Kabanata 16

34 1 0
                                    

Kabanata 16

Maaga ko nagising kasi ngayon ako pupunta sa bahay nila Cait para ipaalam na nanliligaw na ko. Hindi na ko nag abala na mag timpla ng kape baka lalo akong nerbyosin kaya kumuha nalang ako ng malamig na tubig galing sa maliit na ref na pinahiram sakin ng magulang ni Elexiber.

"Fuck. Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganto!" Sabi ko sa sarili ko "Ano kayang sasabihin ko sa Papa ni Cait? Takte! Kailangan kong mag practice!"

Nagmamadali akong pumunta sa harap ng salamin. Pogi pa rin naman ako kahit puro delata at frozen foods nalang yung kinakain ko. Sana hindi ako kabahan mamaya!

Kaya mo 'yan Izeo. Para kay Cait!

I clear my throat "Tito sorry po-- Fuck! Masyado kong feeling close! Hindi pa nga ko tanggap tito na agad?" I take a deep breath before talking again "Sir please let me to court your daughter-"

"Kausapin mo nang maayos. Hindi yung parang nagmamakaawa ka." Muntik ko ng ibato kay Elexiber yung hawak kong cellphone dahil sa sobrang gulat. Bwisit na 'to, sobrang kinakabahan na nga ko mang gugulat pa!

"Hindi ba sayo uso yung salitang katok?" Inis na sabi ko

"I just curious who's your talking to. Pero sarili mo lang pala. Baliw kana dude." Pailing-iling na sabi n'ya at binigay sakin ang dalawang lalagyan, yung isa adobo ang nakalagay at yung isa naman kare-kare. "Pinabibigay ni Mama para daw hindi kana bumili sa karinderya ng lugaw at ulam mo mamaya."

Dali-dali kong kinuha yung pagkain na binibigay n'ya "Pasabi kay tita salamat."

"Feeling ko pre nababaliw kana dahil puro corned beef nalang laman ng utak mo." Sinamaan ko s'ya ng tingin pero tumawa lang s'ya "Sino bang matinong tao yung kakausapin yung sarili sa salamin? Hindi ka naman artista e. Pero kung makaarte ka pang MMK."

"Pupunta kasi ako ngayon kila Cait, haharapin ko yung buong angkan n'ya. Kaya nag pa-practice ako ng sasabihin kasi baka umurong yung dila ko." Tinalikuran ko s'ya at pumunta sa lamesa na pinahiram din nila sakin "Anyway I want to say good luck."

"Huh?"

"Kadadating lang ng parents ni Tere kahapon and I heard they will stay here for two weeks. And I forgot to tell you.. Cait told me last night that Teresa wants you to meet her parents." Nakita kong nagulat s'ya at parang kinabahan.

"I need to go."

"Oh san ka pupunta? Magpa-practice ka din ba ng sasabihin mo? Hahahaha!" Nakita kong napalunok s'ya kaya lalo akong natawa.

"S-Shut up." Nagmamadali s'yang umabas sa apartment ko. Lokong yun, lakas mang asar takot din naman pala.

Nagsaing na ko sa rice cooker at yung kare-kare ay nilagay ko muna sa ref para mamayang tanghali. Nag tanggal na rin ako ng mga alikabok at nag linis ng bahay, for me this is the worst part of being independent. I grown up with a silver spoon in my mouth so I'm not really used to do these things but now I don't have any choice, I need to prove to my father that I can stand without him.

Tinignan ko ang orasan at nang makitang 8:00 am na tinawagan ko agad si Cait. Naka-ilang ring muna bago n'ya sinagot, nagising ko ata s'ya. "Good morning, nagising ba kita baby?"

"Yeah." Medyo paos n'yang sabi kaya napangiti ako. Ano kayang itsura n'ya ngayon? "Good morning din, ang aga mo ah. Iz Sunday naman ngayon kaya matulog kapa." I heard her chuckle a bit. Damn! That was so sexy. Ipinilig ko ang ulo ko, nababaliw na talaga ata ko, tumawa lang s'ya iba na yung pakiramdam ko.

"Hindi na kasi ako inaantok e hahaha." Kung alam mo lang halos hindi ako makatulog kakaisip sa sasabihin sa Papa mo mamaya.

"Baka naman excited ka? Hahaha gusto mo na atang ma-meet ngayon yung mga relatives ko e."

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon