CHAPTER THIRTEEN

12 3 0
                                    

Chapter thirteen:

Hungry monster






Lumabas na ako ng kotse pagkatapos
i-park ni dane ng maayos ang sasakyan.


Finally we're here!



Nauna na akong pumasok sa loob ng mall dahil masyadong mainit sa labas.



"Hey! beshy, Wait for me!"

Nilingon ko siya.


"Bilisan mo kasi maglakad!"

"Ito na nga oh." aniya.


Parang pagong talaga to kumilos eh.
Ang kupad haaays!


"Ang bagal mo naman! Sabagay ang liit kasi."

"Ayy! Grabe ka Beshywaps ah! Sakto lang kaya ang height ko! Sadyang mas matangkad ka lang saakin Hmp!" aniya habang naka nguso.

Umirap na lang ako.





Pumasok na kami sa National book store
para bumili na ng mga requirments sa school. Late kami ni dane ma-enroll dahil
kakagaling lang namin sa U.S kaya di namin naabutang mag-enroll ng maaga. Buti nga pinayagan na kami ni daddy at ni Tita Juvy na dito na lang kami mag-aaral ni dane sa pilipinas eh. Pahirapan pang mapapayag si daddy pero buti na lang nadaan siya sa paglalambing ko. tsaka sila na din ni daddy yung nag-asikaso para ma-enroll kami sa papasukan namin kahit medyo late na kami papasok. Buti na lang madami siyang connections kaya mabilis niya kaming na-enroll ni dane.


"Beshywaps patingin nga ng mga kailangang bilhin baka may nakalimutan ako eh."

"Ito oh, Scientific calculator na lang ang kulang ko." sambit ko habang inaabot sakanya ang list of requirments.

"Yun! yun din pala ang kulang ko besh." aniya.



Kaya pumili na kami ng bibilhin naming calculator para makapag lunch na dahil it's already past 12:00. dahil medyo madami dami ang pinamili naming gamit at dahil choosy itong kasama ko, kaya natagalan kami.



"Besh gutom na ako kaya bilisan mo ng pumili!" naiinip kong wika.

"Atat ka naman masyado Beshywaps! Di na ba mapakali yung mga alaga mo sa tiyan? Ito na nga lang yung kukunin ko." aniya.



Buti na lang hindi gaanong mahaba ang pila sa counter kaya mabilis kaming naka alis matapos naming bayaran ang mga pinamili namin.





"Besh! Ang sakit na ng kamay ko kakabuhat ng mga pinamili natin!" pagrereklamo ni dane.

"Duhh! Kaya nga pupunta tayong baggage counter para doon muna ilagay ang mga pinamili diba?"


Inirapan niya ako kaya ginantihan ko din siya. Sinusumpong nanaman siya ng kaartehan niya hay!


Ng makarating na kami sa baggage counter agad naman naming pinatago sakanila ang mga pinamili namin para hindi na kami mahirapan pang magbuhat.


"Where do you want to eat?" I asked.

"Besh namiss ko yung pizza sa greenwich tapos yung lasagna nila! Sa Greenwich na lang kaya tayo kumain? pleaseee?" aniya habang nag pu-puppy eyes pa na hindi naman bagay sakanya. Hahaha.

"Stop doing that 'puppy eyes' look di bagay besh you only look like dumb." pang aasar ko.

"I thought you're my bestfriend! Why are you so mean to me?!" aniya habang naka nguso.

Love Is Not OverWhere stories live. Discover now