Kabanata 17

48 1 0
                                    

Kabanata 17

Caitrix's Point of View

Mahigit isang buwan na nang manligaw sakin si Izeo and he never failed to make me smile. Sabi ng iba na magaling lang daw yung mga lalaki sa una lalo na kung nanliligaw palang pero pag tumagal na lolokohin ka lang o kaya iiwan.

But I think Izeo is an exception. I hope..

Recess namin ngayon at nagpabili nalang ako kay Leo sa cafeteria ng snacks ang kapalit ay sa kanya na yung sukli, napaka utak talaga ng baklang yun. Tinatamad kasi ako bumaba sa hagdan at makipag siksikan sa mga estudyante.

Nasa gilid ko si Silv at nagsasabi ng mga jokes sakin. Kung hindi ko lang 'to kaibigan baka nilayasan ko na 'to kanina pa.

"Ito naman Cait... Alam mo ba yung dilemma?" Tanong ni Silv

"Parang alam ko yung joke na 'yan hahaha 'yan ba si Laila Dilemma?" Natatawa kong sabi, hahaha mukhang nabasag ko yung joke ni Silvester ah. "Tama ako 'no HAHAHAHA! Grabe ang funny ko pala! HAHAHA! LEILA DILEMMA! Fuck!"

Nakita kong napatingin sa direksyon ko yung mga classmates naming naiwan din sa room, ano kaya problema ng mga 'to? Pati si Silv nakatunganga sakin kaya kumaway ako sa harap ng mukha n'ya.

"Pwede na kaso mali e." Tumigil ako sa pagtawa.

"Huh? Anong mali? Sige nga ano?" Umayos ako ng upo "Siguraduhin mong mas maganda 'yan sa Laila Dilemma ko ah."

"Yung dilemma yun yung sinasbi ng kaibigan mo 'pag namatay yung ilaw. 'Pare brownout! Grabe. Ang dilemma!' Hahahahaha"

"Okay na rin." Medyo nakakatawa naman, hindi lang talaga papatalo yung Laila Dilemma ko. "May joke din ako haha."

"Sige nga ano yun?"

"Sino sa mga kaibigan ni Izeo yung bwisit sa buhay kaya laging minumura?" Natatawang tanong ko

Halatang nag iisip s'ya "Ahm si Skyler? Kasi... Maloko s'ya?"

"Mali hahaha!"

"E sino?"

"E di si A-Damn! Hahaha!" Natawa rin si Silv at nag apir pa kami.

Nang tumigil kami sa pagtawa nagsalita ulit s'ya "Meron pa ko. Bakit nahihiya yung biik?"

Kumunot ang noo ko at nag isip. "Ahm. Kasi baby pa s'ya at shy type?" Bigla s'yang tumawa "Sige nga bakit?"

"Nahihiya ang biik kasi... Baboy yung nanay n'ya hahahaha!" Grabe! Buti nga yung biik may nanay. "Meron pa ko, last na."

"Sige nga ano?"

"Ayon sa kanta, magkano daw ang pangarap?"

"Ewan. Magkano ba?" Nakangiti kong tanong.

"E di sais hahahaha."

"Paano nangyari yun?"

"Kasi nga. SAIS ang pangaraaaap ako'y naniniwala... Ako ay lilipad at ang lahat makakakitaaaa." Maganda yung boses ni Silv pero nakakatawa yung way n'ya ng pagkanta.

"HAHAHAHAHA saan mo napulot 'yang joke na 'yan HAHAHAHA!"

Bigla kong tinawag ng isa kong classmate. "Cait nasa labas si kuya Izeo hinahanap ka."

"Ay wait lang Silv mamaya kana ulit mag joke, andyan na yung labidabs ko hahaha." Tumayos na ko

"Cait I think he's mad, look at him." Tinignan ko si Izeo na masamang nakatingin kay Silv "Loko talaga 'yang lalaking 'yan. Pinaubaya na nga kita inis pa rin sakin. Binibigyan n'ya tuloy ako ng rason para agawin ka ulit."

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon