epilogue

1.3K 58 4
                                    

- Kisses

"Gusto na kitang matawag na girlfriend, kailan mo ba 'ko sasagutin?" pilyong tanong nito sa akin. Limang buwan na siyang nanliligaw and para sa panahong ito, masyado na 'yong matagal.

"Ewan," sagot ko. Narito kami sa isang show, it's a talk-show and kami ang i-interviewhin para sa bago naming movie together. Nakaupo kami sa upuan at hinihintay niyang matapos ang pag-aayos sa akin.

"Kahit abutin pa tayo ng isang dekada, hindi ako magsasawa. Take your time, Kirsten." sabay kurot sa aking pisngi.

"Dons!" suway ko dahil nabura ng slight yung blush-on. Kawawa naman si ate, pinaghirapan niya 'yung ilagay sa mukha ko.

Sa halip na sumagot ay tumawa lamang siya at tinaas ang dalawang kamay na parang sinasabing 'inosente ako'.

. . .

"So, ito na ang inaabangan na tanong ng lahat. What's the real score between you two?"

Tumingin kami sa isa't isa at ngumiti.

"We're really in good terms po." safe na sagot ni Donny. "Kisses is a special person for me and I hope she also does to me."

Muling nag-ingay ang mga fans namin sa loob ng studio. Napunta ang atensyon ng lahat sa akin. "Ikaw ba Kisses, special din ba ang tingin mo kay Donny?"

Ngumiti ako, "Ewan."

Tila nagulat ang host, "Bakit naman ewan, Kisses?"

Tumingin ako kay Donny and he was looking at me intently, waiting for my next words.

"Sa mga babae, ewan means yes." sabi ko habang may ngiti sa labi.

Sana naman ay na-gets niya.

Magkatinginan pa rin kami at walang sinoman ang nag-alis ng paningin sa aming dalawa. Hindi ko na nga namalayang tapos na pala ang show dahil naka-focus lang ako sa kanya.

Unti-unting sumilay ang kanyang ngiti, showing off his teeth. Aww.

Hindi makapaniwalang tumayo ito kaya ganon din ang ginawa ko.

He held my hands, "Is this for real?"

Tumango ako. "Yes, sinasagot na kita."

Walang ano-ano'y hinila niya ako sa dressing room ko, buti na lang at walang tao rito.

Agad niya akong niyakap. "Girlfriend na kita?"

"Girlfriend mo na ako at boyfriend na kita, Donny."

Bumitaw siya sa pagkakayakap at hindi makapaniwalang tinignan ako. "Fvck, girlfriend na kita! May girlfriend na ako! Girlfriend ko na si Kirsten!"

Napangiti ako sa ginawa niya. Nang mahimasmasan ito ay niyakap niya akong muli at hinalikan sa noo.

I love him.

Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang kanyang kanang pisngi.

"I love you, Kirsten Danielle Delavin."

"I love you too, Donato Antonio Pangilinan."

I am so in love with this man. I love him so much.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras, nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Tumingkayad ako upang halikan siya sa labi.

It's just a smack, though. Nanatili siyang nakatulala ngunit nakabawi rin. Ngumiti ito, nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko at nilapit ang aking katawan sa kanya. Nabigla ako kaya naman ay napatanong ako ng wala sa oras.

"Anong ginagawa mo?"

He smirked and crashed his lips into mine.

"Now, we're even. I love you." wika nito nang makabawi sa halik.

I smiled, still fluttered by his actions, "I love you too, sobra."

©
sourgeon, 2018

.

sourgeon's note
- this was done in 2018,
and glad I was able to
revised it, tho. thank
you for reading this
short story of mine.

check out my other
stories. it's all in
my profile.
love you all!

Adore You, KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon