Kabanata IV

50 5 2
                                    

Sinagot ko ang agad ang pagtatawag ni Vin.

"Hello bro. Bakit?" pambungad ko kay Vin.

"Okay ka lang ba? I mean nakauwi ka na ba?" Kabang kaba na boses ni Vin sa phone.

"Oo bro, nakauwi na ako. Okay lang naman ako bakit?." nagtataka kong sagot kay Vin.

"Uhm, wala wala bro. May lakad ka ba bukas?" Wika ni Vin dahil Sabado bukas.

"Wala naman bro, bakit?" sagot ko kay Vin.

"Samahan mo naman ako bukas sa bahay magpapaturo ako sa research paper e di ko alam masyado ang ginagawa ko sa iniatas nilang gagawin ko sa group namin. Buti sana kung mag ka group tayo para sure ikaw gagawa hahaha." Wika ni Vin.

Magkaklase kami ni Vin mula noong Elementary hanggang ngayong Senior High School. Magkapareho rin kami ng strand dahil magkapareho rin kami ng gustong kukunin sa college. Mayroon lang siyang pagkatamad minsan sa mga proyekto at gawain sa skwelahan dahil nasanay na siyang ako ang gumagawa paminsan minsan.

Sa akin siya umaasa pag tungkol sa projects at school matters, sa kanya naman rin ako umaasa pag hihiram ako ng pera paminsan minsan.

Para narin kaming magkapatid. Wala rin kase akong totoong kapatid dahil hindi na makaka anak ang aking nanay at si Vin naman ay ang nagiisang lalake sa kanilang magkakapatid.

Kinabukasan pumunta ako sa bahay nila Vin. 10 AM kaninang umalis ako sa bahay.

Pagdating ko sa kanilang bahay ay agad akong nagtungo sa kanilang kusina para tingnan kung ano ang pagkain ref nila dahil nakasanayan ko na pagpumupunta ako sa bahay nila ay sa kusina ako nagtutungo. Kinuha ako ang apple na nasa loob ng ref.

Pumunta na ako sa salas nila para hintayin siya. Pero noong pagpunta ko doon ay sakto namang bumaba si Vin sa kanilang hagdanan.

"Alam ko na e sa kusina una mong pinupunta pag pupunta ka rito. " pambungad niya dahil nakikita niyang may kinakain akong apple.

"Marami kayong food dito e, pero apple lang ako ngayon diet ako." pang-asar ko sa kanya.

"Loko ka talaga. Umopo ka muna diyan kukunin ko lang gamit ko. " ani niya dahil nakalimutan niya yatang dalhin yung laptop, libro, at notebook niya.

Malaki ang bahay nila, halatang mayaman talaga sila. Nasa isang film production company nagtratrabaho ang mga magulang niya, nasa creative industry ang pamilya niya ika nga.

Pagdating ni Vin ay agad niyang inayos sa mesa ang laptop, notebook at ballpen niya.

"Chapter 2 yung binigay nila sa akin na part sa research. Kaugnay na literatura at pag-aaral daw. Wala pa ako na start diko alam kukunin ko sa mga resources ko. " ika ni Vin dahil parang hindi niya talaga masyado alam kung paano ang part na yun.

"Chapter 2 lang pala e, magbasa ka lang ng articles, books, magazines, or sa internet na pwedeng connected sa topic niyo. Bakit ano bang pamagat niyo? " tanong ko sa kanya dahil hindi talaga ito magagawa kung ano yung topic na dapat hanapan ng kaugnay nito.

Pagopen ni Vin sa laptop niya ay pinakita niya ang pamagat ng gagawing pananaliksik nila. Binasa ko kung ano ang nasa screen at nabasa ko ang...

PAG-AARAL KUNG BUHAY PA ANG PAGSASAGAWA NG BLACK MAGIC O WITCHCRAFT DITO SA PILIPINAS

"Sa lahat pa ba ng pwedeng gawan ng pananaliksik eto pa napili niyo?." tanong ko dahil nagulat ako sa gagawin nilang pamanahong papel.

"Yung leader kase namin yung gumawa ng pamagat, wala naman akong alam isuggest tsaka ang cool kase nito. " sagot ni Vin.

Sa paghahanap namin ng mga kaugnay na pag-aaral a literatura may nakita akong hindi ko mapaniwalaan. Siya pa ang naunang makikita rito. Ano to? Ba't nandito siya sa artikulong ito?

------------------------------------
Sino ang nakita niya sa artikulo? Bakit nagulat siya sa kanyang nakita? May koneksyon ba ito sa kanya? Abangan sa pagpapatuloy ng kwento.

-------------------------------------

Ayos ba ang ika-apat na kabanata ng kwento?

Kung oo, magvote or magcomment na matatagpuan sa ibaba.

Kung hindi naman pwede kayong magbigay ng suhestiyon para sa susunod mangyagari sa kwentong ito.

Maraming salamat sa iyo pagpapatuloy upang basahin ang kwentong ito!

ITUTULOY KO BA ANG KWENTONG ITO? GUYS NEED KO MOTIVATIONS KINDLY GIVE COMMENTS BELOW. DI KO KASE ALAM KONG NAGUGUSTUHAN NIYO E. PLEASE, KINDLY GIVE COMMENTS THANK YOU. NEED KO LANG MOTIVATION. THANK YOUU

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon