Chaehee's POV
Naglakad lang kami papunta sa pancake house pero nagulat ako kasi pagdating namin sa pancake house nandoon si Haechan
"Uy! Jeno! Chaehee!" Sabi niya pero mukhang antok na antok pa siya
"Goodmorning." Sabi ko at kinawayan siya
Nakaupo na kami sa may upuan namin at si jeno naman nandoon sa may counter para mag-order. Sila lang naman ni haechan ang kakain.
"Soooo chaehee! Kamusta ka naman?" Tanong ni haechan pero mukhang antok na antok pa talaga siya.
"Okay lang. Ikaw? Mukhang antok na antok ka pa ata."
"Oo! Napilitan lang naman ako sumama ditoㅡay wait joke. Napilitan akong sumama dito kasi libre ni jeno kahit na antok na antok ako siyempre G na G ako diyan! Libre eh."
"Ahh, anong oras ka ba usually gumigising?"
"Mga 7:56am or minsan 8am na."
"Bakit ang late naman! Hindi ba 7am or 8am usually start ng classes?"
"Oo nga eh! Hindi ko alam kung sino ba dapat mag-adjust. Yung schedule ko ba o ako. Ewan ko ba."
Parang ewan tong si haechan! Ganito ba talaga to pag antok na antok?
Dumating na si jeno at mukhang ang dami niyang biniling pagkain..
Bakit ang dami??
"Chaehee, kain ka ulit." Sabi niya at ngumiti nanaman asdfgldbxm anoba
Tiningnan ko si haechan at pagkita ko sakanya natutulog na siya!!
"Ganyan ba talaga si haechan pag antok na antok?"
"Oo! Weirdo yan eh."
"Sige kain na tayo. Thank you dito ah!"
Sobrang tahimik lang namin habang kumakain.
Biglang nagising si haechan at nagsimula nang kumain pero nakapikit siya!
I swear ang ewan talaga nito! Ibang iba siya sa school!!
"Jeno, bakit nga ba ang dami mong biniling pagkain?"
"Ah kasi! Binilhan ko din sila Jaemin at Renjun kaso mukhang tulog pa yung dalawa. Ewan ko ba sakanila. Pero okay lang, gutom na gutom pa naman ako tsaka nandiyan naman si haechan eh. Ang takaw takaw kaya niyan!"
"Oy! Grabe ka na ha!" Sabi ni haechan pero nakapikit parin mata niya
Seryoso ba talaga tong isang to? HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]
Nouvelles❝Uy crush ko talaga si jeno❞ ❝Pano ba yan, hindi ka niya crush.❞ Epistolary + Narrations [COMPLETED] #10 in Short Story #2 in epistolary ⓒSeoulJinjjas_2018