Chapter 3

3 1 0
                                    

Adallia's POV

Nasa kusina ako ngayon at nagsasaing. Nasa sala naman sila papa at Jaydee. Kasabay ng paghihintay maluto ang sinaing ay nagluto na rin ako ng agahan namin. Nagtimpla din ako ng gatas at kape.

"Adallia, nandyan na ang mama mo!" Rinig kong sigaw ni papa sa sala.

Tumingin ako sa may pinto ng kusina. Medyo napatitig ako ng sandali.

Lumabas ako ng kusina.

"Anak makukuha na yung DNA result." Bungad sa'kin ni Mrs. Aguilar.

"Pasensya na po pero hindi pa po kami nakakakain ng agahan, gusto niyo po bang sumabay?" Binigyan ko siya ng genuine na ngiti, yung tipong walang ngipin na nakikita.

"Nakakain na ako anak, nakisabay na rin sa'min itong si Nurse Ayi. Kaya kumain na muna kayo, maghihintay kami sa inyo." Sabi niya at nanatili silang nakatayo sa may bukana ng pintuan.

"Maupo na muna kayo at manood ng telebisyon." Pag-aya ni papa sa kanila.

Naupo naman sila sa may sofa namin.

"Ahhh gusto niyo po ba ng tubig?" Tanong ko habang nakangiti pa rin.

"Nurse Ayi nauuhaw ka ba? Gusto mo ba ng tubig?" Tanong ni err mama kay Nurse Ayi.

"Naku hindi na po salamat, madami na po akong nainom bukod sa kape kanina." Sagot ni Nurse Ayi.

"Ganun din ako. Huwag niyo na kaming intindihin, kumain na kayo, maghihintay kami sa inyo."

Ang bait niya. Mas inuuna niya ang iba kaysa sa sarili niya.

"Kakain na po muna kami, mabilis lang po."

Nagsilakad na kami sa kusina. Mabilis lang kaming kumain at naghanda na para umalis.

"Tara na po." Sabi ko sa kanila.

Lumabas na kaming lahat at sinarado ni papa ang bahay.
Katulad din kahapon ang dala nilang sasakyan ngayon, kulay blue na van.

Una akong pumasok sa loob ng van. Pero pagpasok ko di ko namalayang medyo mataas yung akyatan kaya medyo natapilok ako papasok sa loob.

"Anak! Ayos ka lang ba? Nagkaroon ba ng sugat?" Nag-aalalang tanong sa akin ng tunay ko na nanay.

Ang hirap talaga maging pandak.

Umupo muna ako malapit sa pinto ng van. Tinignan ni Nurse Ayi ang gasgas.

"May gasgas siya sa tuhod Ma'am Jullian."

Nakita kong nagmamadaling naghahalungkat ang tunay kong mama.

"Sandali ang alam ko may dala akong band aid." Tuloy lang siya sa paghahalungkat sa bag.

"Wag na po kayong mag-alala, gasgas lang naman po ito." Mahinahon kong sabi.

"Pagdating natin sa ospital, palagyan natin ng betadine yan. Ito lagyan muna natin ng band aid." Sabi niya sakin at binubuksan ang band aid na dala niya.

"Huwag ka nang masyadong gumalaw, dyan ka na umupo para di ka mahirapan."

"A-ayos lang po ako, kaya ko naman po gumalaw-galaw, gasgas lang naman po ito, malayo po sa bituka." Nahihiya kong sabi.

If The World End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon