Adallia's POV
Oras na naman sa paglalaro, nandito ako sa playground malapit sa basketball court at malapit din sa Parke sa lugar namin. Naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng habu-habulan, kasama din si Gaylle, isa sa mga kaibigan ko at anak ni Doc. Nato na kaibigan ni Papa.
Tumigil ako sa pagtakbo nang mapansin kong may umiiyak na batang lalaki na malapit lang sa'kin. Malakas siya kung umiyak, mas malala pa siya sa batang inagawan ng candy sa sobrang lakas niyang umiyak.
Nilapitan ko siya at kinuha ang pamunas ko sa bulsa ko. Pinunasan ko ang luha niya, nakita kong nagulat siya sa ginawa ko. Napatigil tuloy siya sa pag-iyak.
Ang cute naman niya...
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa'kin.
"Pinupunasan ang luha mo." Sabi ko habang pinupunasan ang pisngi at ilalim ng mga mata niya.
Nang mapunasan ko ang luha niya binigay ko sa kanya ang pamunas ko na may palatandaan para hindi mawala.
"Oh eto sa'yo na lang, punasan mo yung uhog mo." Sabi ko habang inaabot ang pamunas at kinuha naman niya kaya natuwa ako. Suminga siya ng maraming beses.
'Ewww...'
"Ano pala pangalan mo?" Tanong ko.
"Ako si Ken."
"Bakit ka umiyak?"
"Kasi si Papa... Patay na. Nalulungkot ako kasi wala na nga si Mama tapos wala pa si Papa." Sobrang lungkot ng pagkakasabi niya.
"Huwag ka ng umiyak at malungkot."
Niyakap ko siya habang sinasabi yun.Matagal kaming nagyakapan. Tina-tap ko lang ang likod niya ng marahan habang magkayakap kami.
Humiwalay na ako. Tumigil na siya sa pag-iyak.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya sa'kin.
"Ako si Ada." Malawak akong ngumiti nang sabihin ko ang pangalan ko.
"Pwede ba tayong maging friends?"
"Oo naman, pwede kang sumali sa paglalaro namin bukas."
Ang saya may bagong kaming kalaro.
"Pinky Swear?"
"Pinky Swear."
Ipinagdikit namin ang Pinky fingers namin."Ken!"
Lumingon kami sa may sumigaw na lalaki.
BINABASA MO ANG
If The World End
RomanceAng pag-ibig ba nila ay mauuwi sa trahedya, o sadyang bago sila itadhana trahedya ang nagaganap sa kanilang dalawa? Paghihirap nga lang ba ang meron sa storyang ito o merong magaganap na kilig? Dalawang ipinaglayo ng tadhana o sadyang kahit magkalap...