*hhhhrrrrrnnngggg*
Mamaya na please, mga isang oras extension...
*hhhhrrrrrnnngggg*
Oo na, babangon na...
Tumayo na lang ako, naglalaro pa ang kamulatan between tulog at gising. Tumungo ako sa bintana, inihawi ang kurtina at dahan-dahang binuksan ang aking mga mata, paisa-isa. Iniunat ko ang aking katawan at natigilan nang maramdaman ang stiff neck. Para ring nabugbog nang bahagya yung kaliwang side ng katawan ko.
Ano bang ginawa ko kagabi at parang nadaganan ang katawan ko?
Napangiti ako nung maalala ang RAWR Awards at yung trophies na natanggap namin ni Edward. Hinanap ko siya sa tingin; andun sa may aparador, naka-display na. Papalapit na ako nang makita ko sarili ko sa salamin.
Di na pala ako nakapagpalit ng damit galing ng Dalers party.
Andun din sa may ibaba yung rubber shoes ko kagabi, maayos na nakalagay sa lalagyan nito. Pati yung cap at bag, nakasabit nang maayos sa kani-kanilang pwesto.
Aba si Patricia, sumobra naman yata ang sipag. Inayos pati gamit ko.
Nahiya man ako pero malaki ang pasasalamat ko at andyan si Pat para tulungan ako.
Speaking of Pat, naaamoy na ng tiyan ko ang agahan hehe.
"Good morning Dai!" sabay bati ko sa kanya pagkalabas ko ng kwarto.
"Unsay 'good morning'? Udto na uy!" Pat greets me back.
Tanghali na pala?!
"Hala Dai! Wa' man ko nimo gipukaw?" Bakit di mo ako ginising?
"Eh kasi bilin, este, bitin yung tulog mo kagabi. Madaling araw na tayo nakauwi, di ba? And since wala ka namang sked sa umaga, hinayaan na kita."
Nakita kong masyadong malaki ang ngiti ni Pat, pati ang ilong parang gustong sumigaw. Di ko na lang papansinin, baka gutom lng din yun.
"Kain na tayo Pat! Nagwewelga na ang mga bulate ko," sabay himas ng tiyan ko.
"Konti pa, malapit na 'tong maluto. Magpalit ka muna ng damit, kagabi pa yan oh, di mo pa nahuhubad." At napangiti na naman si Patricia. Ano bang meron?
Iniwan ko.muna siya at tumungo ba sa kwarto. Buang jud ni usahay si Patricia uy! Paryente jud mi!
Dali-dali akong naghilamos, nag-toorhbrush at nagpalit ng damit pambahay. Habang nag-aayos ako namataan ko akong isang cap sa may side table.
"Pat, bakit andito 'to?" sabay pakita sa kanya ng cap ni Edward.
"Ah, naiwan niya siguro iyan kagabi nung hinatid ka niya dito...kasi tinulungan niya ako sa mga gamit."
Bakit di ko maalala yun?
"Isasauli ko muna sa kanya Pat." Kumuha ako ng isang hotdog na tira mula agahan at pinuntahan ko si Edward sa unit niya.
"Tita good morning po. Si Edward?"
"Good AFTERNOON, May! Pasok ka. Andun sa kusina."
"Hoy, buang!" Pagbati sa akin ni Ed mula sa kusina. Bushak naman talaga oh, ang gwapo pa rin kahit halatang wala pang ligo.
"Buang ka rin! Yung cap mo naiwan mo sa kwarto ko. Huy, kakagising mo lng? Ang gulo ng buhok mo! Siguro mabaho yang kili-kili mo. Ano yang kinakain mo? Asparagus na naman? May gatas pa!" Sunud-sunod na tanong ko, habang tinatapos nguyain ni Ed yung pagkain niya.
"Eh ano yang nasa kamay mo May?" tanong ni Tita.
"Hotdog po, tira ni Pat nung agahan. Ginutom na po kasi ako kaya dinampot ko na 'to. Sobrang laki di ko naubos eh."
Biglang nailuwa ni Edward yung gatas na iniinom niya pala nung mga time na yun.
"Ok ka lang? Nabibilaukan ka ba? Ang pula ng mukha mo pati tenga oh!"
Akmang lalapitan ko na sana siya nang dali-dali siyang tumayo at kumuha ng pamunas.
"Ok lang ako May. Ma, panis na yata ang gatas."
"Kaya mabaho ang hininga mo, umiinom ka kasi ng panis na gatas. Hahaha." Hindi na umimik si Edward.
"Alis na po ako Tita. Kakain pa kami ni Pat eh. Edward, mag-toothbrush ka pgkatapos, mangangamoy panis na gatas ka!" Huling banat ko pa.
"May, dinner mamaya dito sa bahay, ok?"
"Opo Tita," sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit.
Bago tuluyang sumara ang pinto paglabas ko, narinig ko si Tita. Ang sabi:
"Edward, about last night..."
Juskolord, ano ba kasing nangyari kagabi?!
YOU ARE READING
Behind The Scenes And In Betweens
FanfictionEDITED: This might evolve to be a series of one shots based on my take on what is happening with MayWard (as their story unfolds). This is just me reading between the lines and trying to be that fly on the wall listening in on their most intimate th...