Tampururot

408 26 2
                                    

Maymay's POV

Ayan na naman ang Edwardo, napaismid na naman. Ang cute mo talaga, sarap mong kurutin! Para Meteor Garden remake lang, pagseselosan mo pa?!

"Ok lang, ayoko na. Hello Ate Liza."

Ha, ginamit mo pa talaga si Mam Liza. Kung alam mo lng, pinag-uusapan ka namin noh!

Napatingin ako sa kanya mula sa sulok ng isang mata ko. Hala, seryoso ba 'tong batang 'to? Mamaya ka lang...

"Tita, salamat po ulit sa dinner. Pero pinagtulungan niyo talaga ako sa Goblin ha! Love ko pa naman yun..." sabay yakap kay Tita. Ang sarap lang lambingin ni Tita kasi.

"Ang boring kaya!" At tumawa na naman siya habang biro akong nagmamaktol. "Pero dahan-dahanin mo lang si Edward, wag mong pagselosin masyado. Magrereklamo na naman yan sa akin mamaya, uumagahin na naman yan sa kakaisip."

Napatingin ako ky Edward na naghahanda ng mga gamit namin. Manonood kasi kami ng midnight screening ng Justice League, kami nina Marco, at manghihiram ako ng cap niya. Mukhang magdadrama na naman ang isang 'to mamaya.

"Tita naman kasi, focus lang tayo. Sumasabay ka pa kanina, nanggagatong ka pa!" At natawa na lang ako bigla habang naaalala yung mga nangyari sa live.

"Eh kasi naman, kinikilig ako sa inyo kanina. Di naman ako laging nanonood pero mukhang kailangan ko nang bantayan si Edward eh, di mapigil yung gigil sa'yo. Minsan ka nang kinagat, tapos nung isang beses kinikiliti ka pa nang patago. Baka di na makapagpigil sa susunod na live ninyo." At kinindatan ako ni Tita sabay tawa nang pagkalutung-lutong.

Hay, mabubuang ako sa mag-inang ito, ang haharot hahaha. Pero mahal na mahal ko sila pareho. Mahal na mahal ko silang lahat, naiisip ko habang tinitingnan ang framed picture na 'nakapatong sa side table. Kuha yun nung block screening ng LIT, kasama sina Mama. Family picture. Sobrang blessed ko lang talaga sa kanila.

At nakasimangot ngayon yung isang blessing ko, habang nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin.

"Beh..." sabay yakap ko sa likuran niya. Hay, kung hindi ka lang talaga gwapo, mabango at malambot...

Niyakap ko pa siya nang mas mahigpit. Babawi lang.

Behind The Scenes And In BetweensWhere stories live. Discover now