[ rated - 16 contains : suicide, self-harm, mental health disorder ]
Do you still want to? | prologue
"Atriquez, Aubrey Kim!" Naririnig ko na yung palakpakan nila, wala namang kwenta yan eh. Tumingin ako sa iba't ibang side, baka sakaling may taong nakatago at may dalang sniper. Pero dahil sa dilim ng parte sa audience at liwanag sa stage, wala akong maaninag kung hindi yung kadiliman lang ng buhay- ng auditorium na ito.
"Kim!" Napatingin naman ako, ay. Napatango naman ako at agad tumakbo, iniwan na pala ako ng mga kasama kong aakyat dito. Napatingin naman ako sa taas ng stage, eh diba sa mga movies yung iba pag nasa stage may babagsak na parang mahabang bakal?
Pero ba't dito wala? Wala bang pera yung dean namin at wala siyang pambiling bakal? "Kim" Napatingin ulit ako kay Cristine, ba't ba sila lakad ng lakad? Tsk, wait, ba't ba ako nandito?
Tumingin tingin ako sa paligid ko para malaman ko yung dahilan ng pag akyat ko dito. Ba't may mga upuan? Habang iniisip ko yun, nawala yung pag iisip ko duon at agad napunta sa inaapakan ko.
Diba sa tom and jerry may time na nahulog si tom sa stage kasi nasira? Baka duon pwede na akong mamatay, pag hulog ako duon may tatama sa aking kahoy tas mamatay na ako. Sinubukan ko mag stump ng ilang beses pero hindi naman ako bumabagsak.
Napasimangot naman agad ako, ang tibay naman ng stage na 'to. "Kim!" Napatingin ulit ako sa tumawag. "Speech mo bes!" Ha? At agad akong nahimasmasan. Putek, graduation ko pala ngayon.
"Are you thinking about the 3% chance of you dying in here?" Napakagat labi naman ako sa binulong ni Six sa akin at napasimangot. "Why? You suddenly regret going up the stage?" Tanong niya agad ko siyang sinimangutan lalo. "3% lang talaga?" Agad siyang napakamot sa batok, kaya napabuntong hininga na lang ako at nag lakad na sa mic.
"Anong sasabihin ko?" Bulong ko kay Cris, nakatayo kasi kaming sampo dito ngayon sa stage. At kailangan pala namin ng speech ni Six. Ngayon ko lang naalala.
BINABASA MO ANG
Do you still want to?
Teen FictionAubrey Kim Atriquez matalino at marunong sa lahat ng bagay, minsan mapapasabi ka na lang na isang malaking "sana all" pero kahit nasa kanya na ang lahat, may kaisa-isang pangarap siya at yun ang mamatay. Buong buhay niya panay labas sa bibig niya a...