Do you still want to? | one
// Aubrey's p o v
"Ta, alis na po ako!" Sigaw ko at kumaway bago lumabas. "Sige magiinga-" Hindi niya natuloy yung sasabihin niya, kaya natawa ako. "Opo, mag iingat ako, pero hindi mo naman kasi alam kung ano yung pwedeng-" Biglang sumigaw si tita. "Aubrey!" Kaya agad akong napakagat labi at ngumiti.
"bye!" Sigaw ko ulit at umalis na ng bahay. Sumakay naman ako ng bus papuntang school. Habang nakatingin sa bintana naisip ko, may break kaya si manong driver? Kaya lang ang daming tao, ayoko naman silang idamay sa mga gusto ko na mangyare, pero nakakaadik kasi eh.
Nakadating ako sa school na wala man lang nangyare sa akin. Napasimangot naman ako dahil duon, araw araw na lang!
Nakita ko si Six na kakapasok lang rin, psh! Mas okay ng mamatay kesa maging katulad niya! Wala man lang pangarap, puro aral aral aral. September na ngayon, onting kembot na lang next school year nanaman kami. Potek kasi, ang tagal ko ng hinahangad mamatay eh.
Alam niyo, thankful naman kasi ako eh, thankful na binigyan ako ng ating Ama ng buhay, pero kasi parang mas gaganda 'tong mundo na ito na wala ako.
At sobrang curious ko na kung saan ka dadalhin ng kaluluwa mo pag wala ng buhay yung pisikal mong pag aari. Alam mo yun? Hindi mo man lang naisip yun?
Pag pasok ko sa classroom agad akong umupo sa pinakadulo at tapat ng bintana. Wala akong magawa kaya agad akong natulog, sana bangungutin ako para hindi na ako magigising pa. Diba ganon yun?
-
"Aubrey!" Agad akong naalimpungatan at tinaas ko yung ulo ko, pag tingin ko si Cristine. "Siguro kung wala kang kaibigan na kasing ganda ko lagi ka ng nasa detention!" Sabi niya, kaya napa-pout naman ako at ngumiti sa kanya. "Ahehe salamat." Sabi ko at nag unat unat pa.
Wait, nagising ako, so hindi ako binangungot? Wow, paano ba bangungutin, bahala na nga. Biglang pumasok yung teacher kaya bumati muna kami. "Goodmorning Ms. Fliteo!" Bati namin at agad din kaming pinaupo.
"Things are getting better, thanks to Six and Kim!" Paano kaya pag tumalon ako dito sa 3rd floor na 'to? Kaya lang ayoko nga na ako yung mag papatay sa sarili ko, gusto ko fate mismo! Parang accident lang ganon.
Oh! May eroplano, paano kaya kung sa eroplano? "Mamamatay ka rin sa tamang panahon. Pero kung gusto mo talagang mamatay na, wag kang tumayo diyan." Bulong sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya, at duon ko lang napansin na nakatingin lahat ng kaklase namin sa akin.
"Mas okay ng mamatay na hindi ko kilala yung pumatay sa akin, kesa sa kanya." Sabi ko at tumayo, narinig ko pang nag pigil ng tawa si Cristine. Napansin ko namang nakatayo si Six sa harap. Sinipa ko naman si Cristine. "Ano raw sabi?" Tanong ko sa kanya.
"Miss Atriquez, please stand here infront." Wala naman akong nagawa kung hindi tumayo din sa harap, kailangan pa ba talaga 'to? Ano bang gagawin, sasambahin ba kami ng mga 'to?
"Let's clap for these two!" Napasimangot naman ako since nakakabobo naman 'tong ginagawa nila, pwede naman pumalakpak na lang then klase agad ganon, kaya wala kaming natututunan eh.
Napatango na lang ako at agad umalis sa harap pag katapos ng palakpakan nila, pati si Six umalis na rin. "Ba't ka umalis agad?" Sabi ni Cris kaya agad akong natawa. "Sayang oras eh." Sabi ko, natawa naman siya at tumango
"K-keep up the good work." Sabi nung teacher namin na nauutal pa, hindi naman kasi kailangan yung ganon. Nag simula na siya ng klase na ang awkward ng atmosphere niya. Agad naman din kaming nakinig.
BINABASA MO ANG
Do you still want to?
Teen FictionAubrey Kim Atriquez matalino at marunong sa lahat ng bagay, minsan mapapasabi ka na lang na isang malaking "sana all" pero kahit nasa kanya na ang lahat, may kaisa-isang pangarap siya at yun ang mamatay. Buong buhay niya panay labas sa bibig niya a...