Kabanata I

78 3 0
                                    

Matagal ko ng hindi nakikita si Dianne, ang aking kasintahan. Dahil busy kami sa mga gawain sa skwelahan. Kaya naiisipan ko siyang yayain mamayang gabi upang kumain sa labas.

Tinawagan ko siya gamit ang aking telepono para yayain.

"Babe labas naman tayo o! Mamayang gabi, miss na kase kita e!" pambungad ko dahil sinagot niya agad ang tawag ko sa kanya.

"Sure, wala naman akong gagawin mamaya, tapos na yung cultural mapping namin sa isang subject namin. Sundo mo ako around 9pm kase may gagawin muna ako dito sa bahay mamaya."

"Sige babe, aantayin kita sa labas ng bahay niyo, I love you!"

"Yes, babe see you mwa."

Pumayag siya sa aking alok na dinner date mamaya.

Mamayang 9PM ko daw siya susunduin.

Pero gusto kong maaga ko siyang susunduin para sorpresahin siya.

Sinabihan ko narin ang aking matalik na kaiibigan na si Vin upang lumiban muna ako sa aming game mamayang gabi.

Nagkapag-paalam narin ako kay Mama, tumawag ako sa kanya dahil nasa trabaho palang siya at pumayag naman rin ito.

Masaya ako dahil tuloy na tuloy na magkikita kami.

Hinahanda ko narin ang ibibigay kung mga rosas at regalo mamaya.

Gusto ko siyang pasayahin ulit dahil hindi kami nagkita ng tatlong araw.

Dahil excited na excited na ako tinext ko siya kung nakauwi na siya, dahil alasingko na ng hapon.

Sinabing nakauwi na raw ito at sinabing may gagawin lang siya mamaya.

Hindi nga daw siya nagpalate umuwi dahil gusto rin niya akong makita. Saka wala siyang kasama sa kanilang bahay.

Pag nakita ko siya mamaya yayakapin ko talaga siya ng mahigpit, mahal na mahal ko talaga yun.

Kaya maaga ko siyang susunduin ng hindi niya alam.

Tinext ko ulit si Mama dahil lalabas na ako ng bahay, nasa office parin kasi siya. Naka tanggap rin ako ng text galing kay Vin. Sinabing hindi rin daw siya makakapunta sa game sana namin mamaya, dahil hindi siya makatakas sa kanilang bahay sapagkat umuwi raw ang kanyang nanay.

Lumabas na ako ng bahay dahil alas otso na ng gabi. Saka dapat maaga ko siyang susunduin para matagal ko siyang makasama ngayon gabi, masusulit namin ika nga.

Nakarating ako sa kanilang bahay na may dalang ngiti at puno ng pagmamahal.

Dala dala ang bitbit kung rosas at regalo.

Pero sa aking pagbaba sa aking kotse nakita kung walang ilaw sa loob ng kanilang bahay.

Sa pagkakalam ko nakauwi na siya kanina, bakit parang walang tao sa loob ng bahay?

Kaya sinubukan kung pumasok para alamin kung may tao sa loob.

Sinubukan kung buksan ang pinto pero hindi ko ito mabuksan, pero noong sinubukan ko ulit sa wakas nabuksan rin.

Nabuksan ko na ang pintoan, madilim talaga sa loob.

Parang walang tao, tumatawag ako kung may tao dito pero wala naman akong natatanggap na sumasagot.

Nagulat na lamang ako noong naglalakad ako sa kanilang bahay, ng may isang kwarto na may masisilayang ilaw galing sa loob.

Kaya inisipan kung lumapit sa kwarto baka naroon si Dianne.

Paglapit ko sa pintoan ng kwarto ay hindi ito masyadong naisara kaya masisilap ang ilaw galing sa loob.

Sumilip ako kung sino ang nasa loob.

Doon ko nakita si Dianne na nakaupo sa sahig.

Hindi ko masyadong makita ang kanyang ginagawa sapagkat napaligiran siya ng mga kandela.

Tatawagin ko na sana ang kanyang pangalan ng bigla siyang nagsalita sa kanyang harapan.

Hindi ko maiitindihan ang kanyang sinabi sa harap niya, naiisip kung baka ritwal ang kanyang ginagawa.

Pero hindi ako makapaniwala hindi niya alam ang magsagaw ng ganoon.

Pero may nararamdaman akong iba. Hindi ko maipaliwanag sa oras anv nararamdaman ko sa oras na ito.

Nagulat na lamang ako ng mayroon palang larawan sa kanyang harapan.

Ano kaya ang parte ng larawan ang kanyang pinag gagawa?

Nababaliw na ako, ano itong aking nakikita. Hindi ako mapakali. Hindi ko masyadong makita ang larawan.

------------------------------

Ano at sino ang nasa larawan? Ano ang ginagawa ni Dianne?

Trip lang ba niya yon para takotin si Gerald? o nag dadasal lang siya sa harap ng isang larawan na may kasamang kandila at ibang gamit na nasa kanyang harapan?

Magpatuloy sa Kabanata II.

------------------------------------

Okay ba ang unang kabanata ng kwento?

Kung oo, paki like or comment ito na nasa baba.

Kung hindi naman magbigay ng suhestiyon para sa kwentong ito.

Maraming salamat sa pagbabasa! Love you lotsss readersss. :)

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon