Kabanata 9

72 4 0
                                    

Kabanata 9

"Adam bwisit ka! Papatayin mo ba kami!" Halos tawagin ko na ang lahat ng santo at kumapit na ko sa lahat ng pwedeng kapitan kasi feeling ko hindi sapat kahit ang sampung seatbelt dahil sa bilis ng pagda-drive ni Adam.

Nagtatawanan silang dalawa ni Teresa pero ako lalong napasigaw nang lalong bilisan ni Adam ang pagmananeho, wala masyadong nagagawi na sasakyan dito at hindi pa din ganoon kaayos ang kalsada kaya halos tumambog-talbog ang katawan ko nang dumaan kami sa lubak-lubak na daan. "Fu-uk yo-u ka-a Ada-am!" Hindi ko na maayos ang salita ko dahil sa dinadaanan namin.

"Hahaha easy Cait. Hindi ka naman mamamatay, trauma lang siguro." Nagtawanan silang dalawa ni Teresa at nagawa pa talagang mag apir.

Pabugbog ko kaya sila kay fafa Xenon. Nakakainis! Bakit ko ba naging pinsan 'tong dalawang 'to. Magsasalita na sana ko nang bigla kong nakagat yung dila ko. "Damn. It hurts!" Feeling ko nagdugo yung dila ko! Watdapak ang sakit!

"Anong nangyari sayong babaita ka." Nakatingin sakin mula sa rearview mirror si Teresa hindi s'ya makaharap sakin kasi patalbog-talbog din s'ya, nasa passenger seat s'ya katabi ni Adam habang mag isa naman ako dito sa likod katabi ang mga bag namin. Shocks! Naiiyak na ko sa sakit ng dila ko!

"I accidentally bit my tongue!" Nangingilid na ang luha ko pero ang mga loko biglang nanahimik at nag unahan sa pagsabi ng number. Hala? Ano problema ng mga 'to?

"9 Cait!" Sigaw ni Teresa

"Tama 9 hahaha ay 19 pala! HAHAHAHA!" Sabi naman ni Adam.

"9 nga! Adam naman makisama ka!" Hinampas ni Teresa sa balikat si Adam.

"Tumigil ka nga Tere, baka gusto mong pagbuhulin ko kayo ni Elexiber." Natatawa namang sagot ni Adam habang ako nakalabas ang dulo ng dila na masakit pa rin hanggang ngayon.

"Kaya mo ba? Tsk! Sabi na kasing 9 Cait maniwala ka." Si Teresa

"19 Cait hahaha para naman mauntog yung gago kong kaibigan at ba-" hindi na natuloy ni Adam yung sinasabi n'ya dahil biglang kumanta si Teresa ng ABC at binibilang ang bawat letter sa kaniyang daliri, huminto s'ya sa letter I at ipinakita n'ya sakin ang siyam n'yang daliri.

"Ayan Cait! It means someone starts in letter I remembered you." Nakangitng sabi n'ya habang ako naman ay nag iisip kung sino yung letter I na yun.

Agad pumasok sa isip ko si Izeo, totoo kaya yung kaabnormalan na sinabi ni Teresa? O baka naman ibang letter I yung nakaaalala sakin.

"Sino kaya yung I na yun Cait?" Ang lawak ng ngiti ni Teresa at si Adam naman ay tawa ng tawa pero hindi ko na sila pinansin at nagdasal na sana inaalala nga ako ni Izeo.

Tumingin ako sa bintana at nakitang nasa bayan na kami, marami ng tao at mga sidewalk vendors. May nakita na rin akong mga teenagers na nakasuot ng uniform na parehas ng sakin. Sabi ni Adam isa lang daw ang private school sa probinsyang ito kaya medyo marami ang nag aaral sa school na papasukan ko.

Kinuha ko ang bag ko at nag ayos ng konti dahil nakita kong ganon ang ginagawa ni Teresa. I comb my hair and put some a lip tint on my lips, naglagay din ako ng face powder at perfume. "Cait bakit pang lalaki iyang pabango mo?" Nakita kong nakangiwi si Adam habang inililiko ang kotse n'ya papasok sa Campus.

"Pake mo? Inggit ka lang ang baho mo kasi." Tumawa si Teresa at nagsimulang magtipa sa cellphone n'ya. I'm sure si Elexiber na naman ang katext n'ya porket may lablayp lang 'tong gagang 'to lakas na mang inggit.

Huminto na ang kotse namin at agad na bumaba si Adam, bumaba na rin ako pati si Teresa. As expected naghihintay agad si Elexiber kay Tere, napairap nalang ako sa hangin dahil sa pagiging bitter.

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon