Thirteenth

434 14 3
                                    

           I wake up in a very nice mood which means, I have my plans now. Kung dati, hirap na hirap ako sa pagpaplano dahil sa masyado s’yang masikreto ngayon, wala nang plano-plano. Tutal, sabi nga nila, ang di plinaplano ang may pinakamagandang resulta. Everything would happen as what it should be happen.

            Si Destiny, Faith at Will ang mga matatalik kong kaibigan na handang tumulong sa’kin anytime, anywhere. Si pareng Destiny na laging andyan at nagsasabing, “Wag kang mag-alala, kung kayo edi kayo. At kung hindi, uso ang move on.” At ito namang si pareng Faith, “Pre tiwala lang, mapapasayo din s’ya.” At magpapahuli ba naman si pareng Will? Aba syempre hindi. “Pre, tandaan mo, pag may tyaga may nilaga. Pag tamad, pre kahit kanin wala.”

            O diba masyado silang helpful. Anyways, while I’m bubbling here I’m making my plans out now. I showered and showered again with perfume and powder. Firststep: Youneedtosmellohsogood.  Why? Dahil madaling mahumaling ang mga babae sa lalaking gwapo na, mabango pa. Di na kasi kailangan pang magpagwapo kaya di yun ang first step. Mahirap nang gumwapo pa ang matagal ng gwapo. Tss.

            I did every chores needed to be done. Dagdag points din yun. Aba, gwapo na nga ang slave mo, mabango pa, masipag pa! Ano pa bang hahanapin mo di ba?

            Nakita ko s’yang pababa na kaya lumapit agad ako sa kanya. Uso ba ang pagsunod sa rules? Syempre hindi lalo na kung kasama sa plano mo yun.

            “Good Morning Gorgeous. How’s your sleep?” I said smiling habang s’ya mukhang walang nakita at nagdiretso lang sa kusina. Kahit laging nakasimangot, ganda pa din niya. Yun nga lang, puro gandang panglabas, pangloob, hmmm. Di ko pa nakikita eh. Tignan ko kaya?

            Sinundan ko lang s’ya at umupo na s’ya sa chair kaya sinimulan ko nang kunin ang mga hinanda ko. Yes, mga. Matakaw kasi siya di lang halata. Tss. Minsan talaga unfair ang life eh.

            “Here’s our menu for this morning.” I said still smiling as I put the foods in the table. Umikot ako para sa tabi niya ako tumayo mismo habang binubuksan isa-isa yung takip.

            “Fried eggs, hotdogs, hams and….”I said while opening the dishes and while I said it, I saw her frown got deeper and deeper until I said the last meal. “Sinangag!” I cheered and I saw her eyes lit. hahaha. Tama nga ang nanay ko. Di lang ang mga lalaki ang nafo-fall sa magagaling magluto, babae rin.

            Ipinagsandok ko pa s’ya para tuloy-tuloy na ang damoves. Sabi din ng nanay ko, gusting-gusto ng mga babae ang pinagsisilbihan sila. Kumain na s’ya after ko s’yang pinagsandok at ako naman ay umupo sa tabi niya.

            Tinitignan ko lang s’ya habang kumakain. Bat ganun gang pagkain, nakasimangot pa rin s’ya, hindi ba masarap yung pagkain? “Di ba masarap?” I asked consciously. Pano na lang kung di masarap edi bawas pogi points na yun. Wala pa ngang points, mababawasan agad. Tss.

            Tinignan lang niya ko at tinuloy na lang ulit ang pagkain. Ano ba! Naiinis na ko. Bat ba ganto ang babeng to? Napakawalang consideration! S’ya na nga inaalala, half truth, tas di naman siya mamamansin. Nakakabastos huh.

            Pero ang sabi nga ni pareng Will, tyaga lang ang kailangan para magkanilaga. Kaya kailangan ko ng tyaga, para baka sakaling mabiyayaan ng nilaga. Tinitignan ko lang s’ya habang kumakain at mukhang wala syang pakielam kahit na titigan ko pa s’ya. Hmm. Ang haba pala ng pilik-mata niya. Tas yung ilong, ang tangos at walang bahid ng pimples o kahit man lang yung napadaan lang wala. Ang ganda niya talaga. Nagkaboyfriend na kaya to? O ang magandang tanong…

            “May boyfriend ka?” bigla s’yang nasamid kaya inabot ko agad ang tubig sa kanya. “Ayos ka lang? Dahan-dahan lang kasi ang pagkain wala namang aagaw eh.” Sambit ko habang hinihimas yung likod niya. Bigla niya kong tinulak at tumayo na s’ya. Problema nun? May nasabi ba kong di maganda?

            “Uy, problema mo? Kanina pa kita kinakausap ni ha-ho wala ka man lang sinasabi. Di mo ba ko paparusahan? I breached the contract!” sabi ko habang hawak-hawak yung braso niya para di na s’ya makaalis. Ang cold niya. Sino ba ang walanghiya na gumawa nito sa kanya? Di ba, wala naman taong pinanganak na cold. Walang taong ginusto maging cold at stonehearted unless, napag-aralan na lang nila na ang pagiging cold at stonehearted ang magliligtas sa kanila mula sa sakit na maari nilang maramdaman o maramdaman muli.

            “Sino? Sabihin mo sa’kin sino?” sigaw ko sakanya na ikinataas ng kilay niya. “Sino ang nanakit sa’yo para maging ganyan ka? Sino?” sigaw ko ulit at bigla na lang nag-iba ang tingin niya. May galit at poot sa mga ito.

            “Gusto mong malaman? Para saan naman at gusto mong malaman? Tandaan mo, nasa contrata natin ang, you won’t interfere to everything I do. So back off. I don’t need to say anything to you. Remember this, you’re just my slave.” She said na ikinatahimik ko. Sa bawat salitang sinabi niya, may matinding galit sa mga ito. Parang may ipnapahiwatig s’ya na di ko naman makuha kung ano.

                       

             

Like a Boss and Slave StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon