CHAPTER SEVENTEEN

13 3 0
                                    

Chapter seventeen:

Bumped again










Maaga ako nagising para puntahan ang kwarto ni dane. Dahan-dahan kong pinihit  ang doorknob ng pinto niya, tutal hindi naman ito naka lock. Parati niya na lang nakakalimutang i-lock ang pinto niya paano na lang kung napasukan kami ng magnanakaw dito? Edi siya yung unang papatayin? Buti na lang high secured ang condominium na to hays!








Pinagmasdan ko ang kulay pink niyang kwarto. Kung saakin puro navy blue ang gamit sakanya naman kulay pink lahat. May mga posters din ng B1A4  na nakadikit sa pader niya. May mini book shelf din siya sa gilid. Parehas kasi kami ni Dane na mahilig sa mga libro. Nagpa-paramihan pa nga kami eh kaso nalamangan niya na ako ng pitong libro.






Lumapit na ako sakanya at tinapik-tapik ang kanyang mukha pero ayaw parin niya magising. Sinubukan ko ding yugyugin ang katawan niya habang tinatawag siya pero ayaw parin talaga magising ng bruha. Buti na lang girl scout ako, laging handa. Alam ko ng pahirapan bago to magising eh kaya Kinuha ko na ang dala kong kaserola at sandok.






"Ayaw mo pang gumising ah. Itong sayo." Itinapat ko sa tenga niya ang kaserola at hinampas ko ito ng pagkalakas-lakas gamit ang sandok.




Bigla naman siyang napatayo agad kaya nauntog ang ulo niya sa kaserolang hindi ko pa nabababa.





"OUCHHHH!!!! Fvck! It hurts!" aniya habang hinahawakan ang kanyang ulong nauntog.


"Thank goodness! sleeping beauty is finally awake!" Sarkastiko kong wika.


"What was that for?!" naiirita niyang tanong.


"Ang hirap mong gisingin eh. I have no choice but to do it, kesa naman buhasan kita ng malamig na tubig diba? I bet you don't want it kaya ito na lang ang ginawa ko." sambit ko habang mapang-asar na ngumisi.



"Yah! I hate you! Ang sakit kaya ng ulo ko! Why did you do that ba?!" Aish! conyo!


"Dahil hindi ka kaagad magising! You need to take a bath now. Dahil magsisimba tayo ngayon. I'll going to check on you later kung nakaligo ka na."


"But besh! I'm still slee-"



"hep! No but's. Kaya bumangon ka na diyan or else bubuhasan kita ng nagyeyelong tubig para magising ka ng tuluyan." pagbabanta ko. Kaya naman nakasimangot siyang naglakad papuntang  CR para maligo na.



"Good girl besh." Wika ko habang mapang-asar na ngumiti.



"Che! Bad ka Beshywaps!" aniya na nakuha pang umirap. Hay isip bata parin minsan. Kaya naman lumabas na ako sa kwarto ni dane at pumuntang kwarto ko para makaligo na rin.











Ng matapos na akong maligo, Naghanap na ako ng masusuot. Hmm kung mag dress na lang kaya ako? Tutal bawal ang mag shorts sa simbahan eh baka masermonan pa ako ni father pag nag kataon. Kaya naman sinuot ko na lang ang kulay puting strappy dress na above na knees. At sinuot ko na din ang kulay black kong strappy sandals para bagayan ang damit na napili ko.






And to finish my look, tinirintas ko ang buhok ko at nag apply na din ng kaunting lip tint na binigay ni dane saakin. Sinuot ko na din ang wrist watch ko at ang earrings. I smiled ng makita ko ang repleksiyon ko sa salamin.




'Walang kupas drish. You're a goddess!'





Since bukas monday na at bukas na din kami papasok naisipan kong, kung pumunta kaya kami sa Spa ni Ate Zarrah pagkatapos naming magsimba? I want to look more prettier dahil bukas mag haharap na kami and I want to look presentable infront of him!



Love Is Not OverWhere stories live. Discover now