Twenty-Third

348 10 0
                                    

            Dinala ko si Ex sa lugar na matagal ko nang pinangarap puntahan kasama ang taong mahal ko. Sa lugar kung san ipinangako ko na, ang isasama ko lang ay ang babaeng sigurado akong mamahalin ko habang buhay. Ang babaeng, matagal ko nang hinihintay at ngayon, kasama ko na s'ya. Alam kong naguguluhan pa ko sa mga nangyayari dahil sa masyadong mabilis ang pangyayari. Pero nung nalaman kong si Ex at si Ester ay iisa, hindi ko na napigilan ang sarili ko na bumalik sa dating Damon. ang Damon na nagmamahal ng lubos kay Ester.

            "Here we are." I said then walk around the car para pagbuksan s'ya pero nakalabas na pala s'ya. Ang Ester na kilala ko noon, aantayin niyang pagbubuksan mo s'ya. Oh well, magkaiba na nga pala ang Ester noon at ang Ex ngayon.

            "Where are we?" She asked.

            "To the place where I promise to bring you." I said then smiled at her. She walked ahead, and I took her hand to stop her. "What?" She asked. "I just want to hold your hand." she look away and then we walk side by side.

            I feel so lucky to have her again by my side. Kahit na ibang-iba na s'ya sa Ester na minahal ko noon, attitude, personality and even by appearance, pero s'ya pa rin si Esterpara sa'kin. Ang Ester na akala ko nilibing ko na sa kailalim-ilaliman ng isip at puso ko.

            She gasped when she saw the place. Isa s'yang garden na kung saan, iba't ibang bulaklak ang nakatanim. Ang arrangenments ng bulaklak ay by different colors. At kung sa malayuan, di mo mapapansin ang pinaka-itsura nito. Pero pag nakalapit ka na, May dalawang tao sa gilid nito na magkaholding hands at may malaking puso naman sa gilid nito na animo, napana ni kupido dahil sa pana sa gitna nito.

            Nung una ko tong nakita, si Ester agad ang pumasok sa isip ko. At kahit na sinaktan niya ko, s'ya pa din ang gusto kong dalhin dito. Dati, iniimagine ko lang kung ano ang maaring mangyari kung, kasama ko nga s'ya. At sa mga imagination ko, tuwang-tuwa siya at niyakap pa niya ko. Pero wala ang imahinasyon ko sa nangyayari ngayon. Si Ex, napakalawak ng ngiti sa labi, at ang sinabi kong mukha s'yang devil's angel? Binabawi ko na. Mas maganda pa s'ya sa mga anghel.

            Kung si Ester ay totoong anghel, si Ex naman ay demonyong anghel. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit s'ya nagkaganito. Ngayon, alam ko na kung ano ang maari kong gawin para mapabago ko s'yang muli.

            Binitawan ko ang kamay niya at agad akong tumakbo pabalik ng kotse. Alam kong nagulat s'ya sa ginawa ko pero hindi ako huminto para magpaliwanag pa. At nang makarating ako sa kotse, agad kong kinuha ang gamit ko at bumalik agad sa pinag-iwanan ko sa kanya. Humihingal pa ko nun at tumingin-tingin sa paligid. Nasaan na s'ya? Dito ko lang s'ya iniwan ah?

            Kinabahan ako bigla. Si Ex, nowhere to be seen. Hindi kaya...

            At nakita ko s'ya. Nakaupo sa gitna ng garden. Sa gilid ng isang fountain kung san, napakalinaw ng tubig at sa taas nito ay mismong si Cupido. Napaka-serene ng kanyang mukha. Napakapeaceful at may ngiti sa mga labi. Kung noon nga na lagi s'yang nakasimangot ay maganda na s'ya, hindi ko pa rin inexpect na mas maganda s'ya kapag nakangiti.

            Tila isa s'yang anghel na bumagsak sa lupa. Dahil sa fountain, may halo na nabuo sa ulo niya. I was stunned. Ang witch ko...

            "I don't even like you

            Why'd you want to go and make feel this way.

            I don't understand what's happen

            But I keep saying things I'd never say."

            Sino bang may sabing gusto ko s'ya? Ang isang witch na bitch na daig pa ang babaeng araw-araw meron, magugustuhan mo ba yun? Pero aminin ko man sa hindi, alam kong na-hooked na ko sa kanya sa simula pa lang. Ni hindi ko nga alam kung pano niya ko nagagawang inisin kahit na wala s'yang ginagawa eh. She's making me insane.

            Napalingon s'ya sa'kin at may confusion sa mga mata niya. Yun bang hindi niya mahinuha kung bakit ako kumakanta. Tsk. Sa totoo lang, hindi ko rin alam eh. Bukod sa na-caught up ako sa moment.

            "I can feel you watching even when you're nowhere to be seen.

            I can feel your touching even when you're far away from me."

            Minsan bigla na lang tumaas ang balahibo ko at sa palagay ko ay may nakatingin sa'kin. Nagpalinga-linga ako at wala naman akong nakitang tao sa paligid ko. Hindi kaya s'ya yun?

            I just look straight into her eyes while I'm singing. I saw amusement on it and somehow, a feeling I can't place. Nagpatuloy lang ako sa pagkanta kahit na naguguluhan ako sa nakikita ko sa kanya.

            I smiled habang naglalakad papunta sakanya at tuloy pa rin ako sa paggitara at kanta. And when I'm in front of her, lumuhod ako habang patuloy na kumakanta.

            "Tell me where you're hiding your voodoo doll

            'Cause I can't control myself.

            I wanna stay away or run away

            But I'm trapped into your spell."

            Pero bago ko pa man matapos ang chorus, nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa'kin at ang hindi ko inaasahan, ang paghingi niya ng sorry. 

Like a Boss and Slave StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon