a v a
'Asan na ba yung prof namin? Mga dalawampung minuto na kami dito sa room pero 'di parin siya dumadating. Tapos wala pa akong makausap dito, yung magaling kong best friend kasi, ayun at nakikipag-usap dun sa Jacob. Dapat pala nag BS Performing Arts nalang ako para kasama ko si Cass. Kaiyak!!
Habang kunyari akong nagtatampo kay Bronwyn, biglang dumating yung prof. "Good morning, class. My name is Gabrianna Placido. Welcome to hell," she said and smirked. Mukhang bata pa yung prof namin, shocking. Akala ko matanda at lalaki ang magiging prof namin sa Business Math, kabaliktaran pala. Tapos parang nananakot pa siya, kaya medyo kinilabutan ako.
Matapos magring ng bell, bigla akong napabuntong hininga. Kaya pala sabi niya "Welcome to hell," eh dahil first day na first day, madugong lecture yung binigay sa'min. Jusko! Nangalay yung kamay ko kakasulat. My dear hands! "Avs, ano susunod mong class?" tanong ni Bronwyn. Tinignan ko yung class schedule ko at sinabing Basic Finance. Nalungkot naman si Bronwyn "Sayang, Macroeconomics sa'kin." sabi niya. Natawa ako at sabing "Wow! Ngayon ka pa nalungkot eh ni 'di nga tayo naging magkaklase nung shs tayo," sabay kaming natawa. "Hays, ikaw Jacob?" tanong niya sa kaklase namin. "Same kami ng kaibigan mo," he replied. "Fine, see you sa caf, then?" she said while looking at me. I only nodded and waved her goodbye.
"So, hi? I haven't formally introduced myself," he said and laughed. "Jacob Lopez," sambit nito at inilahad ang kanyang kamay. "Ava Matilda Jones" I said and accepted his hand.
"Uhm, I assume you're friends with that Cassandra De la Vega" he said and I smirked while I raise my brow. "This conversation is interesting," I replied and he laughed.
c a s s i
I headed to the cafeteria to find an empty table for me and the girls. I decided to wait for them before I go to the counter. Nagulat ako nang kinalabit ako ni Bronwyn at umupo siya sa tabi ko. "Girl, alam mo ba?" sabi niya. "Malamang hindi!" I retorted and rolled my eyes. She rolled her eyes also. "Yung kinabbwisitan mong lalaki, yung nakita natin kanina, kaklase ko sa first class namin ni Avs!" sabi niya sabay tili. Napangiwi ako nang maalala yung unang pagkikita namin. "I. Don't. Give. A. Damn." I replied Tumawa siya ng malakas dahil sa reaction ko. Tsk. Nakita ko naman na papunta na si Ava sa table. Tumayo nalang ako para bumili ng pagkain ko. Surprisingly, 'di naman panget ang pagkain dito, actually masarap nga. Well, they should kasi ang laki ng binabayad namin sa kolehiyong 'to eh.
Pagbalik ko sa table, narinig ko ang pinag-uusapan nila. "They were chattering about how hard there course are, and na minalas daw si Bronwyn kasi mga terror prof ang napunta sa kanya. Natawa nalang kami. Sinabi ko sakanila yung mga ginawa ko at wala silang magawa kundi' mainggit. Paano ba naman kasi, walang terror prof na napunta sa'kin and madali naman yung lecture. Nang natahimik kami, bigla akong tinanong ni Ava nang isang tanong na 'di ko inasahan kaya napakunot ako ng noo.
"Do you know Jacob Lopez"
j a c o b k a i s e r
I j got home thirty minutes ago and dahil sa jetlag ko, agad akong pumunta sa kwarto ko. Nakadapa ako sa kama ko nang nakarinig akong may kumakatok at dahil sa sobrang pagod, sinabi ko nalang ay bukas ito.
"Who dared to disturb me from my sleep?" I asked. "Bro, I think I found Reese." sabi niya. Agad na nawala ang antok na naramdaman ko at napaupo ng maayos sa kama. "And she's quite interesting" dugtong pa niya habang nakangisi.
Shit, I know that smile.
YOU ARE READING
Glimpse of Goodbye
Teen Fiction|| S Y N O P S I S || Cassiopeia Reese De la Vega is the daughter of the well known business tycoon named Adalric Cygnus De la Vega. Five years after her mother's death, her father married her stepmother, Keleigh De la Vega. She thought she was...