1

5.1K 105 0
                                    

Chapter 1

Huni ng ibon at kiskisan ng mga dahon sa puno ang gumising sa akin. Maaga akong nagising sa araw na ito, puspusan na naman ang pag lilinis at pag luluto kagaya ng mga nakaraang taon. Pribadong kainan na dadaluhan ng mga taong naging parte ng buhay ko.

Hindi agad ako lumabas ng kwarto, alam kong hindi sila magka mayaw sa baba kaya hindi na ako manggugulo pa. Pinadala na lamang dito sa kwarto ang agahan at tanghalian ko. Kalahating araw ang iginugol ko sa pag babasa ng aklat hanggang sa kumatok si Aunty Marina.

Tumayo ako at umupo sa vanity table para mag suklay.

"Henrietta, mag ayos ka na at mamaya ay darating na si Primo dito."  Napalingon ako sa repleksyon ni Aunty Marina sa salamin bago ngumiti.

"Opo, mag aayos na po." Tumalikod ako at pumasok na sa banyo upang mag ayos. Narinig ko din ang pag aayos nya ng susuotin ko, alam kong hindi na naman sya magkanda ugaga.

Kaarawan ko ngayon, iyon ang pinili kong tawag dito. Sampung taon na ang nakaka lipas ng kupkupin nila ko noon, tatlong taong gulang at walang alam sa mundo.

Inabot ako ng isang oras sa loob ng banyo dahil sa nasarapan ako sa pag bababad sa loob ng bathub. Naka simangot na ng tignan ko si Aunty Marina ng naka labas ako.

"Akala ko ay nakain ka na sa loob. Papasukin na sana kita." Ngumisi sya at dahan-dahang sinuklayan ang basa ko noong buhok.

"Ang sarap po kasi mag babad, ayaw ko pa po sana umangat." Pabiro nya akong kinurot sa tagiliran bago tumawa.

"Ikaw talaga, dapat maayos na maayos ang itsura mo dahil ngayon na lang ulit dadalaw si Primo rito." Mabilis na nag bago ang timpla ng mukha ko ng marinig iyon.

Napansin ata iyon ni Aunty Marina, mabilis nya akong hinarap sa kanya bago ako pinisil sa pisngi.

"Ayaw mo talaga sa kanya ano? Close na close naman kayo dati a?" Bumusangot ako at umiling.

"Hmp! Napaka sungit po noon Aunty at hindi naman nya na po ako pinapansin di tulad noon." Tumango tango si Aunty Marina bago pinagpatuloy ang pag aayos sa akin.

Inabot kami ng siyam-siyam sa pag aayos sa akin hanggang sa pinatawag na kami ni Uncle Joe dahil andyan na raw ang pinaka importante naming bisita.

Naka bistida akong kulay pula. Naka ayos ang aking buhok na mayroong pulang laso. Naka puti akong sapatos na mayroon ding laso, napa simangot ako ng makita ang repleksyon ko sa malaking frame pababa ng hagdan. Mukha akong regalo.

Inaalalayan ako ni Aunty Marina pag baba ng hagdan kahit kaya ko naman. Nasa baba na noon si Uncle Joe, naririnig ko na ang boses nya at mukhang naroon na din nga ang panauhin namin na mukhang kararating lang.

Mas binagalan ko ang lakad ko kahit alam kong nababagalan na sa akin si Aunty Marina.

Nang makababa na ako ay hindi ko sya nilingon bagkos ay yumakap ako kay Uncle Joe para batiin sya bago ko pa lamang sya harapin.

"Magandang gabi po." Naka tingin ako sa baba at hindi nag aangat ng tingin. Ang itim lamang nyang sapatos ang nakikita ko at katabi nito ay isang sapatos na pambabae na kulay puti rin. Nalipat ang tingin ko sa sapatos ko na kulay puti katulad ng sa katabi nya. Balang araw ay makakapag suot din ako ng ganyan.

