Chaehee's POV
Malamang nandito sila! Bahay to ng kaibigan nila eh! My goodness!
"Uy! Bakit nakatayo lang kayo diyan? Umupo kayo sa may sofa." Sabi ni Mark
"Oh Kait akala ko ba walang hiya hiya? Mauna ka na!" Mahinang sabi ko at tinulak siya ng konti
Umupo kami dito sa sofa habang busy sila(Mark and friends) sa paglalaro sa PS4 at Xbox.
"Akala ko ba kakain na tayo?" Bulong ni Mae saakin kasi kami yung magkatabi
"Ewan ko din nga eh." Sabi ko na lang
"Sir, luto na po yung dinner niyo." Rinig naming sabi ng chef? Kay Chenle
"Okay guys kain na!ㅡoh! Noona! Nandito pala kayo?" Maingay na sabi ni Chenle kaya napatingin silang lahat saamin
"Oo diba nga sabi ko sayo na makikikain kami ng pinsan ko at mga kaibigan niya for dinner." Sabi ni Mark sakanya
"Ay oo nga pala. Sige tara na guys sa dining area." Sabi ni Chenle at lahat naman sumunod papunta sa Dining area.
Ang laki talaga ng bahay ni Chenle! Grabe ang ganda ng bahay niya parang mansion!
Ganito pwesto namin ngayon:
|Mark| Haechan| Kaitlyn| Chaehee|Mae| Sammy|
|t a b l e |
|Jaemin|Jeno|Renjun| Chenle| Jisung|
Ang daming pagkain! Grabe!
Ramen daw yung pinakamain dish kasi daw favorite yon ni Chenle at masarap daw kumain ng ramen pag umuulan.sobrang tahimik ng lahat habang kumakain tanging maririnig mo lang is yung ulan.
Tiningnan ko si mae at halata naman na gutom na gutom na talaga siya kanina pa kasi halos kalahati na yung ramen na kinakain niya.
Natapos na kaming kumain at grabe mas lalong lumakas yung ulan.
"Uhm wala ba talagang bagyo?" Tanong ni Mae
"Kakasabi lang sa news na may bagyo. Hindi ka talaga nakikinig. Kain ka ng kain." Sagot ni Haechan
"Patay. Paano tayo uuwi?" Bulong ni sammy saakin
"Hindi ko din alam.." bulong ko sakanya
"Thank you sa dinner Chenle! Uuwi na kami sa bahay." Sabi mark
"Akala mo naman ang layo layo ng bahay niya diyan lang naman sa tapat." Sabi ni Renjun
"Dito na lang kayo magstay! Àng lakas lakas ng ulan hyung." Sabi ni Chenle
"Ano ka ba, diyan lang sa tapat bahay namin. Tsaka Hindi ko pwede iwan pinsan ko ano ba." Sabi ni Mark
"Sige hyung ikaw bahala." Sabi ni Chenle
"Thank you po sa dinner at sorry po sa abala." Sabi ni kaitlyn
"Okay lang noona! You're always welcome naman po." Sagot ni Chenle
"Oh noona, Payong oh." Nagulat ako kasi bigla akong inabutan ni jisung ng payong
"Thank you." Sabi ko na lang sakanya at narinig ko pa siyang may binulong na 'kung di lang talaga ako inutusan ni hyung. Aish!' Something like that
"Tara na chae!" Sabi ni Kaitlyn at lumabas na kami sa bahay ni Chenle
Grabe! Ang lakas ng ulan!
Natatawa nga ako kasi sa sobrang lakas ng hangin nilipad yung mga payong namin!
"Oh shiㅡ! Anong klaseng payong to?!" Inis na sabi ni mark kaya mas lalo akong natawa
"Kaitlyn where's the key?!" Inis na sabi ni Mark
"Oh shoot! I left it on the table!" Natatarantang sabi ni Kaitlyn
"Table?! Where?" Inis na inis na sabi ni Mark
"Just kidding! Here." Sabi niya sabay bato nung susi kay Mark
Pumasok agad kami sa bahay nila at sakto! Nawalan ng kuryente.
Great! Paano na yan?
"Kaitlyn get some towels and give it to your friends. Also, change your clothes and pahiramin mo na din sila ng damit. Gagawa lang ako ng Hot chocolate drinks." Sabi ni Mark
"Okay. Magpalit ka na din. Baka magkasakit ka, wala pa naman akong pera. Hindi ko pa napapapalitan yung pera ko. You change first bago gumawa ng drinks!" Sabi ni kaitlyn
Akala ko nag-aalala siya na baka magkasakit yung pinsan niya pero mas nag-aalala pa siya sa panggamot dahil hindi pa niya napapapalitan yung pera niya.
Baliw talaga tong magpinsan na to.
I guess kailangan namin magsleepover muna dito. Masyadong malakas ang ulan. Oh well.
BINABASA MO ANG
C R U S H || Na Jaemin [COMPLETED]
Conto❝Uy crush ko talaga si jeno❞ ❝Pano ba yan, hindi ka niya crush.❞ Epistolary + Narrations [COMPLETED] #10 in Short Story #2 in epistolary ⓒSeoulJinjjas_2018