CHAPTER FIVE

26 3 0
                                    

Chapter five:

Ate Drisha?




Jarred's P.O.V





Habang nag-aantay sakanila umupo muna
ako sa isang bench malapit sa timezone.
Hay! 'Bat ang tagal nila? Kanina pa ako nag hihintay dito tsk.




Ng makita ko na yung mala gintong buhok ni Silver at yung kulay pulang buhok ni Blue papunta sa kinauupuan ko tumayo na agad ako para salubungin sila.



buti naman dumating pa sila akala ko nilamon na sila ng CR eh.



"Bakit ang tagal niyong dalawa?! Kanina pa ko nag aantay eh." Naubos ko na nga yung binili kong milktea wala pa rin sila hays.

"Ito kasing si kambal di na napigilan eh tsk. tsk. tsk." Bigla naman akong natawa sa sinabi ni blue langya! Hahaha!

"Bakit kailangan mo pang sabihin?!"  ani ni Silver. Napakamot na lang ng ulo si Blue hahaha.

"Tara na nga!" pagyaya ko sakanila.





Mag kambal sila Silver at Blue, isa silang Identical twin. Ang Pinag kaibahan lang nila ay yung kulay ng buhok nila at ang nunal ni Blue malapit sa mata. Ang weird din ng kulay ng buhok nila no? Di bagay sa pangalan nilang dalawa Wahaha.




Ng makarating na kami sa super market kumuha na agad si Blue ng push cart para may mapaglagyan kami.


"Bro ako na magtutulak niyan." ani ni Sliver sabay kuha ng push cart kay blue.

"Wag na kambal ako na."

"Hindi ako na bro."

"Ako na kambal kaya ko naman to."



Kanina ko pa sila pabalik balik na tinitignan tuwing kinukuha nila ang cart sa isa't isa eh.


"Ako na kasi!"

"Ako ang kumuha kaya ako na!"

"Ako ang kuya kaya ako ang masusunod." 

"Ikaw ang kuya kaya ikaw ang magpaubaya!"



Hay naku pati ba naman sa push cart pag aawayan pa nila?



"Ano ba? pati ba naman push cart pag aawayan niyo? Kapag ako mainis, kayo pagbabayarin ko ng mga pamimilhin natin." Singit ko sa pagbabangayan nila. Agad naman silang nanahimik.

"A-Ano ka ba jarred di kami nag aaway ni bro alam mo namang mahal na mahal ko to eh." ani ni Silver sabay tingin at akbay kay Blue.

"K-Kaya nga di kami nag aaway ni kambal m-mahal namin yung isa't isa eh."

yun naman pala eh.

"T-Tara na bro dahil mahal kita kunin mo lahat ng gusto mo ah tutal si jarred naman mag babayad eh." nakangising usal ni Silver.


hay, kahit kelan talaga abuso ang kumag na pilak na to.



"Kaya nga kambal eh ang bait talaga ni Jarred no? kaya tara na bago pa magbago ang isip niya, mahirap na." tch isang abuso din tong Asul na to eh. No wonder kambal nga sila.



Ng matapos na kami pumila na kami sa counter para mabayaran na ang mga pinamili namin. Ng biglang naalala kong nakalimutan ko palang kumuha ng paborito kong potato chip.



"Wait lang diyan lang kayo ah may idadagdag lang ako." di ko na hinintay ang tugon nila at tumakbo na agad ako para maghanap. Habang nag hahanap may narinig akong  may nahulog na bagay kaya pinuntahan ko muna ito.




Love Is Not OverWhere stories live. Discover now