"May, sorry..."
Maymay's eyes flew open at napatitig siya ky Edward. Si Edward naman ay nakatungo lang. Nakapatong pa rin sa mga thighs ni Edward yung mga legs ni Maymay habang nakaupo silang dalawa sa sofa.
Napakamot sa batok si Edward then he turned to look at Maymay: "May, sorry na. Kung ano man yung nagawa ko kanina, sorry na. Pero wala talaga akong maalala eh. So kung pwde sabihin mo sa akin ngayon para di ko na maulit pa."
Maymay stared at him. He looked so lost and so confused, lumabas na ang lahat ng wrinkles niya sa noo. Nakikita niya sa mga mata ng binata na nilalabanan nito ang galit - galit sa sarili sa kung ano mang kasalanang nagawa niya sa dalaga.
Maymay's heart skipped a beat.
Bushak! Paano ako sinuwerte nang ganito?!
Parang sasabog na naman ulit ang dibdib ni Maymay at nagbabadya na namang bumuhos ang gabaldeng luha niya kaya dinaan na lang niya sa biro si Edward.
Habang nakapatong pa rin ang mga legs niya sa ky Edward, umusog siya papalapit dito at pinisil-pisil ang pisngi, sabay gigil na sinabing, "Ang cuuuuuute mo talaga!"
Habang pinipisil ni Maymay ang pisngi niya, si Edward naman ay hindi na napigilan ang sarili. Ikinandong niya si Maymay at tsaka niyakap nang mahigpit. Sa sobrang gulat napakapit na lang ang dalaga sa mga balikat ni Edward habang pinipigilan ang mga luhang nagbabantang tumulo na nang tuluyan.
Akala niya magtatagumpay siya ngunit biglang bumulong si Edward habang mas hinihigpitan pa ang yakap ky Maymay:
"Sorry at pinaiyak kita kanina."
Wala nang nagawa pa si Maymay. Para bang yung dam sa loob niya na kanina pa nagpipigil ay bigla na lang nawasak, and out came the turbulent rush of salty tears.
Nag-round 2 sa hagulgol si Maymay, her body shaking with every cry, habang nakakandong ky Edward at niyayakap nito.
Mga ilang minuto rin silang ganyan, nakasubsob ang mukha ni Maymay sa dibdib ni Edward. Para siyang batang paslit na pinapatahan ng malambing na boses ni Edward. Hinahaplos nito ang kanyang likod hanggang sa bumalik na uli ang kontrol ni Maymay sa sarili.
Pilit na itinatago ni Maymay ang mukha niya mulaky Edward kasi alam niyang nagmumukha na siyang abstract painting of tears, sipon at laway. Pero hindi ito alintana ni Edward; ginawa niyang pamunas yung hoodie niya.
"Blow your nose, May."
Maymay complied. Nasanay na rin siyang inaalagaan nang ganito. Kagagaling lang niya sa sakit at isa si Edward sa naging tutok sa pag-aalaga sa kanya (bagamat may kasamang sermon).
"Pwde na ba nating pag-usapan kung bakit ka umiyak? Kung bakit masama ang loob mo kanina pa?" Umpisa ni Edward.
Napabuntung-hininga si Maymay at nagsalita nang nakatungo:
"Hindi naman sumama ang loob ko. Nalungkot lang nang slight."
Oo, slight lungkot lang ang hagulgol ko, Maymay thought.
Iniangat ni Maymay ang ulo. Nakakandong pa rin siya ky Edward, and he is keeping her in place by wrapping his arms around her waist. Tinitigan ni Maymay ang mga mata ni Edward.
"Dward, hindi pa rin naman tayo nagbabago di ba? Yung usapan natin na mgpakatotoo, yun pa rin yun? Na kahit sa interviews, lahat ng sasabihin natin galing sa puso talaga?"
Edward just nodded his head but kept silent as he waited for Maymay to continue.
"Kanina kasi nung tinatanong tayo about yung kissing scene..."
YOU ARE READING
Behind The Scenes And In Betweens
FanfictionEDITED: This might evolve to be a series of one shots based on my take on what is happening with MayWard (as their story unfolds). This is just me reading between the lines and trying to be that fly on the wall listening in on their most intimate th...