Kabanata 12

63 2 0
                                    

Kabanata 12

"Tatayo ka nalang ba d'yan Cait? Come here! May tama na kami tapos ikaw wala pa?" Sigaw ni Teresa na kakaupo lang galing sa CR.

Hindi ko alam kung lasing naba ko pero kanina pa talaga ko init na init, I think the cool air coming from aircon is not enough. Gusto ko ng umuwi para makaligo pero may sasabihin pa ako kay Izeo.

"Dito na siguro muna ko uupo Rania may gagawin lang ako." Nakangiting sambit ko.

Mukhang natuwa sila Adam at pumayag naman sila Wilnel na dito muna ko umupo.

Kasalukuyang kumakanta si Elexiber at yung iba naman nag uusap. "Izeo umurong ka uupo ako."

"What?" Halatang nagulat s'ya dahil tinigil n'ya ang paghahanap ng kanta.

"Sabi ko umurong ka kasi uupo ako." Hindi pa rin s'ya gumagalaw at nakatingin lamang sakin.

"Cait dito ka nalang umupo sa tabi ko, mukhang ayaw kang katabi ni Izeo e." Kinindatan ako ni Silv at nagulat ako nang hilahin ako paupo ni Izeo.

"Ayan na nakaupo na s'ya Tropicales! Huwag ka ng mag fuck-yout!"

"I'm naturally cute Iz, right Cait?" Kinindatan ako ni Silv pero tumawa lang ako. I know he's just trying to irritate Izeo.

"Stop winking man or I'll get your eyeballs." Inis n'yang kinuha ang isang bote ng beer at ininom.

"Stop it." Sabi ko na agad naman n'yang sinunod pero tinignan n'ya lang ako na parang may hinahanap na kung ano sa mukha ko.

"What?"

"I said stop it, stop drinking Andrade. You're already drunk." Mapait s'yang tumawa kaya napatingin sa direksyon namin sila Adam.

"Now you're acting that you care about me." Pailing-iling na sambit n'ya, akmang iinom ulit s'ya nang magsalita ako.

"Kapag hindi mo 'yan tinigil..." Wait anong sasabihin ko? Watdapak nakakamental block naman 'to!

"What will you going to do huh?"

"Sasagutin ko si Silv." Gusto kong tumakbo palabas dahil sa sinabi ko, shocks! Umandar na naman yung pagiging childish ko!

"Go, ayan naman yung talent mo diba? Yung saktan ako?" Anudaw? Jusko! Kung si Wilnel tawa ng tawa pag lasing ito namang kuya n'ya emote ng emote.

"Okay sabi mo e. Silv I wa--"

"Fuck! Okay I will stop! Damn it! You're driving me crazy Caitrix!" Inis n'yang binitawan ang hawak na bote at kinuha ang remote, nagtipa s'ya ng ilang numero bago humarap ulit sakin. "Kakanta ko and I want you to listen okay?" Tumango ako pero feeling ko hindi na n'ya yun nakita kasi halos nakapikit na s'ya dala ng sobrang kalasingan.

"A-ah pare siguro huwag kana kumanta, lasing kana e." Si Skyler

"Oo nga dude, magkwentuhan nalang tayo dito." Pilit na ngiting sambit ni Jovan

"Si Elexiber nalang pakantahin mo pre, para makapag-usap kayo ni Cait." Si Adam

"I'm willing to sing your chosen song Iz, pumayag kana." Aba pati 'tong si Elexiber ayaw s'yang pakantahin.

Ano bang problema ng mga Adonis na 'to?

"Kakanta ko huwag n'yo kong pigilan!" Kinuha ni Izeo ang mic sa ibabaw ng lamesa.

"Go kuya!" Sigaw ni Wilnel na papalapit sa pwesto namin kasunod sila Teresa at Rania. Nakipag siksikan sila para makaupo kaya inis na inis ang baklang si Leo na napahiwalay kay Jovan.

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon