xxiii

1K 48 1
                                    

— Kisses

Sino bang matinong tao ang tatawag ng ganitong oras? Nakapikit kong kinuha ang phone ko sa aking side table. It's freaking 1:10 in the morning!

Unknown number?

Hindi ko iyon sinagot at pinatong muli sa table ko. I usually don't answer unknown numbers because they always do random pranks on me and it's annoying.

Hindi pa ako muling nakakatulog nang tumunog itong muli. hindi ko iyon pinansin at nag-concentrate sa pagtulog.

Late na ako nang makapagpahinga dahil sa kakaisip sa kanya. Gustuhin ko mang ilihis siya sa isip ko ay hindi ko magawa. Siya at yung girlfriend niya.

Marahas akong bumangon at umupo sa kama nang ma-kumbinsing hindi titigil ang taong tumatawag sa akin.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.

["Kisses, I'm in front of your house."] awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses na iyon. Donny.

Agad akong tumayo at sumilip sa bintana. Tama nga, naroon siya, nakasandal sa kotse niya at nakatingin sa aking gawi. Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi and I can't help but also to smile.

Alam kong mali ang babain siya't makipag-usap sa kanya dahil may babae nang nagpapatibok sa puso niya pero I promise to myself na ito na ang huli. Just let me savour this moment.

"Tara?"

Kumunot ang aking noo, "Saan tayo pupunta?"

Sa halip na sumagot ay pinasakay niya ako sa kanyang kotse at nagmaneho. I'm just wearing a pajamas.

Ang buong biyahe ay naging tahimik and he was just smiling the whole ride. Wish I could always see that smile.

Tumigil ang sasakyan sa isang park. Nagtataka man ay bumaba ako at sumunod sa kanya. Pinaupo niya ako sa duyan at gayon din ang ginawa niya.

"I'm sorry." panimula niya, tumingin ako sa kanya. Nakatingin lamang ito sa kawalan. "I'm sorry dahil nasaktan kita. I'm sorry dahil nagmukha kang masama. I'm sorry dahil naging paasa ako. I'm sorry dahil natakot ako. I'm sorry dahil torpe ako. I'm sorry you've met a jerk." nakatingin lang ako sa kanya nang lumingon siya sa gawi ko. all i can see in his eyes is love.

"Keisha Miranda, you heard that name?"

Tumango ako bilang sagot, "'Yun ang girlfriend mo."

Nakangiti itong umiling. "Before, she was my girlfriend, isang taon na kaming wala. Minahal ko siya not until she changed, yung mga katangiang minahal ko sa kanya ay nawala at nabago. Ilang beses akong nakipaghiwalay sa kanya pero hindi ko siya kayang iwan dahil binabantaan niya akong papatayin niya ang kanyang sarili kapag iniwan ko siya."

Suminghap ako at tinakpan ng kamay ang bibig. Totoo ba iyon? "Hindi ko alam."

"Dahil doon she talked to you and said unnecessary stuffs. At first, natakot ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi, for sure, Keisha will commit suicide if sasabihin ko ang totoo sa 'yo. Kaya it took time bago ko maayos at masabi ito sa iyo."

Tumayo siya at pumunta sa harap ko.

"Para saan naman 'yung mga sinasabi mong para sa mga fans?" I asked.

He chuckled, "That's only my excuse para makasama ka."

I gave him a questionable look.

"I know, I'm a jerk." he offered his hand, maybe he wants me to stand up kaya ginawa ko iyon. Nakatingin lamang ang mga mata niya sa akin. "But this jerk fell in love with a girl in front of him at hindi ko pinagsisisihan iyon. Right now, I'm staring straight to my queen's eyes. Alam kong nainip ka, I'm sorry your knight took much of time fixing himself and kating-kati na ang dila niyang sabihin sa 'yong mahal ka niya."

Hindi ko na napigilang umiyak. This time I'm not crying because of pain, but because of too much joy and love.

"I love you, Kisses." he whole heartedly gave me a smile habang pinupunasan ang aking mga luha. "Wait," pagpapaalam niya at mabilis na tumakbo sa kanyang kotse.

Wala pang limang segundo nang makalapit siyang muli sa harapan ko. He's standing straight at nakalagay ang kamay sa likod, as if he's hiding something.

Tumingala ako sa kanya nang magsalita siyang muli. "When I saw you, agad akong humanga sa 'yo not just because you're pretty and you looked perfect but because you're such a genuine person at konti na lang ang mga babaeng gano'n. At first natakot ako, I was scared that I might end up hurting you pero I took all the risks and here we are." huminga siya nang malalim. "Kirsten Danielle Delavin?"

"Yes?" kinakabahang tanong ko.

Inilabas niya ang kanang kamay niya sa likod. Oh my gosh, a bouquet!

He handed me the flowers and said, "Can I court you?"

My eyes popped and my heart started to beat faster. Is this really happening? Tell me I'm not dreaming!

I slightly pinch my arms para masigurong totoo ito. Tumawa naman nang mahina si donny dahil sa aking ginawa.

Mabilis kong tinanggap ang bouquet. "Yes, sure, of course!"

He gently laughed and hugged me. "Thank you, Kisses. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Damn, I always want to do this to you."

Mahina ko siyang tinapik sa balikat. "Ligaw pa lang Donny, paano na lang kung sasagutin na kita?"

"Then I will be the happiest man in the whole universe."

We stayed there for a while, yakap-yakap pa rin ang isa't-isa.
I felt donny's lips kissed my head. My cheeks blushed.

"I'm glad that I met you."

©
sourgeon, 2018

Adore You, KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon