Adallia's POV
Pagpasok ko ng bahay, hindi ko maiwasang mapangiti. Sobrang lawak ng ngiti sa labi ko. Kinikilig talaga ako hanggang buto at laman. Isa na namang araw na kasama siya.
Biglang sumulpot ang kapatid kong si Jaydee galing sa kung saan.
"Ate!" Sigaw niyang papalapit sa'kin at niyakap ako bigla.
"Oh Nico, tapos mo na ba yung assignment mo?" Umupo ako para pumantay kami.
"Ate, tapos ko na po yung assignment ko."
Medyo iba ang expression ng mukha niya.
Anong meron?
Baka naman nasobrahan na naman siya sa pagkain ng chocolate. Naku ito talagang si Jaydee.
"Very Good Jaydee! Eh na saan si papa?" Tanong ko at inayos ang magulo niyang buhok na tumatayo.
"Nasa kusina, may kausap, ate."
Ganun pa rin ang mukha niya.
"Huh? Sino?" Takang tanong ko kay Jaydee.
"Hindi ko kilala ate." Sabi niya.
Tumayo ako.
May masamang kutob ako, hindi ko alam kung bakit.
Naglakad ako papuntang kusina. Nakita ko si papa na may kasamang babae na parang edad 40 pataas, may kasamang lalaki na parang kasing edad ko lang at isa pang babae na nasa edad 30 pataas.
"Papa?" Naiusal ko.
"Anak!" Galak na sabi ng babae at akmang yayakapin ako ng umiwas ako.
"Ano pong anak ang sinasabi niyo?" Naguguluhang tanong ko sa babae.
"Adallia, siya ang tunay mong nanay." Sabi ni papa.
"Anak niyo ko sa kanya at hindi ko tunay na nanay si mama Leyra? Anak niyo ako sa labas?" Naguguluhan na tanong ko kay papa.
"Hindi anak, hindi ka namin tunay na anak ng mama Leyra mo." Sabi ni papa.
Napatulala ako sa kisame.
"Anak, ikukwento ko sa'yo." Sabi nung babae. Hinawakan niya ang mga braso ko.
"Sige na Adallia, makinig ka sa tunay mong nanay." Sabi ni papa.
Naupo ako at naupo rin ang babaeng tumatawag sa akin na anak.
"Nung ipanganak ko kayo. Matapos kayong ideliver ay dinala kayo sa'kin ng nurse para makita ko na kayo, at mabigyan ng pangalan. Nang kunin kayo sa akin ng mga nurse, actually may sarili kayong nurse para bantayan kayo 24/7, kaso yung nurse na pinaki-usapan ko ay nagkasakit at pinagpahinga ko muna, wala kaming pwedeng gawin kundi magtiwala sa ibang nurse para alagaan kayo pero..." putol na paliwanag nung babaeng tumatawag sa'kin na anak.
"Pero kasalanan ko, ako yung nurse na ipinalit dun sa nurse mo na nagkasakit, hindi ko sinasadyang ipatong ka sa maling pangalan kaya iba ang nakakuha sa'yo na nurse nang sumunod na araw at naibigay ka sa maling pamilya. Ang tunay na anak nila ay ganun din, ipinatong ang tunay na Fabregas sa pangalan mo kaya nagkapalit kayo. I'm sorry, dahil nung panahon na yun maraming inaasikaso ang hospital kaya nagkalito-lito, pero kayo lang dalawa ang nagkapalit dahil sa kapabayaan ko. I'm really sorry." Sagot nung isa pang babae na nasa edad 30 pataas. Yumuko siya pagkatapos niyang sabihin yun."KAYO?" Naguguluhang tanong ko.
"Ito ang kakambal mo si Sky Hugh Aguilar." Pakilala ng tunay ko daw na ina sa lalaking parang kasing edad ko na lalaki na nasa tabi niya.
BINABASA MO ANG
If The World End
RomanceAng pag-ibig ba nila ay mauuwi sa trahedya, o sadyang bago sila itadhana trahedya ang nagaganap sa kanilang dalawa? Paghihirap nga lang ba ang meron sa storyang ito o merong magaganap na kilig? Dalawang ipinaglayo ng tadhana o sadyang kahit magkalap...