Chapter 16
"Nabalitaan mo yon? Someone's missing again. Pang ilan na ba yan?"
"Bad omen indeed. Simula noong dumating iyong babae."
"Really? I heard H—" bahagyan nila akong nilingon bago lumayo.
Mula pa kaninang umaga ay puro iyon na ang naririnig ko. Kung pwede ko lang takpan ang tenga ko o kaya naman ay isa-isa silang kausapin at ipaliwanag na wala akong alam doon ay gagawin ko.
Kakatapos lang ng pangatlong subject ko at oras naman na ngayon para sa afternoon break. Wala akong kasama katulad nitong mga nakaraan. Bihira ko ng makita si Nia, hindi ko alam kung talagang mag kaiba kami ng schedule o sandyang iniiwasan niya ako.
Sa araw na ito ay naka schedule ang PE ko. Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin doon dahil ngayon ko pa lang makikita ang prof dahil wala sya nitong mga nakaraang araw.
"Hoy." Hinawi ko ang buhok ko para makita si Vera na kasama si Mona, iyong babaeng blonde noong nakaraan. Mabait iyong si Mona. Pinapansin niya ako di tulad ni Vera na parang pinandidirihan ako.
"Hi, Hen!" Nangunot ang noo ko sa tawag sa akin ni Mona.
"Henrietta ang pangalan ko, Vera." Inirapan lamang ako ni Vera. Hindi ko naman na masyadong dinadamdam iyong ugali ni Vera dahil mukhang natural na sa kanya iyon.
"Oh." Sinalo ko naman iyong hinagis sa akin ni Vera na ID. Iyon ang bago na ID ko na hiningi siya sa akin kagabi para papalitan. Sinabi niya sa akin na kailangan hindi ako maging angat o katawagtawag ng pansin para hindi ako matunton ng mga nag hahanap sa akin.
Pinalagyan niya ako ng apelyido, katulad iyon noong kanya at kay Mona.
'Cruz'
"Salamat, Vera." Inirapan lamang niya ako at tumalikod na. Nginitian naman ako ni Mona. Matapos kong maisuot iyon ay bumalik na muna ako sa dorm para iwan ang iilang libro at para makuha iyong PE uniform.
Katulad noong umaga ay parang ako ang tinuturo ng buong eskwelahan na dahilan kung bakit nawawala iyong isang estudyante katulad na lang din noong mga nakaraang nawala.
Pag lapit ko sa tapat ng room ay mayroong mga babae roon na nag kukumpulan. Lahat sila ay naka tuon sa aming silid.
"Excuse me...." Hindi man lamang nila ako nilingon bagkos ay tinulak pa. Hindi ko alam kung ano ang meron doon pero ng ma out of balance ako ay sinalo ako ng isang bisig.
Saktong mag papasalamat ako ng mamukhaan ko iyon. Si Ian pala.
"Thank you, Ian." Tumango siya bago pinag tutulak ang mga nakaharang. Nagulat ata sila kaya ang iilan ay nag kusa ng umalis. Sumunod naman ako kaya lang ay agad akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng makita kong wala roon ang upuan ko at nagkalat ang gamit ko sa sahig.
Iniikot ko ang paningin ko ngunit lahat sila ay naka ngisi lamang sa akin. Gusto ko mang maiyak ay di ko magawa, ayaw ko naman na ipakita sa kanila na kinakayan-kayanan lang nila ako.
Lumapit ako sa iilang notebook ko na kinalat nila. Mayroon iyong kung anong basag na itlog at punit punit pa ang iilan.
Pinag pupulot ko iyon matapos kong pinagpag. Parang wala lang sa akin na tumayo ako para lumabas. Dumiretso ako sa CR para doon ibuhos ang sama ng loob ko.
Itong nararanasan ko rito ay malayong malayo sa iniimagine ko noon. Akala ko masaya ang makapasok sa eskwelahan, ngayon naman ay gugustuhin ko na lang na nasa mansyon ako.
BINABASA MO ANG
The Monster
VampireSelfishness paired with love, indeed will turn you into a monster. --- (Second installment of The Highborns Series) H x P 2018