CHAPTER EIGHT

28 3 4
                                    

Chapter eight:

Potato cake




Kliff's P.O.V



"Ya si mommy asan?" tanong ni joshua

"May pinuntahan po eh."



Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay nila joshua naka upo sa sofa habang nanonood ng TV.


"Eh sino yung tao sa kitchen?"

"Si ma'am Klarrise po."


Si Klarrise?


"Narinig ko pangalan ko ah."


Bigla namang lumabas si klarrise galing sa  kusina.


"Oh nandito pala kayo buti na lang kakatapos ko lang mag bake." nakangiting sambit ni klarrise saamin.

"Yown sakto!" nakangising asong sambit ni blake habang hinihimas-himas pa ang kanyang tyan.

"Hahaha sandali lang kukunin ko lang muna yung binake ko."


Ano naman kaya yung binake niya?


"Movie marathon na kaya tayo? Doon na lang din tayo kumain sa Entertainment room." nakangising usal ni blake.


Kanina kasi napagplanuhan na namin na mag movie marathon. May bago kasing dinownload na mga movies si joshua.


"I agree. Gutom na din ako eh." singit ni Crouge.

"Sige na nga tara."

"San kayo pupunta?" Napatingin kami kay klarisse na may hawak hawak na isang cake.

"Mag mo-movie marathon kasi kami."
Ako na ang sumagot sakanya.

"Pwedeng manuod din ako? Please?"

"Haaay! Sige. basta kami ang pipili ng mga papanuoring movies."

"Ang daya naman joshua! Pero sige na nga."

"So tara na?"

Tumango naman kaming lahat kay joshua.


"Mukang masarap yang cake mo klarrise ah ako na lang ang magbibitbit para di ka mahirapan."

"Hahaha salamat blake."


Tsk mga galawan ng loko (-_-).


"You're always welcome." Grabe may pakindat kindat pang Nalalaman.

"Aish! I almost forgot! kukunin ko lang muna yung lasagna na niluto ni tita mauna na muna kayo sa taas susunod na lang ako."

"Samahan na kita kukuha na din ako ng platito at tsaka ng mga tinidor na din." alok ko sakanya.

"O-Ok sige."


Umakyat na silang tatlo sa taas habang sinundan ko naman si klarrise papuntang kusina.






Pagkapasok namin kumuha na agad ako ng limang platito tsaka na din ng mga tinidor.



Sinulyapan ko si Klarrise kung tapos niya na bang i-slice ang isang buong lasagna para maka akyat na kami sa taas tsaka kanina pa ako naglalaway sa lasagna no.



Ng matapos niya ng i-slice lahat pinuntahan ko na siya.



"Let's go?" tanong ko.


Love Is Not OverWhere stories live. Discover now