Filipinas 1897
"Makakarating po sa señorita ang liham na ito," ang wika ng isang dalagitang nasa edad 16, hindi naman masyadong katangkaran, kayumanggi ang balat at ang kaniyang kagandahan ay tamang-tama lang. Sabay abot ng liham sa kaniya ng isang mensahero. Dali-dali itong nagtungo sa beranda ng Hacienda Alvarez at ibinigay sa kaniyang amo.
"Señorita... Señorita Lucia..."
"Oh, Alma. 'Yan na ba ang sulat na aking hinihintay?"
Tumango-tango naman ang kaniyang katulong na ang pangalan pala ay Alma sabay abot ng liham sa kaniyang amo habang nakahawak sa kaniyang dibdib dahil hinahabol nito ang kaniyang paghinga dala ng mabilis na pagtakbo.
Napangiti naman ang señorita at nagbigay ng pasalamat sa kaniyang katulong habang tinatapik ang ulo nito.
"Bueno, magpahinga ka na muna. Ito. Inumin mo muna, alam kong tumatakbo ka talaga kahit hindi naman ako nagmamadali," ang sabi ni Lucia habang nakangiti sabay abot ng isang basong tubig kay Alma.
"Maraming salamat po, Señorita Lucia."
Si Lucia Alvarez ay ang bunso sa apat na magkakapatid ng kanilang pamilya na anak ng isang gobernador sa bayan ng Bulacan na si Don Manuel at maybahay nito na si Doña Luciana. Si Manuelito ang pinakamatanda sa kanila ng isang matipunong heneral ng hukbo na nasa edad 25. Siya ay may natatanging kagwapuhan, katalinuhan at makatwiran bagay na kaniyang namana sa kaniyang ama. Sumunod naman sa kaniya ay si Emilia na nasa edad 23. Siya ay may natatanging ganda na nakakaakit dahilan upang mahumaling sa kaniya ang mga kalalakihan, katangiang nakuha niya sa kaniyang ina ngunit salungat naman ang kaniyang ugali sa kaniyang mga kapatid. May pagkamasungit at minsan ay nagkakadugtong-dugtong ang kilay niya. Ang pangatlo naman sa kanila ay si Antonia na 22 taong gulang. Siya ang pinakamabait, minsan nga ay napagkakamalan siyang may balak na magmadre. Katulad ng kaniyang Ate Emilia siya rin ay may natatanging kagandahan. Panghuli sa kanila ay si Lucia na 19 pa lamang ang kaniyang edad. Siya ay may natatanging kagandahan katulad ng kaniyang mga kapatid. Siya ay may mapupungay na mga mata, mapupulang labi at pisngi na kulay rosas, matangos na ilong, mahahabang pilik-mata, malaporselanang kaputian at ang kaniyang katangkaran ay tamang-tama lang. Maliban sa kaniyang busilak na puso dahilan upang maging malapit siya sa mga mamamayan ng kanilang bayan ay mayroon siyang natatagong kapilyahan.
Tiningnan muna ni Lucia ang natanggap niyang sulat at hindi maitago sa kaniyang mukha ang matinding pamumula dahil sa kilig na kaniyang nadarama. Dali-dali siyang umakyat sa kaniyang silid at ikinandado ang pinto nito. Binuksan niya ang liham at binasa ang nakasulat sa isang kapirasong papel na isa pa lang tula.
Sa ilalim ng nagkikislapang mga bituin,
Isang natatanging binibini ang aking napansin
Katulad ng mga tala siya'y nagniningning
Siya ang liwanag sa puso kong malungkot at madilimNatatangi ang kaniyang kagandahan
Nakakabilib ang kaniyang katalinuhan
Ang kaniyang talento ay kaabang-abang
Pero ako'y napaibig sa kaniyang kapilyahanLahat ng lungkot na nadarama ay napapawi
Sa tuwing nalalaman at nakikita kang nakangiti
Ang iyong tawa ay nagbibigay sakin ng sigla
Ang iyong kasiyahan ang pumupunas sa aking luhaO, sinta, hindi mo man ako nakikita
Ang aking yakap ay hindi mo man madama
Ngunit, tanging ikaw lamang ang sigaw ng aking puso
Maghintay lang at sa tamang panahon ako'y makikilala mo- R
Habang binabasa ng dalaga ang sulat na natanggap ay hindi mapigilan ang kaniyang pagkakilig. Nagpagulong-gulong ito sa kaniyang kama at lumundag-lundag pa. Kaniyang itinupi ang tula at inilagay sa isang maliit na baul kung saan matatagpuan ang daan-daang sulat na ibinibigay sa kaniya ng misteryosong lalaki na tanging letrang 'R' lamang ang isinusulat sa huli ng bawat liham.
![](https://img.wattpad.com/cover/145444397-288-k209054.jpg)
BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Lucia
Historical FictionLucia Alvarez, ang pangalan ng isa sa mga anak ng isang gobernador, isang dalaga na mayroong ginintuang puso ngunit ubod naman ng kakulitan at kapilyahan. Maliban sa kaniyang mga katangian ay madalas din nitong makalimutan ang mga bagay-bagay. Siya...