ng hairnet at mask.
![](https://img.wattpad.com/cover/109665120-288-k648809.jpg)
BINABASA MO ANG
My Cherished MARVEL (JeMik)
Fiksi PenggemarMika Reyes wanted a Happy Ending . . . . . . . . . . In Real Life.