Chapter 12
"Okay po." Tinalikuran ko si Uncle Joe bago pumasok sa may library. Eight months and fifteen days since umalis si Primo dito at hindi na nag pupunta.
Nilingon ko ulit si Uncle Joe na pababa na ng hagdan. Tinanong ko sya kanina lang kung baka tumawag sa kanya si Primo pero katulad din noong mga nakaraan ay wala rin. Araw-araw akong nag tatanong sa kanila kung natawag ba si Primo, salit salitan ko silang kung tanungin. Every other day, si Aunty at si Uncle. Nararamdanan ko na nga lang din na nadidismaya na din sila.
Kaunti na lang at iisipin ko talaga na nag laho na si Primo. Ito na ata iyong pinaka matagal na hindi sya tumatawag. Noon kasi, tumatawag naman siya at hindi ko lang siya nakakausap dahil sa ayaw ko.
"Oh? Ano ang sabi ng Uncle Joe mo?" Napaigtad ako ng makita ko si Aunty Marina na nasa gilid ko. May hawak siyang walis at feather duster.
"Katulad din po ng palagi ninyong sagot Aunty." Ngumiti sa akin si Aunty na may bakas ng simpatya.
"Sa susunod anak, magulat na lang tayo tatawag iyon. Wag kang mag alala, mahalaga ka sa kanya."
Nag kibit balikat na lamang ako at saka dumirekta sa library.
Doon ako napapanatag, sa amoy ng lumang libro. Kung iyong iba ay ayaw ng amoy noon ay ibahin ninyo ako. Napapakalma nito ang sistema ko.
Maghapon akong naroroon, nag babasa ng mga encyclopedia at ng nga thesaurus. Sumakit na ang ulo ko at pagod na ang mga mata ko kaya't lumabas na ako. Medyo madilim na sa labas at bukas na ang mga ilaw sa hallways.
Naabutan ko na si Aunty na nag lalagay na ng mga kubyertos sa lamesa sa may hapag.
"Buti at bumaba ka na. Ipapatawag pa sana kita kay Merly." Tukoy nya sa isang katulong sa mansyon.
"Nagutom na po ako Aunty. Napagod ako kababasa." Tumawa si Aunty bago ako pinaupo sa isa sa mga upuan.Inihain nila iyong mga pagkain sa akin, hinahayaan ko na lamang iyon.
Araw-araw ay ganoon ang takbo ng buhay ko. Pero katulad nga ng sabi ni Aunty, tatawag si Primo. Dumating din ang araw na iyon. Ikinagukat ko na nasa opisina ni Primo si Uncle at doon sila ay magkausap sa telepono.
Halos hablutin ko na iyong telepono kay Uncle Joe pero sinenyasan nya ako na maupo muna noong pumasok ako.
Matagal tagal din ang usapan nila bago iyon ibinigay sa akin ni Uncle. Iniwan nya ako sa loob ng silid.Nang nakalabas na ng tuluyan si Uncle ay saka ko inilagay ang telepono sa aking tenga.
"H-hi " naka rinig ako ng impit na ngisi.
"Ganyan lang ba ang sasabihin mo after a long time that we didn't talk?" Nang uuyam niyang tanong sa akin. Naiinis man ay itinago ko iyon.
"Sino ba ang may kasalanan? Sino ba iyong ngayon lang tumawag sa akin?" Puno ng pansusumbat na sabi ko.
"Okay,I get it. It's my fault sweetheart. I'm sorry." Malambing niya tugon. Natunaw ang inis ko sa mga sinabi niya. Sino bang mag aakala na ang kaharap ng nakararami na kinatatakutan nila ay ganito sa akin.
"Ikaw kasi e..." Pinunasan ko ang luha ko. Nakarinig ako ng pag aalala sa kanya.
"Are you okay? Don't cry. I'm sorry." Ngumuso ako at saka sinabi na okay lang ako.
"Primo.." Panimula ko.
"Yes?"
"Malapit na ulit ang birthday ko, uuwi ka ba?" Tanong ko. Alam ko naman na walang kasiguraduhan iyon uwi nya. Ngayon pa nga pang ulit siya tumawag, mahirap na ang umasa.
BINABASA MO ANG
The Monster
VampireSelfishness paired with love, indeed will turn you into a monster. --- (Second installment of The Highborns Series) H x P 2018