Chapter 22
Parang walang nangyari noong dumating ang kinabukasan. Balik normal si Vera at buhay na naman ang pagkatao niya ng bulabugin ako ng kinaumagahan.
"Henrietta!" Gulat akong napa upo sa kama. Nadatnan ko si Vera na nasa may pintuan at malaki ang ngisi sa labi. Kinusot ko ang mata ng mapansin na maliwanag na sa labas. Sabado noon at walang klase, buong araw na naman kaming mag sasama ni Vera at ng kamalditahan niya.
"Vera, ano iyon?" Puno ng pasensya kong tanong. Nag ayos ako sandali bago sinundan ang itinuturo niyang kung ano sa labas ng kuwarto ko.
Hindi pa man ako nakakalapit doon ay nakita ko na ang sandamakmak na bulaklak na naka balot ng kulay berdeng papel. Dinampot iyon ni Vera at hinagis na may bisig ko.
"Ha! Ano iyan Henrietta?" Taas kilay niya akong tinignan bago ininom ang nasa baso niya.
"Kanino to?" Wala sa sarili kong tanong. Umismid si Vera at saka itinuro ako. Napamaang ako at binulatlat ang bulaklak, nag babaka sakaling may nakalagay kung kanino iyon.
"Galing iyan kay Stanley!" Tumaas naman ang kilay ko. Naka titig lamang ako kay Vera bago siya iniwasan.
"Kay Nia?" Halos maibuga ni Vera ang iniinom bago ako nilapitan at iharap sa kanya.
"Ewan ko kung tanga ka o bobo pero ano namang gagawin ni Nia para bigyan ka niyan. Mag isip ka nga!" Inirapan niya ako at saka padaskol na sinara ang pintuan ng kuwarto niya.
Noong inikot ko ang mga bulaklak ay may nahulog na papel. Binuksan ko iyo at nakita ang pangalan ni Ian. Kunot noo ko iyong binasa.
'Flowers to start a good day. Love, Ian.'
Mabilis ang lakad kong pinuntahan si Vera sa kwarto niya. Nagulat ata siya at mukhang may kausap sa telepono.
"Pwede mag knock." Sarkastiko niyang sinabi bago ibinaba ang telepono.
"Bakit may ganto ako galing kay Ian?" Nag simula na namang sumimangot si Vera sa akin at inagaw ang hawak kong papel. Binasa niya iyon at nalukot ang mukha matapos.
"Obviously, he likes you." Nag init ang mukha ko at saka inagawa ang papel sa kamay niya. Dinuro niya ako at mukhang nag babanta.
"You're blushing! You're cheating on Primo!" Sinimangutan ko siya at ibinaba ang nakaturong daliri sa akin.
"Nagulat lang ako! Ikaw talaga, I'm only up for Primo." Ngumisi siya sa akin bago inagaw ang mga bulaklak sa akin.
"Edi akin na lang ito." Tumango ako at iniwan na siya. Mukhang wala naman akong gagawin ngayong araw maliban ang mag ensayo kasama si Martha.
Katulad ng plano ay ganoon nga ang nangyari. Buong hapon akong tinuruan ni Martha ng martial arts. Bahagyang nakakasabay na ako sa lakas ni Martha kaya naman natutuwa rin talaga si Vera.
Weeks went by, tuwing weekends ay nag papadala si Ian ng bulaklak sa dorm. Tuwing ganoon ay bubulabugin ako ni Vera. Ipapakita niya sa akin ang letter at ang bulaklak bago hingin iyon ng buo.
Madadatnan ko na lamang ang bulaklak na naka prente sa isa sa mga vase sa dorm. Nahihiya naman akong kausapin ng diretsahan si Ian kaya naman kapag nag uusap kami sa classroom ay parang wala siyang ginagawa kapag weekends. Normal lamang ang akto niya kaya naman pinantayan ko lamang iyon.
"Henrietta!" Natigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ni Ian. Pabalik na ako ng dorm ng araw na iyon. Hindi ko inaasahan na susundan niya ako.
"Ano iyon? May kailangan ka?" Tinignan muna niya ang paligid bago ako tinignan.
BINABASA MO ANG
The Monster
Про вампировSelfishness paired with love, indeed will turn you into a monster. --- (Second installment of The Highborns Series) H x P 2018