Alanganing tumawa si Uncle Joe bago iginiya sina Primo at ang kasama niya papasok ng mansion. Hinawakan naman ako ni Aunty Marina sa braso at nag aalalang tinignan ako. Ngumiti ako sa kanya bago nag lakad na papunta sa bulwagan kung nasaan naroon ang napaka habang lamesa kung saan kami mag sasalo-salo.

Pinaupo ako ni Uncle Joe sa kanan ni Primo at sa kaliwa iyong kasama nya. Maganda iyong babae, kulay brown ang buhok na kulot at maputi din ang balat nya. Di katulad ng sa akin na maputla ang balat at itim na itim ang buhok na diretsong diretso ang itsura.

Bumaba ang tingin ko sa plato ko ng mag simula na silang mag lagay ng pagkain sa harapan namin. Hinanap ng mga mata ko si Uncle Joe at si Aunty Marina, mas gusto ko silang kasabay kumain. Natagpuan sila ng mga mata ko, ngumiti sila sa akin bago ako sinenyasan na kumain na.

Sinunod ko sila at kumain na, tahimik ang lahat walang ingay maliban sa mga di sadyang pag lagatok ng kubyertos ko sa plato. Nakaka walang gana ang pag kain kung ganito, bahagya akong nag angat ng tingin ng mapansin kong may nag uusap. Naka harap si Primo sa kasama nya at kailanman hindi na lumubay roon ang tingin nya. Marahan niyang iniinom ang pulang likido na nasa kanyang baso.

Tinapos ko na lamang ang kinakain ko at uminom ng juice bago tumayo. Maingat ang pag tayo ko, tinignan ko ang gawi nila at mukhang hindi nila ako napansin dahil na din siguro sa mga nag tataasang disenyo para sa gitna ng lamesa.

Sinenyasan ko si Uncle at Aunty na wag na silang maingay. Tumango si Uncle Joe bago ako iginiya palabas ng bulwagan.

Umakyat ako sa kwarto ko at nag linis na ng katawan. Alas otso ng gabi ay lumabas na ako ng kwarto para sana makapag pahinga.

Iisa lamang ang laging nangyayari tuwing kaarawan ko, palaging hindi ako masaya. Palaging may ginagawa si Primo na hindi ko malaman kung ano. Kundi man ay hindi sya makakarating ng tama sa oras o may dala syang iba na sa huli ay sila na lang ang nag sasaya sa mga mundo nila. Dadalhin nya iyon sa isang silid at lalabas sila na namumutla ang kasama. Ilan lamang iyan sa mga ilang dahilan kung bakit hindi ako nagiging masaya.
Mabuti sana kung hindi na lamang sya pumunta hindi ba? Mas makakasama ko sana sina Aunty Marina at Uncle Joe pati na ang iba pa.

Mas nasisiguro kong mas masaya iyon, hindi lang naman iisang beses nangyari iyon sa tana ng pag daraos ko ng araw na ito taon taon.

Kailan ba ako nalayo ng loob sa kanya?

Maayos kami noon, malapit kami sa isa't isa na tuwing pupunta sya rito ay kakaripas ako ng takbo para salubungin sya.

Natigil na lamang iyon noong madalang na lang ang pag punta niya rito, at sa tuwing pupunta sya ay kundi hindi na nya ako binibigyan masyado ng pansin o may kasama syang iba at mag kukulong sila sa kanyang silid.

Nalayo ang loob ko sa kanya, kahit gusto ko man na magkalapit kaming muli tulad noon ay mukhang malabo dahil tuwing lalapit ako ay isang matalim na tingin ang pinupukol nya agad sa akin.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya, dahil sa kwento na din ni Uncle Joe na minsan isang gabi. Sampung taon na ang nakakaraan, isang lalaki ang syang nag abot ng kamay sa batang ako.

Hindi ko iyon makakalimutan, na kahit bata pa ako ng mga panahon na iyon. Ang lamig ng malambot nyang kamay ang syang may hawak ng buhay ko.

•••
Hi! New story ahead! Vote and comment :)

The MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon