Ikalimang Kabanata

46 7 1
                                    

"Lucia, hija. May problema ba? Ba't parang ang putla mo yata ngayon anak? May sinat ka ba? Hindi mo rin ginagalaw yung pagkain mo," pagtatakang saad ni Doña Luciana.

Nasa tapat ng hapag-kainan ngayon ang mag-anak na Alvarez. Sabay-sabay silang kumain ngayon bagay na kinasasabikan nila dahil kumpleto sila lalo na't nakauwi na si Manuelito galing sa bakbakan sa Cuba.

Biglang natauhan si Lucia ng biglang tinapik siya ng kaniyang Ate Antonia sabay bulong sa kapatid.

"Lucia, tinatanong ka ni ina."

"Ah, wala po ina. Ako'y hindi lamang nakatulog ng maayos kagabi," sagot nito.

"Bakit naman anak? May gumugulo ba sa iyo?" tanong naman ni Don Manuel.

Nag-aalanganin naman si Lucia kung sasabihin niya ba o hindi sa kaniyang ama na may nakita siyang aninong umaaligid sa kaniya kagabi.

"Wala naman po ama. Siguro, ako'y napagod lamang sa ginawa naming pagtatahi kahapon nina ina. Pero 'wag po kayong mag-alala sapagkat ayos lamang ako," diretsong sagot nito sabay ngiti upang hindi mahalata na siya'y nagsisinungaling lamang.

"Kung gayon, wala naman dapat tayong ipag-alala dahil maayos lamang siya. Kung maaari sana po ama, ina, mga kapatid ko ay ipagpatuloy na natin ang ating pagkain," seryosong tugon ni Emilia na hindi tumitingin sa kanila. Agad naman napatingin sa kaniya ang lahat habang siya naman ay isinusubo ang maliit na piraso ng karne sa kaniyang bibig.

Nagtinginan muna ang lahat bago sumang-ayon sa sinabi ng dalaga at kumain. Alam nilang walang interes makinig si Emilia sa mga usapang patungkol sa kaniyang bunsong kapatid dahil sa hindi nga magkasundo ang dalawa simula ng magdalaga ang mga ito. Ipinagtataka nga nila kung ano ang naging pasimuno sa kanilang hindi pagkakaintindihan pagkat magkasundong-magkasundo naman sila noong bata pa sila.

Pagkatapos ng almusal agad na tumambay si Lucia ng mag-isa sa kanilang azotea. Hindi siya sumama sa kaniyang ina at mga kapatid papunta sa bayan dahil nagdahilan na naman siya na masama ang kaniyang pakiramdam kahit ang totoo ay hindi niya nais makasama ang kaniyang Ate Emilia. Ang kaniyang ama at Kuya Manuel naman ay nagtungo sa isang pulong sa munisipyo kasama sina Heneral Lopez, Don Sebastian at iba pang opisyal.

Habang nakaupo at tinatanaw ang kanilang magandang hardin kung saan mayroong mga puting rosas ay biglang pumasok ang kanilang pinagkakatiwalaang kasambahay na si Alma.

"Señorita Lucia..." wika nito sa amo.

Agad na tumayo at humarap si Lucia ng may ngiti sa labi. Alam niyang andiyan na ang sulat mula sa misteryosong lalaking kaniyang iniibig. Inabot ito sa kaniya ng katulong niya.

"Maraming salamat, Alma."

Babalik sana ang dalaga sa kaniyang pagkakaupo upang basahin ang sulat ngunit biglang nagsalita si Alma.

"Señorita, maliban po sa paghahatid ng liham na iyan sa iyo ay nais ko pong ipaalam na mayroon kayong bisita sa baba. Kakadating niya lang po. Siguro ay hindi niyo namalayan dahil ikaw po ay nakatingin sa hardin," saad nito.

Agad naman nagtaka ang mukha ni Lucia.

"Sino ang bisitang i---" hindi na natuloy ang tanong nito dahil biglang may narinig na boses ang mga ito.

"Almaaaaaaaa," sigaw ni Aling Helen, ang mayordoma ng Hacienda Alvarez. May katabaang pagkababae, bilugang mukha at mga mata, at may mga kulubot dala ng pagkatanda, nasa edad 60 na ito.

"Oh! Alma andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Alam mo namang may bisita doon sa baba. Bakit hindi mo yung pinagsilbihan hija?" pangaral nito sa dalagang katulong.

Nagmamahal, LuciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon