Kabanata II

62 4 3
                                    

Nagulat ako sa aking nakikita.

Hindi ko mailahad ang takot na aking nadarama.

Nakakatakot ang kanyang itsura kahit siya'y nakalikod at hindi ko rin maintindihan ang kanyang mga sinasabi.

May katabi pa kase itong boteng maliit na naglalaman ng ugat ng kahoy at waring pula ang kulay ng tubig na nasa loob ng bote.

Natatakot rin ako sa kanyang itim na damit.

Nagdadalawang isip ako kung pupunta ako sa kanya upang tanungin ang kanyang ginagawa.

Pero hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari saakin pag ginawa ko iyon.

Bubuksan ko ba ng maigi ang pintuan ng kwartong ito upang makitang maigi ang kanyang ginagawa sa loob?

Ano ang gagawin ko?

Magsasalita ba ako at tatanungin kung ano ang kanyang ginaganawa?

Hindi ko na alam ang aking gagawin.

Bahala na bubuksan ko na talaga.

1.....

2....

3....

Hahawakan ko na sana ang door knob para buksan ng maigi ang pintuan ng biglang nagbukas lahat ng ilaw sa loob ng bahay at biglang may narining akong boses galing sa aking likuran.

"Ang aga mo naman? Ano ang tinitingnan mo diyan?"
ang aking narinig na tanong habang ako'y kabang-kabang nakapikit.

Pero kilala ko ang boses na nari
rinig ko, hindi ako pwedeng magkamali.

Kilala ko siya.

SI DIANNE!

"Ah, ahhh, uhm"

"Oh bakit hindi ka makasagot?" ani niya.

Kabang kaba parin ako, hindi ako makasagot ng maayos dahil sa aking nakita kanina.

Muli kong sinilayan ang kwartong tinitingnan ko kanina para tingnan kung sino yung nasa loob.

Pero sa pagtingin ko ay wala namang tao at wala namang nakasinding mga kandila at mukhang maayos naman ang loob ng kwarto.

Hayss. Guni-guni ko yata yon dahil sa tambak na requirements noong nakaraang mga araw.

Hayss.

Hindi parin ako makapagsalita waring parang wala akong kausap.

"Hoy, ba't dika makasagot sabi?" ani ni Dianne.

"Uhm. Tara, tara na nga." sagot ko nalang sa kanya.

"Okay"

Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng kanilang bahay at pupunta na kami sa aming kakainan.

--------------------------------------

Illusyon nga ba niya  iyon? O totoo ang kanyang nakita?

Ngunit paano mangyayari yon? Tatanungin ba niya ang kaniyang nakita kanina? O hindi na?

Di na niya alam ang kaniyang gagawin.

Baka bunga lamang ito ng kanyang pagka-stress dahil sa napakadaming requirements noong nakaraang araw.

Sundin sa Kabanata III.

-------------------------------------

Okay ba ang ikalawang kabanata ng kwento?

Kung oo, paki like or comment ito, na matatagpuan sa ibaba.

Kung hindi naman magbigay ng suhestiyon para sa kwentong ito.

Maraming salamat sa pagbabasa!

-------------------------------------------

Itutuloy ko ba ang kwentong ito? Gusto mo bang mag bigay ng suhestiyon? Sure, i-comment mo lang iyan! 

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon