Bago pa man sumikat ang araw ay nakagising na ng maaga si Lucia para tingnan at kumustahin si Alma. Ibinalita kasi sa kaniya ng ibang mga katulong nila na kahit humupa na ang mataas na temperatura nito ay nakakaramdam pa din ito ng pagsakit ng ulo dahilan upang hindi niya magawang tapusin ang mga gawain. Lubhang nag-alala ang dalaga sa kondisyon nito kaya pinagsabihan niya itong magpahinga na lang muna. Bilang kapalit, tumulong siya sa paghahanda ng almusal ng kanilang pamilya.
"Señorita, siguradong maayos lang po ba kayo diyan? Nauusukan na kayo," pag-aalala ni Aling Helen.
"Opo, Manang. Sa katunayan nga ay masaya akong natutulungan ko kayo dito," saad ni Lucia sabay tango at ngiti.
"Kung ganun po ay ikinagagalak kong maging katuwang ka po ngayon dito sa ating kusina," wika nito.
"Manang? May mga itlog ba tayo dito? Tsaka gatas ng baka, asukal o pulot?" sunod-sunod na tanong ni Lucia sa matanda.
"Oo naman Señorita. Balak niyo po bang gumawa ng panghimagas na Leche Flan?"
"Sí, usted es correcto, Manang. (Yes, you are right, Manang.)"
"Así pues, voy a conseguir lo que usted necesita. (Well then, I'll get what you need.)"
Kahit hindi naman nanggaling sa mayamang pamilya si Aling Helen ay marunong itong magsalita ng wikang Kastila dahil halos mag-aapat na dekada na siyang naninilbihan sa pamilyang Alvarez. Sa pamamagitan ng kabutihan ng mga magulang ni Don Manuel na sina Don Marcelo at Doña Nuella ay eksklusibong tinuruan siya nito upang maintindihan ang sinasabi ng mga amo nito.
"Eto na Señorita," wika ni Aling Helen sabay abot ng mga sangkap sa dalaga.
"Maraming salamat po Manang Helen."
Pagkatanggap niya ng mga sangkap sa lulutuing panghimagas ay agad niya itong ginawa.
Agad niyang kinuha ang isang dosenang dilaw ng mga itlog at nilagyan ito ng gatas ng baka at pulot upang magkaroon ng matamis na lasa. Kaniyang inihalo ang mga ito.
Pagkatapos ay nagpainit siya ng asukal sa isang malaking parisukat na sisidlan. Hinintay niya ito hanggang sa matunaw at itinabi. Sunod nito ay ibinuhos niya na ang nahalong sangkap kanina sa sisidlan. Tinakpan niya ito ng dahon ng saging at inilagay sa isang pasingawan. Makalipas ang halos 45 minuto ay naluto na ito.
Kanilang itinabi muna ang Leche Flan at inihanda na nila ang mesa.
"Lucia, anak. Ano'ng ginagawa mo?" gulat na gulat na tanong ni Doña Luciana habang nakakulong sa bisig ni Don Manuel ang kaniyang isang braso.
"Oo nga anak, ang aga naman ng gising mo? At..." tanong ni Don Manuel sabay tingin sa kaniyang anak mula ulo hanggang paa.
"Ano'ng ginagawa mo sa kusina? Ikaw ba ay nagluto, hija?" dagdag nito.
"Magandang umaga ama, ina. Opo, ako'y tumulong sa paghahanda ng ating agahan. Naghanda na rin po ako ng panghimagas," nakangiting sagot sa mga magulang.
Namangha naman sina Don Manuel at Doña Luciana pagkat hindi nila inaasahang marunong magluto ang kanilang bunsong anak.
Bumaba naman kaagad ang kaniyang mga ate at kuya.
"Magandang umaga Kuya Manuelito, Ate Emilia at Ate Antonia," bati niya sa mga kapatid.
"Magandang umaga din bunso," bati naman pabalik ni Manuelito sabay gulo sa buhok ng dalaga.
"Magandang umaga din," sagot naman ng kaniyang Ate Emilia na tumungo kaagad sa mesa at umupo sa harap ng hapag-kainan.
"Magandang umaga Lusing! Masarap ba yang mga niluto mo?" wika ni Antonia sabay tingin sa mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Nagmamahal, Lucia
Tarihi KurguLucia Alvarez, ang pangalan ng isa sa mga anak ng isang gobernador, isang dalaga na mayroong ginintuang puso ngunit ubod naman ng kakulitan at kapilyahan. Maliban sa kaniyang mga katangian ay madalas din nitong makalimutan ang mga bagay-bagay. Siya...