20

1.2K 34 0
                                    

Chapter 20

Henrietta's

"Kailan ka pa dumating?" Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya habang nag lalakad kami pabalik sa dorm ko. Madilim at tahimik na ang paligid doon. At noong dumaan kami sa may stadium ay wala ng ingay roon, marahil ay pinabalik sa sila ni Vera.

"Kanina lang, I made Leo contact Vera." Tumango ako. Hindi pa rin ako maka paniwala na narito siya sa harap ko. Matapos ang maraming buwan na nangungulila ako sa kanya.

Bahagya na pala akong napatitig sa kanya. Tinignan niya ako na wari'ng nag tatanong ngunit umiling na lamang ako.

Nang makarating kamonsa harap ng dorm ay wala ng katao-tao roon. Malalim na rin siguro ang gabi.

Nadatnan namin si Vera sa sofa noong makapasok kami. May hawak siyang tumbler at nag babasa ng libro. Natigil siya noong nakita kami.

"Andito na pala kayo!" Ngumiti siya sa amin.

"Stop it Vera, alam kong naramdaman mo na kami 5 minutes ago pa." Sumimangot ako sa sinabi ni Primo kaya bahagya ko siyang tinapik na nahuli ni Vera.

"Aw, ang sweet. Bakit hindi pa kayo mag hiwalay." Tudyo nya na hindi na pinansin ng katabi ko.

Hindi din nag tagal si Vera roon at pumasok na sa kwarto pero bago iyon ay sinabihan niya si Primo na kailangan nilang mag usap bago matapos ang gabing ito.

Nauna ako sa kwarto para sana mag shower. Puro ako pawis kanina dahil sa mga pinagagawa ni Vera sa akin. Natapos akong mag shower ng madatnan kong naka upo na si Primo sa aking kama. Naka hubad na ang coat niya at tangingi puting long sleeves na lang ang suot at ang terno nitong itim na pantalon.

"Nag usap na kayo ni Vera?" Tanong ko bago maupo sa harap ng vanity. Napansin ko ang pag iling niya bago humarap sa gawi ko.

"Mamaya pa, may gagawin pa raw siya ngayon." Tumango ako at inayos ang moisturizer na pinagagamit sa akin ni Vera noon pa.

"Are you okay here? Alam kong sumali ka na sa league ni Vera." Nilingon ko siya at tinignan ang reaksyon niya. Wala namang bago roon, hindi ko pa rin mabasa.

"Oo, sumali na ako. Ako na lang ata ang walang ganoon rito." Sagot ko. Mukha namang hindi binili ni Primo ang dahilan ko kaya't naka tingin pa rin siya.

"Akala mo ba hindi ko alam ang mga nangyayari sayo. Kahit wala ako ay may balita parin ako kapag tungkol sayo." Huminga ako ng malalim at tuluyan ng lumapit sa kanya.

Inagaw niya sa kamay ko ang suklay at siya na ang gumawa noon sa aking buhok. Naka upo lamang ako sa kanyang tabi.

"Okay lang ako rito, Primo. Wag kang mang alala." Paninigurado ko sa kanya. Naramdaman ko ang buntong hininga niya sa aking likod.

"Alam ko namang kaya mo, but it doesn't make any sense when I hear news about it. Can't blame me tho, I treasure you the most." Hinarap niya ako sa kanya bago dinampian ng halik ang aking noo.

"Trust me..." Bulong ko ng makitaan parin ng alinlangan ang mga mata niya. Naka hinga lang ako ng maluwag noong tumango siya.

Inayos ko ang aking higa sa kanyang kanang braso. Naka ulo naman siya sa kanyang kaliwa, naka tingin lamang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.

"How are you?" Tanong ko. Nag laro ang nakakainis niyang ngisi sa kanyang mga labi.

"Never been fine right now. I missed you." Bulong niya habang naka dantay ang ulo sa aking ulo.

"I missed you too. Saan ka ba nitong mga nakaraan?" Bago niya ako sinagot ay inayos niya ang higa namin. Naka pulupot na ang mga braso niya sa akin habang ako naman ay nasa dibdib niya.

The MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon