Adallia's POV
Natatanaw ko na ang Park. Naupo ako sa Swing sa may playground na katabi lang ng Park.
Marami rami rin ang taong nandito sa Playground at pati na rin sa may Park.
Tumingin tingin ako sa paligid, tinignan ko ang punong may tumutubong bulaklak na kulay pink at tinignan ko rin ang mga halamang may tubo ring bulaklak na kulay ube.
Yumuko ako at ngumiti.
Hindi naman ito ang katapusan, may pagkakataon pa akong pumunta rito kahit kailan ko gustuhin.
At dahil nandito ako sa may Playground bigla kong naalala yung batang nakita ko dati na umiiyak.
__FLASHBACK__
Nasa playground ako sa tapat mismo ng Park malapit sa bahay namin. Nakikipaglaro ako sa mga kaibigan ko ng taya-tayaan nang may mapansin akong batang lalaking umupo sa swing na nakatungo.
Nakuha niya ang atensyon ko, di lang dahil malapit lang siya sa'kin kundi kung paano siya umiyak.
Binully ba siya?
Nilapitan ko siya at kinuha ang pamunas ko sa bulsa. Pinunasan ko ang pisngi niya, ng hindi manlang ako nagpapaalam, kaya malamang nagulat siya. Nakaupo ako sa lupa kaya naman naka-angat ang ulo ko sa kanya at kitang kita ko ang mukha niya.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
"Pinupunasan ang luha mo." Sabi ko habang pinupunasan ang pisnhi at ilalim ng mata niya.
Nang mapunasan ko ang luha niya binigay ko ang pamunas ko sa kanya.
"Oh eto sa'yo na lang, punasan mo yung uhog mo." Sabi ko habang inaabot ang panyo at kinuha naman niya kaya natuwa ako.
Suminga siya ng maraming beses.
Ewww...
"Anong pangalan mo?" Tanong ko.
"Ako nga pala si Ken"
"Bakit ka nga pala umiiyak?" Tanong ko pa.
"Kasi si papa, patay na. Nalulungkot ako kasi wala na nga si mama tapos wala pa si papa." Iyak na sabi niya.
Niyakap ko siya at sinabing...
"Huwag ka ng umiyak at malungkot, nandito naman ako eh."Matagal kaming nagyakapan.
Nang mangalay na ako, humiwalay na ako sa kanya.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya.
Ayy hindi pa pala ako nagpapakilala.
"Ako si Ada." Sabi ko ng nakangiti.
"Pwede ba tayong maging friends?" Tanong niya.
"Oo naman. Pwede kang sumali sa paglalaro bukas." Tumatangong sabi ko.
"Pinky swear?"
"Pinky swear."
Ipinagdikit namin ang pinky fingers namin nang biglang may tumawag sa kanya...
"Ken!" Sigaw ng lalaki.
Lumingon kami sa sumigaw na lalaki.
"Tawag na ako, sige aalis na ako, paalam sa'yo." Kaway niya sa'kin kahit nasa harap ko pa siya.
"Wait... Magkikita tayo bukas ha? Makikipaglaro ka sa'min. Promise ah?" Mabilis kong sabi at tanong sa kanya.
"Promise!" Sigaw niya habang tumatakbo na siya palayo sa'kin at palapit sa lalaking tumawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
If The World End
RomanceAng pag-ibig ba nila ay mauuwi sa trahedya, o sadyang bago sila itadhana trahedya ang nagaganap sa kanilang dalawa? Paghihirap nga lang ba ang meron sa storyang ito o merong magaganap na kilig? Dalawang ipinaglayo ng tadhana o sadyang kahit magkalap...