Fourteenth

385 12 3
                                    

             “I don’t care about the contract. Sa palagay mo ba kung may pakielam ako sa kontrata na yan, susuwayin ko to? Kahit na ilang linggo mo pa ko di payagan maligo at ilang araw mo pa ko pakainin, sa palagay mo natatakot ako? Kung mayaman ka, mayaman din ako. Wala kang maipapanakot sa’kin. Ang sa’kin lang, nag-aalala ako sa’yo. Masama ba yun?” I said with a steal in my voice.

                 Kung kanina, nasabi ko na gagawin ko ang lahat para mapasakin s’ya, dahil lang sa mga pinaggagawa niya sa’kin, I realized na hindi lang pala iyon ang dahilan. Sa araw-araw na magkasama kami at nagbabangayan at unti-unti na pala akong nacucurious sa kanya ng di ko namamalayan. Sa mga pahirap niya na sinusumpa ko na s’ya, akalain mo bang isang beses, bilang sekretarya niya inutus-utusan ako na bumili ng kung anu-ano at pagtimplahin ng kape. Okay lang sana kung para sa kanya lang eh. Eh hindi! Nyeta, pinagtimpla ko lahat ng empleyado niya! As in lahat, kasama ang security guards at janitor. Ang saya niya di ba?

              Tas everytime na magsasalita ako nun, yun bang magrereact sa mga movies or animes na pinapanood ko, puta! May punishment agad ako. Isang beses nga, pinaluhod niya ko habang my hawak na dalawang encyclopedia sa magkabilang kamay eh. Wag ka, isang oras pa yun! Panira ng moment. Kung kelan andun na ko sa climax tsaka niya ko paparusahan ng ganun.

              “Masama?” she said with a mocking laugh. “Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? Know what, let’s stop this nonsense talking.”

              “Nonsense? Ganyan ka ba kababaw mag-isip? Nonsense?” I shouted again. Pag ito talaga ang kausap ko, ang bilis mag-init ng ulo ko. Nyeta, ano bang meron sa babaeng to na nakakagawa ng mga gantong bagay sa’kin. Tss.

           “And by your punishment, I won’t give you any but I have good news for you. You may now leave the house and the contract is already done.”

               “What are you talking about?”

            “No more questions, no more at all. Thank you and you may leave now. Have a safe trip then.” Parang wala s’yang narinig at tuloy-tuloy lang na nagsalita. So ganun na lang yun? Iiwas na lang s’ya?  Sino naman ang nakapagsabi na pwede niyang paglaruan ang isang Damon Mejia at itapon na lang pagkatapos? No one ever dared. No one will ever will.

             “What if I won’t?” I challenged.

          “You will.” She said then started to walk away again. But before she could really get away, I grab her wrist and tug it. She shouted and I shut it with my mouth.

           I kissed her fiercely, like it’s my way to let her know my frustrations and anger. She didn’t response but still, I didn’t stop the kiss. Until, her hands went up to my neck and suddenly kissed me back. From fierce, my kiss went to sweet and slow. Na para bang lahat ng frustrations ko ay nawala sa isang iglap dahil sa paghalik niya. I end it when I’m out of breath but I still hold her in my arms.

              “Sabi ko na nga ba, di mo ko matitiis eh.” I said while hugging her, though she didn’t hug me back.

             “Sino naman may sabi sa’yo? Bitaw nga!” sabi niya habang nagpupumiglas sa yakap ko and I just hold her tight.

           “No. Di kita bibitawan.” Bigla syang nastiff sa sinabi ko at tinulak ako ng malakas kaya nabitawan ko s’ya. Walang sabi-sabi na umakyat sya sa kwarto niya at isinara ito ng malakas.

Like a Boss and Slave StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon