Ikaapat na Kabanata

50 8 0
                                    

Kinabukasan, madaling araw pa lang ay nagising na si Lucia agad siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Dali-dali siyang bumaba at ipinadala sa kaniyang katulong at katiwala na si Alma ang sulat na tugon niya sa ipinadalang liham kahapon. Pagkatapos ay tumungo ang dalaga sa kanilang hardin at lumanghap ng sariwang hangin. Pumitas din ito ng puting rosas at inamoy ito.

Habang naglalakad siya sa kanilang hacienda ay panay ang kaway at ngiti niya sa kanilang mga katulong, hardinero, magsasaka at iba pa.

"Magandang umaga po sa inyo Mang Juan, Mang Santiago, at Aling Luna," bati nito sa mga manggagawa.

"Magandang umaga din po, Señorita Lucia," sagot ng mga ito sa kanilang amo.

"Maganda ata ang gising niyo aming Señorita," dagdag ni Mang Santiago na kanilang hardinero.

"Oo nga naman, Señorita. Parang may kakaiba sa iyong mga ngiti," pangingilatis ni Mang Juan.

"Ganun din po ang iyong nagkikislapang mga mata," pagsang-ayon naman ni Aling Luna.

Isang matamis na ngiti naman ang binitawan ng dalaga sa kanila.

"Ako'y nasisiyahan lamang pagkat nakita ko kayong lahat dito. Naalala ko pong may nagsabi sa akin upang maging maganda ang iyong araw ay simulan mo ito ng isang malaking ngiti upang ang anumang lungkot at pagod niyo ay mapawi," abiso niya sa tatlo.

"Kung ganun ay sisimulan namin ang araw na ito na may ngiti sa labi," wika ni Mang Juan sabay ngiti.

"Maraming salamat sa iyong paalala, Señorita Lucia," pagpapasalamat ng tatlong trabahador.

"Walang anuman po," saad nito habang nakangisi.

Dali-daling pumasok ang dalaga sa kanilang mansyon. Ngayon ay araw ng Linggo at magsisimba silang magpamilya.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santos, Amen."

Kakatapos lang ng unang misa. Lahat ay nagsitayuan sa kani-kanilang upuan at lumabas na sa simbahan. Habang papalabas na ang mag-anak ay natanaw ni Lucia ang pamilya Rodiguez lalong-lalo na si Rafael. Agad naman niyang iniwas ang kaniyang sarili ng makitang tumitingin ang binata sa kaniya. Hindi niya namalayan na nasa pinto na sila ng simbahan.

"Don Manuel!"

"Don Sebastian!"

Batian ng dalawang Don habang nagkukumustahan na kung sa tutuusin ay kagabi palang ay busog na busog na sila sa pag-uusap.

Sa kabilang banda habang pinagmamasdan ni Lucia ang ama nito at kaniyang kaibigan ay narinig niya ang pagbati ni Rafael.

"Magandang umaga, binibini," wika nito sa dalaga.

Tanging isang tango lamang ang naisagot ng dalaga at dire-diretsong itong tumungo sa kanilang kalesa at lumundag papasok nito.

"Jusmiyo! Lucia! Ayusin mo ang iyong kilos," saway naman ni Doña Luciana sa kaniyang bunso.

Isang nakakalokang ngiti ang pinakawalan ng dalaga bagay na pinagtawanan ng iba habang dismayado naman sina Doña Luciana at Ate Emilia nito sa kaniya dahil mahirap talagang turuang kumilos ng mahinhin ang bunso ng pamilya Alvarez. Sa loob ng kalesa ay nakita ni Lucia si Rafael na pinipigilan ang kaniyang pagtawa dahil sa ginawang eksena nito kanina.

Pagdating sa kanilang bahay ay sinabihan ni Doña Luciana ang tatlong dalaga niya na kunin ang kani-kanilang gamit sa pagtatahi dahil magtatahi sila sa kanilang beranda. Si Manuelito naman ay inutusan ng kaniyang ama na tumungo sa opisina dahil may pag-uusapan silang importanteng bagay.

Agad na dumiretso ang mga dalaga sa kanilang silid habang si Manuelito naman ay sumunod sa kaniyang ama.

Dali-daling kinuha ni Lucia ang kaniyang gamit pantahi at tumungo sa kanilang beranda. Pagkadating niya doon ay agad siyang umupo sa kaliwang bahagi ng kaniyang Ate Antonia habang sa katabi naman nito ay ang kaniyang Ate Emilia kung saan pumapagitna sa kanilang dalawa ay ang kanilang ina. Habang nagtatahi ang mag-iina ay biglang nagsalita si Doña Luciana,

"O, kay bilis lamang ng panahon. Noon ay mga munting paslit pa lamang kayo na ang tanging gawain lamang ay maglaro at maghabulan. Ngayon, hindi ko na alam baka sa susunod ay magkakaroon na kayo ng sari-sarili niyong pamilya, mga anak ko," sabay hinga ng malalim at ngiti.

Napatigil naman silang tatlo sa pagtatahi at tumingin sa kanilang ina na patuloy pa rin sa kaniyang pagbuburda. Agad naman nilamg ibinalik ang kanilang mga sarili sa kani-kanilang gawain.

"Ina, tapos na po ako," wika ni Emilia sabay pakita ng kaniyang panyo na binurdahan niya ng pulang rosas.

"Ako din po, ina," saad naman ni Antonia at kaniyang iniharap ang binurda nitong bulaklak na sampaguita.

"Ang gaganda ng inyong ginawa mga anak!" papuri ng kanilang ina.

"Ikaw Lucia? Ano'ng ibinurda mo aking bunso?" tanong nito sa bunsong anak.

"Hindi pa po ako tapos sa aking ibinuburda ina pero agad ko itong ipapakita sa iyo kapag tapos na ito," sagot nito habang pursigidong-pursigidong tinatapos ang kaniyang pagtatahi. Ang kaniyang ibinuburda ay isang regalong ibibigay niya sa kaarawan ng kaniyang ina sa susunod na dalawang linggo.

Sa kanilang magkakapatid, si Lucia ay ipinagkalooban ng kakaibang galing sa pagtatahi kung saan makikita ang linis at tamang ayos sa paggawa ng mga ito. Pangarap niya din na magkaroon ng isang patahian kung saan lahat ng damit ay magmumula sa sarili niyang mga disensyo.

"Kung gayon, aking hihintayin ang iyong ibinurda anak," ang sabi ng kaniyang ina habang tinatapik ang balikat ng dalaga. Ngiti at tango naman ang kaniyang isinagot sa ina.

Pagkatapos ng kanilang hapunan ay agad na nilinis ng mga kasambahay ang hapag-kainan habang ang kanilang mga amo ay nagsiakyatan sa kani-kaniyang mga silid nito.

Habang nakahiga at nagmumuni si Lucia ay biglang may kumatok sa kaniyang pinto at binuksan ito. At biglang sumilip naman ang kaniyang Ate Antonia.

"Maaari bang pumasok, bunso?" tanong nito sa kaniyang kapatid.

Biglang tumango naman sabay ngiti si Lucia.

"Baka ika'y aking naisturbo sa iyong pagtulog? Pasensya na ngunit hindi ko lamang kayang itago sa sarili ko itong bumabagabag sa isip ko," saad nito kay Lucia na ipinagtaka naman ng nakababatang kapatid.

"Kailan man ay hindi ka magiging isturbo sa akin, Ate Antonia. Handa po akong makinig sa iyo," wika nito sa kaniya sabay hawak sa kamay ni Antonia.

Napahinga naman ng malalim ang kaniyang ate bago magsalita.

"'Wag na nga lang. Alam ko namang nakalimutan mo na ito," tugon nito.

"Naman Ate eh! Binibitin mo ako. Ano nga ba yun?" pagpupumilit ni Lucia.

"Wala nga. Kalimutan muna. Binibiro lang kita," sabi nito sabay tawa upang kumbinsehin ang kapatid.

"Sige na nga. Maaari ka nang bumalik sa iyong silid," pagtataboy nito kay Antonia na mas lalong ikinatawa nito.

"Hay nako bunso! Hindi ka talaga mabiro. Oh, sige ako'y matutulog na. Buenas noches mi hermana (Good night my sister.)," wika nito sabay labas at isinara ang pinto.

Batid nito na mayroon talagang gustong sabihin ang kaniyang ate ngunit kaniyang ipinagtaka kung bakit hindi na niya itinuloy pa ang nais nitong sabihin.

Agad na tumayo si Lucia upang ikandado ang kaniyang pinto dahil baka paglaruan naman siya ng kaniyang nakakatandang kapatid. Lumapit din siya sa nakabukas niyang bintana at akmang isasara na ng biglang may nakita siyang anino ng isang tao sa labas ng kanilang bakuran. Nakita din niyang patakbong umalis ang anino dahil nga siguro'y nalaman nitong nakita siya ni Lucia.

Dali-dali namang isinara ng dalaga ang kaniyang bintana dahil sa kaba. Ipinatay din niya ang kaniyang gasera at humiga na sa kama, pilit niyang ipinipikit ang kaniyang dalawang mata dala-dala ang nadaramang takot at pagkataka sa aninong nakita niya.

Nagmamahal, LuciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon