Kabanata 5

109 8 0
                                    

Kabanata 5

Kanina pa nakapikit si Izeo habang nag iisip para sa susunod na kabanata ng ginagawa n'yang istorya. Nakaupo s'ya ngayon sa ilalim ng punong madalas na tinatambayan nilang mag ka-kaibigan.

"Hi Izeo." He open his eyes and saw a bunch of girls looking at him. He just nod and closed his eyes again.

"Pano na 'yan Maja, hindi ka pinansin ng babe mo." Nag tawanan silang apat habang papalayo kay Izeo na nakakunot na ang noo dahil sa ingay.

Bigla s'yang napadilat nang biglang umingay ulit ang paligid.

"Dude akala namin tulog ka! Nakapag pa-enroll kana ba?" Sabi ni Skyler habang nag di-dribble ng bola.

"Mamaya na marami pang tao." Walang ganang sambit ni Izeo.

"Nakita n'yo ba si Silv? May maganda 'yong classmate mga pare popormahan ko mamaya." Todo ngiting sabi ni Adam kaya nag lapitan agad sina Jovan at Skyler sa kanya pero nananatili namang walang pakielam si Elexiber dahil ka-text n'ya si Teresa.

"Pre kasama ni Silv si Caitrix. Mukhang pinopormahan nga ng mokong yung pinsan mo e." Sabi ni Jovan at makahulugang ngumiti, sabay-sabay nilang tinignan ang magiging reaksyon ni Izeo pero tinaasan n'ya lamang ng kilay ang mga kaibigan bago kinuha ang bag at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Elexiber at ibinaba ang cellphone.

"Mag eenroll na." Akmang mag lalakad na paalis si Izeo nang sigawan s'ya ni Adam.

"Oy pre ano 'to?" Tinaas nito ang hawak na paper bag at tinignan ang laman "Fuck you have a lunch box? Nag hihirap naba ang mga Andrade kaya kahit wala pang klase nag la-lunch box na?" Nagtawanan sila at pati si Elexiber nakitawa na rin.

"Don't dare to open that Adam, That's not mine."

Hindi pinakinggan ni Adam si Izeo at dali daling binuksan ang lunch box.

Nag katinginan muna ang mag kakaibigan bago humagalpak ng tawa. Si Izeo naman ay mabilisang kinuha 'yong paper bag.

"What the fuck dude! Wahahaha sino ba balak mo lasunin?" Halos umiyak na kakatawa si Jovan.

"Ibibigay ko sana kay Cait, ipapatikim ko lang." Si Izeo habang inaayos ang lagay ng lunch box sa paper bag.

"If you want to give her a lunch, you should buy or ask your maid to cook. Accept it bro, you don't have a talent in cooking." Natatawang sabi ni Elexiber

"Kawawa naman yung hotdog sunog na sunog, mukhang napakalaki ng galit mo sa mga hotdog Izeo." Nag tawanan ulit ang lahat dahil sa sinabi ni Skyler.

"Nahiya yung black American sa hotdog ni Izeo." Sabi ni Adam na halos humiga na sa damo kakatawa.

"Last time na nag luto ka ng itlog muntik na masunog yung kusina n'yo tapos ngayon hindi ka pa rin sumusuko?" Sabi ni Jovan sabay hagis ng basketball kay Izeo na mabilis naman nitong nasalo.

"It's just a practice dude, ayaw kasi tikman ni Wilnel yung luto ko kaya kay Cait ko nalang ipapatikim."

"Of course your sister won't eat that, she's a spoiled brat." Umiiling na sabi ni Jovan

"Pero bakit kay Cait mo ipapatikim? Pwede naman sa mga batang lansangan para mabusog sila." Sabi ni Adam sa isang seryosong tono.

"Maybe I think she don't lie to me about the taste? Or she can eat this even it's not pleasing to see?" Izeo said then past the ball back to Jovan.

"Paano ka nakakasiguro na kakainin n'ya 'yan?" Adam asked but Izeo just shrugged.

•••

I close my book and put it inside my bag.

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon