Kabanata III

47 5 0
                                    

Pagdating namin sa kainan hindi parin ako umiimik sa kanyang harapan. Nataohan na lamang ako noong nagsalita si Dianne.

"Oy babe, ano o orderin mo? Ito sa akin o." sabay turo ni Dianne ang kanyang oordering pagkain sa menu.

"Ah, ah uhm. Yan narin sa akin, pareho nalang tayo hehe." Nabubulol kong sagot kay Dianne.

"Eto nga po dalawang order tas eto yung drinks." turo ni Dianne sa menu sa waitress na nakatayo sa aming gilid.

Ginugulo parin na aking isipan ang nasilayan ko kanina. Hays, baliw na ba ako? Paano naman mangyayari yon?

Kung ano-ano kase napapanood kong horror movies at naririnig kong mga haka haka sa kaibigan ko kaya yan akala ko magiging totoo na  in real life.

Hindi na talaga ako mapakali, tatanungin ko nalang para maliwanagan at para matigil na ito pinagiisip ko.

"Babe, ahm ano ang gin----?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumating na yong order namin na hawak ng waitress.

"Ma'am, Sir eto na po yong order niyo. Enjoy your meal!"

Hindi niya ata ako narining dahil sa pagdating ng waitress at yung order naming pagkain.

"Babe, ano yung sinasabi mo kanina?" wika ni Dianne dahil mukhang narinig niya akong nagsasalita kanina.

"Uhm. Wala wala, i fofollow up ko sana yung order natin sa waitress pero dumating na pala." rason ko nalang dahil ayokong ng tanungin yon baka sabihin niyang nababaliw na ako.

"Ah, okay. Let's eat na gutom na ako." sagot ni Dianne.

Habang kami ay kumakain nararamdaman kong naiihi ako at gustong kong pumunta sa cr.

"Babe, punta muna ako sa cr." Sabi ko kay Dianne at sabay akong tumayo.

Habang ako'y papunta sa cr, nakita ko si Vin at ang kaniyang pamilya na pumapasok dito sa restaurant. Lumapit ako sa kanila upang batiin sila dahil malapit naman ang cr sa harapan ng restaurant na ito.

Paglapit ko sa kanila ay agad akong nakita ni Vin at lumapit rin siya sa aking harapan.

"Oh bro, dito kayo kumain ni Dianne?" pambungad ni Vin.

"Oo bro nandoon siya sa loob at pupunta sana ako sa cr dahil naiihi ako." sagot ko kay Vin.

"Ah, nagyaya rin kase si Mama na kumain dito dahil kakauwi naman niya at gusto niyang kasing kumain kami sa labas." Sagot ni vin.

"Ah, sige bro pupunta lang muna ako sa cr naiihi na ako e." sabi ko kay Vin dahil naiihi na talaga ako.

Pagbalik ko sa kinauupuan namin ni Dianne ay agad kong nakita na malapit pala kami sa inuupuan ng pamilya ni Vin.

Kumaway naman ako kay Vin pero mukhang iba ang kaniyang mukha kaninang nakita niya ako.

"Uhm babe, cheers." inilapit ni Dianne ang kanyang wine sa aking harapan para alokin niya akong  sabay kaming iinom ng wine.

Inilapit ko naman ang aking baso at nakipagcheers.

Habang kami ay nagkwekwentohan ni Dianne ay parang nahihilo ako at nauutal akong magsalita.

Kaya sinabi ko sa kanyang uuwi na kami dahil nahihilo ako.

Nagpaalam na ako kay Vin at ang kaniyang nanay at tatay bago kami umalis sa kinakainan namin.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kama sa kwarto. Nahihilo parin ako mula kanina. Parang anlakas ng tama ng wine na iyon, mukhang ibang iba ang tama ng wine  na yon kumpara sa iniinom kong ibang alak.

Pagkalipas ng ilang minuto ay parang may hinahanap akong babaeng gusto kong yakapin at lambingin. Napatingin ako sa aking cellphone at nakita ko ang mukha ni Dianne na wallpaper sa phone ko.

"Dianne, miss nakita. I love you." Akmang hahalikan ko ang screen ng phone ko ng tumawag si Vin.

Sinagot ko naman agad dahil mukhang may sasabihin siya sakin.

-------------------------------------

Okay ba ang ikatlong kabanata ng kwento?

Kung oo, magvote or magcomment na matatagpuan sa ibaba.

Kung hindi naman pwede kayong magbigay ng suhestiyon para sa susunod mangyagari sa kwentong ito.

Maraming salamat sa pagbabasa!

-------------------------------------------

Itutuloy ko ba ang kwentong ito? Gusto mo bang mag bigay ng suhestiyon? Sure, i-comment mo lang iyan! 

The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon