Ikalawang Kabanata

86 7 1
                                    

Alas-cinco na ng hapon. Nakasakay ngayon sa kani-kanilang mga kalesa ang pamilya Alvarez. Sa unang kalesa ay naroon ang mag-asawa na sina Don Manuel at Doña Luciana. Habang sa kabila naman ay ang tatlong magkakapatid na sina Emilia, Antonia, at Lucia. Kasunod naman nila ang kalesa ng kanilang mga guwardya personal upang bantayan ang pamilya.

Habang nakasakay sila ay panay ang tingin ni Lucia sa labas ng kanilang bintana. Kahit wala siyang masyadong makita dahil sa ilang sandali na lang ay magtatakip-silim na ay pilit niyang tinitingnan ang bawat bahagi ng kanilang bayan. Kaniyang ipinikit ang kaniyang mga mata at dinama ang marahang ihip ng hangin na dumadampi sa kaniyang balat.

"Lucia!" sigaw ng kaniyang Ate Emilia na kaniyang ikinagulat.

"Umayos ka! Isara mo na ang bintana. Ilang metro na lang ay nasa Hacienda Rodriguez na tayo," suway nito sabay erap sa bunsong kapatid.

Agad namang sumunod si Lucia, isinara niya ang bintana, inayos ang kaniyang upo at bumulong sa sarili niya habang nakayuko.

"Sungit."

Bigla namang naramdaman niya na nanlilisik na ang mga mata ng Ate Emilia niya habang tumitingin sa kaniya. Kahit mahina ang kaniyang pagkasabi ay hindi niya maitatanggi na sadyang matalas talaga ang pandinig ng Ate Emilia niya. Babalikan niya rin sana ng matalim na tingin ang kaniyang Ate ngunit biglang hinawakan ng Ate Antonia niya ang kamay nito upang pakalmahin siya. Dahil kapag pinatulan ni Lucia si Emilia ay mala-gyera ang kalalabasan nito at isa pa isang kabastusan ang hindi paggalang sa nakakatanda.

Ilang minuto lamang ay nasa harap na sila ng malaking gate ng Hacienda Rodriguez. Ito ang unang beses na pupunta siya sa bahay ng kaniyang matalik na kaibigan dahil sa tuwing may mga salo-salo dito ay palagi itong nagdadahilan sa kaniyang mga magulang na masama ang kaniyang pakiramdam. Ngayon ay hindi na siya nakahindi dito dahil minsan lang naman ito humingi ng pabor mula sa kaniya.

Agad na binuksan ng mga guwardya personal ang kanilang pintuan at inalalayan ang tatlong señorita ngunit ng itapat ng guwardya ang kaniyang palad sa kanilang Señorita Lucia upang makababa ay bigla itong lumundag dahilan upang sawayin siya ng kaniyang ina na nasa gilid na pala nila. Agad naman siyang yumuko upang humingi ng tawad.

Pagpasok nila sa loob ng mansyon ay kitang-kita ang karangyaang tinatamasa ng pamilya Rodriguez. Ang kanilang haligi ay may paispayral na disenyo ganun din sa hawakan ng kanilang hagdanan. Ang kumikinang na malaking chandelier sa gitna ang nagbibigay liwanag sa buong mansyon. Makikita sa bawat sulok nito ang mga mayayamang bisita ng pamilya. Habang inililibot ni Lucia ang kaniyang mga mata ay makikita sa kaniyang mukha ang matinding pagkamangha.

"Luciaaaaa!" sigaw ng isang dalaga na nakasuot ng isang magarbong damit na kulay ginto at kasing-edad niya. Siya ay may mapupungay na mga mata, maputing balat, tamang-tama lang din ang katangkaran, mapupula ang mga labi at pisngi.

"Gabriella!" sigaw pabalik ni Lucia at nagyakapan silang dalawa.

"Sa wakas hindi ka nagkaroon ng sakit ngayon at nakadalo ka na rin sa aming handaan," patuksong pagkasabi ni Gabriella sa kaibigan.

Napakamot na lang sa ulo si Lucia sapagkat tanging si Gabriella lamang ang nakakaalam ng kaniyang pagdadahilan.

"Oo nga eh. Mabuti nga," sagot niya habang nakangiti na mayroong pagkahiya dahil sa katotohanang palagi siyang tumatangi sa imbitasyon ng pamilya Rodriguez.

"Don Manuel, mi amigo! (Don Manuel, my friend!) Mabuti at nakarating kayo dito ng matiwasay. Ikinagagalak kong tinanggap niyo ang aking imbitasyon," wika ng isang malaki at matipunong lalaki habang may suot-suot itong isang salamin sa kaliwang mata nito sabay akbay sa gobernador ng Bulacan.

"Sí, por supuesto, amigo mío, Don Sebastian. (Yes, of course, my friend, Don Sebastian.) Isang karangalan ang maging iyong panauhin," sagot ni Don Manuel sa kaibigan niya na kaniya ding kanang-kamay sa pagpapatakbo ng kanilang bayan.

"Magandang gabi sa iyo Doña Luciana at sa inyong tatlong dalaga," pagbati ng Don. Agad namang bumati pabalik ang mag-iina at yumuko.

Mga ilang minuto ding tumatambay sa sala ang magkakapatid. Si Emilia ay kinahuhumalingan ng mga kalalakihan, si Antonia ay nakikipagkwentuhan sa kaniyang mga kaibigan habang si Lucia naman ay nakaupo lang sa gilid dahil masyado pang abala si Gabriella sa pakikipag-usap sa kanilang bisita. Natanaw naman ni Lucia ang kaniyang mga magulang na nakikipagtalastasan sa kanilang mga kanegosyo sa trabaho.

Dahil sa matinding pagkabagot ay lumabas ang dalaga patungo sa hardin ng hacienda. Sa ilalim ng buwan at mga tala ay naroon si Lucia habang pinipikit ang kaniyang mga mata at dinadama ang marahang simoy ng hangin. Nang walang ano-ano'y biglang may narinig siyang mga yapak mula sa kaniyang likuran. Dahil sa kaniyang pagkabigla agad niyang kinuha ang isang piraso ng kahoy at ipinusisyon ang kaniyang sarili. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nakapag-ensayo si Lucia sa larangan ng eskrima (fencing) bagay na kaniyang ipinilit sa mga magulang niya upang maipagtanggol ang sarili nito.

"Sino ka?" tanong niya habang dinuduro ang kapirasong kahoy dahil sa takot.

"Pasensya na binibini kung ikaw ay aking nabigla," marahang sagot ng isang lalaki sa kaniya.

Hindi maaninag ng dalaga ang mukha ng kausap niya ngayon sapagkat tinatakpan ng kaniyang likod ang ilaw. Habang humahakbang papalapit ang binata sa kaniya ay ganun din ang kaniyang pag-atras. Hindi niya namalayan na may bato pala sa kaniyang likuran dahilan ng kaniyang pagkatumba.

"Araaaaaaaay!" sigaw ni Lucia dala ng matinding sakit na natamo niya lalong-lalo na sa kaniyang pwetan.

"Binibini..."

Agad naman siyang inalalayan ng binata na sa una'y naiilang pa dahil hindi tama na hawakan niya ang kamay ng dalaga ngunit wala na siyang magagawa pa. Isa pa, kabastusan ang pabayaan ang isang dalaga na nangangailangan ng tulong.

Habang tinutulungan siya ng binata ay kaniyang ikinagulat ng bigla siyang nakaramdam ng kuryente sa kaniyang katawan at matinding pagkabog ng kaniyang dibdib. Mas lalo niya pang ikinagulat ng biglang nagtama ang kanilang mga mata dahilan ng pagbagal ng kanilang paligid habang marahan na umiihip ang hangin.

~Minsan Oo Minsan hindi
Minsan Tama Minsan Mali
Umaabante Umaatras
Kilos mong namimintas
Kung Tunay nga ang Pag ibig mo
Kaya mo bang Isigaw
Iparating sa Mundo

Tumingin Saking Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika'y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka
kung maging tayo
'Sayo Lang ang Puso ko'~

Bakit? Bakit ginoo? Sino ka ba? Bakit pamilyar itong aking nadarama? Nakilala na ba kita?

**********
Featured Song
'Sayo' by Silent Sanctuary ❤

Myghaaaaaaad! Tbh po. Frustrated writer po talaga ako. HAHAHAHAHA. I hope you enjoy reading 🙈😂 at sana maappreciate niyo po yung effort ko😞 Kahit kayo na lang yung makaappreciate, sapat na 😌❤😂 char

P.S. Don't forget to vote hehehe spread love 💖

Nagmamahal, LuciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon